Nang makarating ako ng bahay, sinalubong ako nila mama at papa. Nakangiti sila sa akin, mukhang may magandang nangyari ngayong araw na ito huh!
Sabay sabay kaming naghapunan, nakita kong pasulyap sulyap sa akin ang mga magulang ko sa akin. Hindi na ako makatiis kaya tinignan ko na silang dalawa.
"Bakit po?" tanong ko sa kanila
"Anak, iniisip lang namin ng Mommy mo kung anong kurso ang kukunin mo pagcollege mo" sabi ni Dad. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, masyado pang maaga
"Dad, masyado pa pong maaga 1st year highschool pa lang po ako!" sabi ko
"But we want to secure your future anak! Alam mo namang we want the best for you" napatango ako sa sinabi nila
"Ok Dad, para matigil po kayo ni Mom. Ang gusto ko pong course ay Culinary & I also want to take Business Ad after" sabi ko sa kanila
"That's great anak! Manang mana ka talaga kay Daddy!" sabi ni Daddy, napailing na lang ako sa sinabi niya
"Ikaw talaga Ricardo! Inaako mo na naman lahat!" saway ni Mommy kay Daddy. Agad naman siyang sinuyo ni Daddy
Pagkatapos kumain ay agad akong pumasok sa kwarto. Kinonek ko ang aking sd card sa printer namin, ipriprint ko na ang mga shots na kinuha ko kanina. Pwede na siguro ako magtayo ng exhibit ni Maximo dahil sa dami ng pictures niya rito sa kwarto ko.
Pagkatapos kong iprint ay inumpisahan kong iupload ang ibang pictures ni Maximo sa fan page na ginawa ni Vic kanina. Nakita ko rin na marami na ang nagfofollow sa fanpage namin.
Nagulat ako noong may tumawag sa akin
"Hello?" sagot ko sa aking cellphone
Walang sumasagot sa kabilang linya kaya napakunot ang noo ko pagkatapos ay tinignan ko ang cellphone ko kung nasagot ko nga ba talaga ang tawag. Nilakasan ko ang volume ng cellphone dahil wala namang sumasagot at busy ako sa ginagawa ko. Saktong nagchat sa akin si Chikee
"Hello" sabi ko ulit sa katawagan ko habang binabasa ang sinabi ni Chikee. Nanlaki ang mata ko noong mabasa kong ang sinabi ni Chikee kaya binasa ko ulit ito para masigurado.
Tinignan ko ang cellphone matapos mabasa muli ang chat ni Chikee. Lalo nanlaki ang mata ko noong makita ko ang number noong tumawag.
"Hello?" sabi ko muli
Gusto kong umiyak sa sobrang tuwa o baka sa sobrang kilig. Sabi kasi ni Chikee sa chat na kinuha ni Maximo ang aking cellphone number. Binigyan din niya ang cellphone number ni Maximo kaya sigurado akong si Maximo ang tumatawag sa akin ngayon.
"Maximo?" sabi ko sa kabilang linya
"How did you know?" tanong ni Maximo sa akin
"Well! Hmmm!"
"Ohyes! It's Chikee!" naramdaman kong napapailing siya habang sinasabi niya iyon sa akin.
"So, how was your first mall show?" tanong ko sa kanya
"It's good actually its fun! Hindi ko inexpect na ganoon karami ang pupunta sa una kong mall tour at iyon pa lang ang launching ko bilang artista"
"Alam ko namang kaya mo iyon, sa school pa lang nga sikat na sikat ka na. Ano pa kaya sa iba? Dba?"
"Iyon na nga e! Grabe ang saya ng feeling na may napapasaya kang tao" napangiti ako dahil sa kabusilakan ng puso niya
"Hmm. Oo nga pala. Bakit mo pa kailangan ako ipahatid kay Kuya isko?"
"Its for your safety Maxine" napatindig ang balahibo ko sa pagbanggit niya ng pangalan ko
"Thank you!"
"It's getting late Maxine, you need to sleep" huh? Ano oras na ba? 11pm? Seriously? Parang 8pm pa lang kanina huh!
