6

268 77 43
                                        

Nang magising ako kanina, sabi ni Maximo nasa Batangas kami ngayon. Eto raw ang bahay ng kanyang paboritong tita. Sobrang laki ng bahay ng tita niya. Nasa tuktok ito ng bundok tapos ito lang ang kaisa isang bahay doon. May dalampasigan din sa bandang kanluran ng bahay. Kulay puti halos lahat ang muwebles sa loob.

Natigil ang pagmamasid ko sa bahay noong may marinig kaming mga yabag. Agad akong inakbayan ni Maximo, napatingin ako sa kamay niya na nakaakbay sa akin. Naramdaman ko ring namula ako sa sobrang kilig.

Bumaba mula sa mahabang hagdan ang isang nakaputing babae. Napakasophisticated ng kanyang mga galaw. Halatang mayaman siya. Mayroon siyang matatangos na ilong at mahahabang legs. Pwedeng pwede siyang maging isang modelo. Siya siguro ang tita ni Maximo.

"Ryler! Long time no see!" nakangiting bati ng tita ni Maximo

"Hello sa paborito kong Auntie!" pabirong sabi ni Maximo kaya napatawa ang tita niya. Hinalikan ni Maximo ang tita niya. Napatingin sa akin ang tita niya

"Wow! May dala kang babae, sa wakas! Siya na ba?" nakangising sabi ng tita niya. Hindi ko alam kung bakit namula ang mukha ko

"Pakilala mo naman ako sa kanya Ryler!"

"Si Auntie talaga oh! Auntie, si Maxine po. Maxine si Auntie Belle" pakilala ni Maximo

"Napakagandang bata! Manang mana ka talaga sa akin Ryler! Marunong pumili. Magkahawig kayo ng pangalan! Bagay na bagay kayong dalawa!" gigil na gigil na sabi ng tita niya kaya napangisi si Maximo

"Magandang hapon po Ma'am" bati ko sa tita ni Maximo

"Ano ka ba iha! Just call me, Auntie Belle! Syempre, girlfriend ka na nitong pamangkin ko" kinikilig na sabi ni tita. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya

"Auntie mali po ang iniisip mo!" depensa ko naman sa sinabi niya. Tumingin ako kay Maximo pero tumingin tingin lang siya sa ceiling habang pumipito.

Hinampas ko siya dahil sa ginagawa niya. Narinig kong humahagikgik sa tuwa si Auntie Belle. Pagkatapos naming magbiruan ay niyaya na kami ni Auntie sa kusina pero si Maximo ay tumuloy muna sa kwarto.

"Alam mo ba Maxine sabi ni Ryler noon. Kapag nagdala raw siya ng babae rito sa bahay, siya na raw ang gusto niyang pakasalan. Dati hindi ako naniniwala sa sinabi niya pero sa nakikita ko ngayon, parang gusto ko ng maniwala" kwento niya habang inaayos ang lamesa

Saktong pagkatapos namin mag ayos ng dining ni Auntie Belle, saktong parating si Maximo. Nasa tabi ko si Maximo habang kaharap namin si Auntie Belle.

"Auntie Belle, ok lang ba kung dito muna kami matulog ni Maxine" agad akong napatingin sa kanya noong sinabi niya yun. Si tita naman nabulunan kaya inabutan siya ng tubig ni Maximo at tinapik tapik sa likod

"Ryler, alam mo namang mahal na mahal kita dba? Lahat ng mga gusto mo binibigay ko pero huwag lang ito. Masyado pa kayong bata para bumuo ng pamilya!" ngayon kami naman ni Maximo ang nabulunan kaya dali dali naming kinuha ang tubig.

"Kaya ba kayo nandito para magtanan!" dagdag ni Auntie

"Auntie!" nakitang kong namumula ang mga tainga ni Maximo

"Hindi ganoon iyon!" depensa niyang muli

"Eh. Ano ba dapat iyon?" takang tanong ng tita niya

"Auntie, may kumuha kasi ng pictures namin ni Maxine kanina kaya umalis kami ng school" paliwanag ni Maximo

"Hindi ba lalo niyo lang pinalaki ang problema?" napatingin akong muli kay Maximo at nakita kong seryoso lang siyang nakatitig kay Auntie Belle

"I have to do this Auntie!" napatango si Auntie Belle na parang naiintindihan niya agad si Maximo

"Nagpaalam ka na ba sa magulang mo iha? Baka mag-alala sila" ngumiti ako kay auntie pagkatapos umiling.

"I already did" sabat ni Maximo sa amin ni Auntie. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya

"You did?!" hysterical kong sabi sa kanya. Halos napanganga na ako sa sinabi niya. Kilala ko magulang ko, hinding hindi sila papayag! Tumango si Maximo para sabihin na seryoso siya

"But how?!" patuloy lang sa pagkain si Maximo habang atat na atat na akong malaman ang ginawa niya

"Well, I just used my charms" walang ganang sabi ni Maximo. Napanganga ako sa sinabi nya at nabitawan ko ang mga kubyertos! Agad kong hinanap ang cellphone ko mula sa bag ko at tinawagan sila Mom & Dad. Ilang ring lang sinagot na agad ni Dad ang tawag ko. Hindi nga nagsisinungaling si Maximo, totoo ngang na paalam na niya ako.

"Awwww! Ang sweet niyo talaga!" biglang sabat ni Auntie

Hindi ako makapaniwala! Pano nagawa iyon ni Maximo? Anong pinakain niya kilala Mom & Dad!

"Yaya Sita! Pakikuha naman iyong camera sa kwarto ko! Kailangan kong picturan ang lovebirds na ito!" sabi ni Auntie habang pumapalakpak pa.

Matapos naming kumain, agad kaming hinila ni Auntie Belle papuntang garden at doon niya kami pinicturan ni Maximo.

Si Maximo parang sanay na sanay magpose pose sa harap ng camera pero ako parang lagi akong natatae sa harap ng camera.

"Konting lapit pa! Pakita niyo kung gaano niyo kamahal ang isa't isa!" nakailang kuha siguro si Auntie Belle sa amin pero hanggang ngayon ayaw pa rin kami tigilan.

Nagulat ako noong bigla akong hatakin ni Maximo papalapit sa kanya sabay akbay sa akin. Kaya ang nangyari napatingin ako sa kanya sabay naman noon ay pagclick ng camera ni Auntie.

"Wow! Eto na siguro ang pinakamagandang photo niyong dalawa! Papadevelop ko ito at ididisplay ko sa living room! Yung kasing laki noong wedding picture namin ng namatay kong asawa!" kilig na kilig na sabi ni Auntie.

"Patingin Auntie!" sabi ni Maximo habang patakbo sa tabi ni Auntie. Napangiti siya noong mahawakan ang camera. Napatingin siya sa akin at kumindat. Para na akong malalagutan ng hinga sa ginagawa ng nilalang na ito! Bakit sa simpleng galaw niya pa lang parang gusto ng magwala ng puso ko?!

====

Waaah?! Comments 

It Had To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon