Magkakaroon kami ng presscon kasi malapit na ang premiere night namin. Hindi pa nga tapos ang shooting kaya mamaya pagkatapos ng presscon ay diretso ang shooting namin. Five days from now ay Valentine's day na kaya rush na rush na kami.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon kung bakit sobra akong kinakabahan. Siguro dahil sa bagong mga pictures na naman na kumakalat tungkol sa akin at sa dalawang manliligaw ko. Ang unang picture ay ang pagbisita ni Christian sa set. Iyong isa naman ay kuha noong nagpalipad kami ni Maximo ng lantern. Para bang buong America ay nakasubaybay sa lovelife ko.
Mabuti na alng hindi kasama dun ang eksena ng nasa restaurant kami kasama si Andrea. Pano kung maging laman iyon ng balita? Bakit nga ba ako kakabahan? Alam ko kung ano ang totoo. Kahit gaano katagal na ako sa Hollywood ay hindi pa rin ako sanay.
Nagulat na lang ako nang may kumatok sa kotse ko. Isa siguro siya sa staff, ibinaba ko ang bintana at sinabihan niya ako na ako na lang hinihintay para makapag-umpisa na kami.
Pagpasok ko ng hall ay iilang flash ng camera ang bumungad sa akin. Napatayo si Maximo nang makita ako, tinulungan niya akong makaakyat sa stage.
Humugot ako ng isang malalim na hininga bago bumati sa mga press. Hindi na kami nagpatumpik tumpik pa, pinromote na namin ang bago naming pelikula. Hindi rin kami makaiwas sa mga tanong ng mga press.
"Miss Maxine, are you aware about the rumors in social media that pertains to you being a two timer?" nanliit ang mga mata ko dahil sa binatong tanong sa akin. What the hell! Paano naman nila nasabi iyon sa akin?
"No, I am not are of that." Mariin kong sabi kaya nagkaroon ng konting ingay.
"What can you say about this?"
"Maybe those who spread rumors want something to be the talk of the town. I am courting by two handsome men, it is still courting people. I think I should choose wisely especially these persons will be part of my life, right? What if the two men will be one of my lifetime partner, I should know him first. I should follow what my heart says." Nakangiting saad ko sa kanya. Kita ko naman sa gilid ko ang pagtitig sa akin ni Maximo.
"I must agree to Alexa. Besides this is her life, why do people keep on bothering the lives of other people. Mind your own business! She's lovely, meaning there are possibilities that there will be more men that will be attracted or inlove with her." napangisi ako sa pagtanggol sa akin ni Maximo, inabot ko ang kamay niya sa ilalim ng lamesa para ipaalam na kalma lang siya dahil kaya kong ipagtanggol ang sarili ko.
Pinagmamasdan ko sa malayo si Maximo habang nagshoshoot siya, napangiti ako dahil kitang kita ko kung gaano niya kamahal ang kanyang trabaho. Alam ko sa sarili ko na hindi magtatagal na kailangan kong haharapin ang mga sasabihin ng mga tao tungkol sa akin, sa amin lalo na ngayon na may mga rumors palang ganun.
Naalala ko ang eksena kanina bago kami makarating sa site. Ang daming fans ang naghihintay sa amin sa labas ng press conference hall. I am happy kasi mga open minded ang mga tao rito sa America. Isinisigaw nila ang suporta nila sa akin.
Ngayon ko lang nalaman na nababalita na rin pala kami sa Pilipinas. Ang mga Pilipino pala ang ilan sa nang babash sa akin. Ramdam ko ang sakit kasi kung sino pa ang tingin kong kakampi ko sila pa ang manghuhusga sa akin. Siguro masyado lang nila mahal si Maximo para ayawan nila ako. I don't know, iyon lang tingin kong pwedeng rason kaya ayaw nila sa kain.
Kinawayan ko si Maximo nang tumingin siya sa gawi ko. Sinenyasan akong pumunta roon sa pwesto niya kaya't agad akong pumunta roon. Mabilis akong inakbayan ni Maximo nang makalapit ako sa kanya. Napakunot ang aking noo nang makita ko ang nakakaloko niyang ngisi.
"Anong ngiti yan? Nakakatakot ka!" bulong ko sa kanya na lalo niya pa atang niyang ikinangisi.
Gusto ko siyang sapakin kasi hindi ko maintindihan ang dahilan ng pagngisi niya. Hanggang sa humarap sa amin si Direk pagkatapos niyang kausapin ang isa sa staff. Tinaasan ng kilay ni Direk si Maximo dahil sa ngisi niya pagkatapos ay tumawa. Bakit parang may hindi ako alam dito?
"What's happening?" hindi na ako nakatiis na tanungin sa kanila. Nagkatinginan silang dalawa at sabay nanginisian ako.
"This is embarrassing!" tampo ko sa kanila. Inilingan lang nila ako.
"Well, there will be a change in our script Alexa." Seryosong saad ni Direk kaya agad akong napanganga.
"We need to rush things. This will be our last shoot so we need to make this fast but I think this change will make our editing in delay. But, this will be worth it!" nakangising saad ni Direk. Ano ba naman kasi ang sinasabi ni Direk?
"What are you talking about? Can you go straight to the topic?" naiinis na tanong ko kay Direk.
"Too hot, Alexa!" natatawang komento ni Maximo kaya inirapan ko siya.
"Chill out Alexa. Well, you'll be having a kissing scene." Nakangiting saad ni Direk. Nagkibit balikat ako sa sinabi niya. Tinaasan naman ako ng kilay ni Maximo.
"Kissing scene? Oh, sure! Just a piece of cake!" nanlaki ang mata ko nang magsink in sa akin ang sinabi ni Direk.
"What the hell! I... I..." hindi ko malaman ang sasabihin ko sa kanila. Bigla akong kinabahan sa nangyayari.
Napansin ko na lang na hinigit pa ako ni Maximo papunta sa kanya para bulungan niya ako.
"Why? I thought it was just a piece of cake?" natatawang bulong ni Maximo.
===
BINABASA MO ANG
It Had To Be You
FanfictionIsang kalokohan nga lang ba ang pangarapin na makasama habang buhay ang iniidolo mong artista. Alam mo sa sarili mong hindi mo siya maabot dahil malayo ang buhay niyong dalawa. Isa ka lang karaniwang tao pero siya maraming humahanga sa kanya. Subayb...