56

93 12 1
                                    

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak. Nakatingin na ako sa labas ng aking condo. Tinatanaw ko kung nandyan na ba si Maximo pero until now ay hindi ko pa iyon nakikita. Oo, tanga na nga ako dahil sa pagsilip ko rito kahit na impossible na makitang malinaw ang kotse niya.

I was really hopeful. Paano kung hindi na siya bumalik dito? Paano kung nagkaayos na sila ni Yna? Base roon sa social media ay nagkalabuan sila nang makarating si Yna sa ibang bansa. Tuluyan na raw sila naghiwalay nang bumalik si Yna sa Pilipinas.

Napitlag ako nang padabog na bumakas ang pinto. Hingal na hingal ang itsura ni Maximo nang pumasok siya. Luminga linga siya sa kanyang paligid hanggang sa mahagip ng mata niya ako. Napabuga siya ng hinga. Pumikit ang kanyang mata at agad akong nilapitan.

Umupo siya sa aking tabi. Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Napakagat ako ng labi nang bigla niya akong hatakin para yakapin.

Hinaplos niya ang aking buhok. Bumuhos muli ang panibagong luha sa aking mga mata dahil sa ginawa niya.

"Shh. What happened, Maxine? I am here. I am here for you." malumanay niyang saad.

His voice was soothing in my ears. Pinapagaan niya ang aking loob dahil sa ginagawa niya. Malambing ang pagkakasabi niya nito! This is my Maximo, I know he's mine. It had to be him!

"I went here as fast as I can because I am worried about you. When I saw you crying while thinking deeply, I was really furious but I don't want you too see that. I want you too see that the man you are hugging now is willing to listen to you. Please speak now, sweetheart."

Umiling ako dahil sa 'di pagkagustong magsalita. Kapag magsasalita ako, hindi na ako titigil. Natatakot akong malaman ang totoo. But I need to know it!

"I'll wait."

Bumuntong hininga siya't humiwalay sa akin. Bigla siyang tumayo kaya agad kong naramdaman ang takot. Napahawak ako sa kanyang kamay kaya napatigil siya.

Umawang ang kanyang bibig nang makita ang aking pangangamba sa aking mata. He sat again right next to me. Iniayos niya ang aking buhok. He held my hand so tight bago magsalita.

"I'll just get you a drink. You looked exhausted." Tumango ako at hinayaan siyang kumuha.

Tinanaw ko siya hanggang sa kusina. Ayaw kong malingat ako ng kahit konti. Gusto ko iyong gawin hanggang hindi panatag ang damdamin ko.

Bumalik siya sa aking tabi at inalok ako ng tubig. Mabilis ko iyong ininom habang nakatingin ng maigi sa kanya.

"Are you okay now?" tumango ako sa tanong niya.

"What's bothering you, Maxine?" hindi ako agad nakapagsalita. Alam niyang may bumabagabag sa akin. Am I too obvious?

"I went straight here after my work because I was worried about you. I saw an article about you and Yna, the two of you met in a restaurant?" kahit na alam kong mangyayari ito ay nagulat pa rin ako. Hindi ko alam na ganoon na lamang kabilis kumalat iyon.

Tinanguan ko siya bilang sagot.

"Could you elaborate it to me, what happened there?" Tumindig ang balahibo ko dahil sa lambing niyang pananalita. Bakit kahit marami akong katanungan ngayon ay hindi ko pa rin maiiwasan punahin ang kanyang ginagawa para sa akin?

"Did the article made me looked bad?" naaasiwa kong tanong sa kanya.

Nginitian niya ako at hinawakan ang isa kong kamay.

"I don't care what the article tells about you. I just care about your feelings now. I want to know what's bothering you. Even though that article made you looked bad, it doesn't matter because I know you, sweetheart. I know that you are not like that." Napakagat ako ng labi dahil doon.

It Had To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon