8

253 69 35
                                    

Hi jonaxx :) 

This story is dedicated to you! Hihihi. Superduper idol po talaga kita. Gusto kita makita sa personal at makapagpapapirma ng nabili kong libro na gawa mo. 

You are one of my inspiration po talaga in writing. Napakagaling mo talagang writer! Lahat ng stories mo super like ko talaga. Grabe po! Lahat iyon, tumagos sa puso ko.

More power Queen J! Continue writing, dahil po marami po kayong naiinspire na tao :)

Inaabangan ko po ang story niyong Ripped & Tripped. I know isa na naman sila sa magiging hit sa masa. Loveyou queen j! hihihihi :*

Ay, Queen J! Sana magkasecond batch ang libro ni Elijah And Klare. I want to buy po

***

Pumunta kami ni Maximo sa parte kung saan ito ang dausan ng mga Bangka. Sinabihan ako ni Maximo na magpalit ng damit dahil mababasa ang damit ko.

Isinuot ko ang pinadalang damit ni Auntie Belle parang gusto kong lumubog dahil sa dala kong suot ngayon. Pinapasuot sa akin ni Auntie Belle ang red two piece na ito? Seryoso ba siya. Hindi naman ganoon kaganda ang aking katawan at parang wala pa naman akong boobs.

Dahil wala akong choice, sinuot ko na ito. Mabuti na lang nakakita ako ng shorts doon at white na citru top! Akala ko maaga kong papatayin ang sarili ko dahil sa kahihiyan

Nang makita ako ni Maximo, hindi ko alam kung namangha siya sa akin o nagandahan dahil noong una ay napanganga siya pagkatapos ay biglang sumimangot. Nahihiya naman akong lumapit sa kanya. Agad niya akong inakbayan noong makalapit ako sa kanya. Ilang mura rin ang rinig ko sa puntong iyon.

"Shit! Auntie Belle! What did you do?" bulong ni Maximo sa sarili pero narinig ko ito

"Stay with me Maxine! Wag na wag kang lalayo sa akin!" madiing sabi ni Maximo sa akin pagkatapos ay hinawakan ang aking bewang bilang alalay

Sumakay kami ni Maximo sa Bangka kasama ang tagatakbo ng bangkang iyon. Huminto kami sa gitna ng dagat. Napakaganda roon dahil napakalinaw ng dagat. Kitang kita mo ang mga isda sa baba nito. Itinuloy naman ni Kuya ang pagmaneho ng Bangka. Pumasok kami sa isang kweba, napakadilim doon kaya gumamit kami ng flashlight.

"Alam mo ba sabi nila kapag first time mong pumunta rito, pwede kang humiling at pwede itong tuparin ng enkantada na nakatira rito" kwento ni Maximo

"Opo Ma'am! Tama po si Sir! Ang totoo po niyan, isa po ako sa pinalad na matupad ang aking hiling. Ang hiling ko po kasi noon ay sana makilala ko na ang taong makakasama ko sa buhay. Natupad nga po iyon. Madalas po ang mga tinutupad na hiling ay iyong mga tungkol sa pag ibig" sabi ni Kuya

"Pagkatapos ko nga po manggaling dito noon ay saktong nakita ko ang mapapangasawa ko. Nalulunod po siya noon sa dagat Ma'am! Sinagip ko po siya at dahil doon nakilala ko siya. Nagkamabutihan po kami at pinakasalan ko siya" napangiti ako sa kwento ni Kuya

"Ikaw Maximo? Nakarating ka na ba rito?" tanong ko. Agad siyang umiling bilang sagot. Nagtaka naman ako sa ginawa niya

"Bakit?"

"Noong malaman ko ang tungkol sa sabi sabi rito, sinabi ko na sa sarili ko na kapag pupunta ako rito gusto ko kasama ko ang taong magiging dahilan ng magiging hiling ko" sabi niya sa akin. Hinawakan niya ang mga kamay ko at ngumiti naman ako sa kanya

"Ma'am, sir! Hihinto muna po tayo rito! Kailangan po kasi natin mag alay ng dasal dito at dito po tayo banda hihiling."sabi ni kuya, sabay kaming tumango kay Kuya

It Had To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon