Isang linggo na ang nakakaraan mula noong mangyari iyong bumisita kami sa site ng music video taping ni Maximo, ganoon na rin katagal niya akong hindi pinapansin. Ilang beses na akong nagpapansin sa kanya. Sinaktan saktan ko na ang sarili ko para lang mapansin niya ako pero hindi man lang niya ito binibigyan ng oras.
Hindi ko maintindihan bakit hindi niya ako pinapansin. Lalo na ngayon, mas mahirap kasi wala na kaming pasok. Hindi ko na siya ganoon makikita, hindi tulad dati halos araw araw ko siyang makikita. Kahit ganoon hindi pa rin nababawasan ang pagkakacrush ko sa kanya. Siya pa rin ang gusto ko.
Nagkaroon kami ng meeting ng mga club Presidents ng fansclub ni Maximo. Magkakaroon kasi ng concert si Maximo nitong darating na birthday niya kaya pag uusapan namin kung anong klaseng banner ang gagawin namin pati mga t-shirt na ipapagawa.
Kaming mga President pa lang ang nakakaalam na may concert si Maximo kasama na rin sila Macy, Vic at Chikee. Hindi muna namin ito pinapaalam dahil baka magkagulo ang mga fans niya. Siguro next week, ipapaalam na namin ito.
Si Paper at Roses ang gumagawa ng mga outline ng banner ng bawat clubs. Si Finn at Jake naman ang gumagawa ng magiging design ng damit ng bawat clubs. Si Mary naman ang gumagawa ng design ng damit ko, ipinaalam ko sa kanila na mag-iiba ako ng damit sa kanila. Pumayag naman sila dahil ako naman daw ang main President ng buong fansclub ni Maximo.
Gabi na noong natapos kaming magmeeting. 15mins na lang naman kung maglalakad ako. Masarap din naman kasi mahangin ngayon. Siguro maglalakad na lang ako.
"Guys, wag niyo akong kalimutan itext kapag nakauwi na kayo huh!" bilin ko sa kanila
"Yes po, President slash Mrs. Padilla" biro nila sa akin kaya napailing ako
Biglang may bumusina sa tabi ko noong kumakaway na ako sa kapwa kong President. Binaba ng driver ang salamin ng kotse niya. Nginitian ko ang driver.
"Maxine, sabay ka na sa amin" yaya sa akin ni Vic. Inilingan ko siya.
"Hindi na, malapit lang naman ako tsaka lalayo pa kayo kung isasabay niyo ako. Kaya ko na" tinignan niya muna sila Macy at Chikee bago tumingin ulit sa akin
"Kaya ko na! Ano ba kayo? Malapit lang oh!" sabi ko habang tinuturo ang way papunta sa bahay namin. Tumango si Vic sa akin.
"Sige na maglakad ka na. Hihintayin ka naming makatawid" napatawa ako sa sinabi kaya tumango na lang ako para hindi na kami magtagal.
Noong makatawid ako ay hinarap ko sila. Kumaway ako sa kanila at bumusina naman si Vic kasabay noon ang pagkaway nila Chikee at Macy.
"Good evening Manong" bati ko sa guard ng subdivision namin
"Good evening din po Ma'am! Ginabi po kayo huh!"
"Oo nga po e" sabi ko
"Ingat po Ma'am!" bilin niya sa akin bago ako magpatuloy na maglakad.
Sobrang tahimik ng kalsada. Noong mapadaan ako sa playground ng subdivision namin ay huminto muna ako doon para magpahinga. First time kong pupunta doon kasi pinagbabawalan ako nila Mom & Dad para maglaro roon. Sabi kasi nila, malamok doon at marami akong germs na makukuha. Himala nga na pinayagan nila akong umalis netong mga nakaraang araw. Totoo niyan netong naghigh school lang ako pinayagan na umalis alis.
Umupo ako sa tinatawag nilang swing. Habang nakaupo roon ay pinagmamasdan ko ang paligid. Wala ka ng masyado makikita. Wala ng makikitang tao sa ganitong oras sa subdivision namin. Halos mga poste ang umiilaw sa subdivision.
Laking gulat ko noong mahagip ko ang isang pigura ng lalaki. Tindig niya pa lang ay kilalang kilala ko na siya. Kaya mabilis ko siyang tinawag.
"Maximo!" sigaw ko. Dito rin siya nakatira? Possible dahil bawal pumunta rito ang isang tao kung ganito na kadilim kahit kamag-anak ka pa ng may-ari
"Ryler!" sabi ko habang tumatakbo papunta sa gawi niya. Tinaas niya ang kamay niya para pahintuin ako.
Noong makita niya ako ay tumingin lang siya ng sandali sa akin pagkatapos ay luminga linga siya. Huminto ang tingin niya sa isang poste pagkatapos may inilabas siya sa kanyang bulsa at biglang may umilaw doon.
Nabigla ako noong maramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko, agad kong tinignan yun baka kasi sila Mom & Dad na iyon. Habang kinukuha ko iyon ay pasulyap sulyap ako kay Maximo.
Pagkabasa ko ng message, hindi ko alam kung ano dapat ang maramdaman ko.
'Do you have a jacket? Wear it! Put on the hood and go home!'
Noong mabasa ko iyon ay agad akong nadismaya lalo na noong makita kong dire-direcho na siyang naglalakad. Gusto ko sana siyang habulin kaso base sa kilos niya ay malalaman mo ng iniiwasan niya ako.
Ano ba ang problema Maximo? Anong nangyayari sayo?
BINABASA MO ANG
It Had To Be You
FanfictionIsang kalokohan nga lang ba ang pangarapin na makasama habang buhay ang iniidolo mong artista. Alam mo sa sarili mong hindi mo siya maabot dahil malayo ang buhay niyong dalawa. Isa ka lang karaniwang tao pero siya maraming humahanga sa kanya. Subayb...