"Oooh? Okay! Bye Maximo" sabi ko
"Bye My Angel!" sabi ni Maximo sabay end ng call.
Hindi ako makatulog dahil sa sinabi niya sa akin. Kaya ang resulta ay puyat akong pumasok. Parang ang bigat bigat ng pasan pasan ko.
Agad akong pinuntahan nila Vic, Macy at Chikee noong makita akong papasok sa klase.
"Ganyan ba talaga pag inlove? Mukhang puyat? Hindi ba dapat mukhang blooming?! AYAW KO NA MAINLOVE?!" sabi naman ni Chikee
"Hay nako! Magkwento ka na lang nga kung ano nangyari bakit ganyan itsura mo!?" sabat naman ni Macy
"Napuyat yan kakatelebabad kay Maximo! Ayun ang rason!" sabat naman ni Chikee
"Ayon naman pala e! Malandi ka Maxine!" pabirong sabi ni Vic
"Bakla ka ba?" sabi ko kay Vic kaya humagalpak ng tawa sila Macy at Chikee
"Ewan ko sayo Maxine, ang sama mo sa akin!" sabi ni Vic
"Ayan na siya" bulong ni Macy sa amin. Napakunot ang noo naming tatlo kaya nginuso niya ang kanyang sinasabi. Sabay sabay naman kaming tumingin doon.
Nakita kong pumasok si Maximo, napakagwapo talaga niya. Nakakahiya ang itsura ko ngayon. Ang ganda ganda ng tindig niya. Mukha pa siyang fresh sa ayos niya ngayon parang hindi siya napagod kahapon.
"Shit! Nakakahiya!" bulong ko sa sarili ko kaya agad akong tumayo para magmadali na pumunta sa cr.
Dahil sa pagmamadali ko may nabunggo na ako at napahiga ako sa sahig. Sobra sobra na talaga ang pagkapahiya ko sa araw na ito.
"Ang hilig mo talagang mamangga huh!" sabi sa akin noong nabangga ko. Shit don't tell me! Inalok ni Maximo ang kanyang kamay sa akin. Napapikit ako noong makita ko ang nakangisi niyang itsura sa akin.
"Sorry!" hingi ko ng tawad sa kanya
Sabay tuloy na naglakad palabas ng classroom. Nakakahiya shit! Shit! Natigil lang ako sa paglalakad noong may humigit sa akin.
"You're still beautiful, don't worry!" tumindig ang balahibo ko sa boses na iyon.
Hinarap ko siya. Nagulat na lamang ako noong sobrang lapit niya sa akin. Oyes! Maximo! It's him! Matagal kaming nagkatitigan.
"You are really a temptress!" bulong niya sa akin habang papalapit ang kanyang mukha.
Nagulat na lang kami noong biglang may lumiwanag na parang flash ng camera. Nagulantang si Maximo sa pangyayaring iyon. Ilang mura ang lumabas sa kanyang bibig. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan si Jim. Pagkatapos niyang makatawag ay hinablot niya ang aking kamay at kinaladkad papunta sa kotse niya.
"where are we going?" tanong ko sa kanya
"We are going to cut!" madiin niyang sabi
"What?"
"Please! Just trust me." Sabi niya sa akin habang iniistart ang engine.
Tumango ako bilang sagot ko kay Maximo. Hinawakan ko ang kamay ni Maximo at ngumiti sa kanya
2/27/2016
For My Future Readers,
Hi! Sana pagdating sa part na ito. Magustuhan niyo na ang character nila Maxine at Maximo. I know you'll love them.
I really hope you'll enjoy reading my story.
BINABASA MO ANG
It Had To Be You
FanfictionIsang kalokohan nga lang ba ang pangarapin na makasama habang buhay ang iniidolo mong artista. Alam mo sa sarili mong hindi mo siya maabot dahil malayo ang buhay niyong dalawa. Isa ka lang karaniwang tao pero siya maraming humahanga sa kanya. Subayb...