I was roaming around the Time Square. Nilanghap ko ang hangin at pumikit dahil sa sarap ng simoy ng hangin. Inispread ko ang aking kamay at umikot. Nang mahilo ay tumigil ako. Natawa ako nang maramdaman kong mahuhulog ako sa sahig. Mabuti na lang may sumalo sa akin. Naiiling akong tinignan ni Kean.
Napanguso ako dahil sa katarayan niya. Hinawakan ko ang ulo ko dahil sa sobrang hilo. Nakahawak pa rin sa akin si Kean. Mula nang magkasama kaming muli rito ay sobrang protective na niya sa akin.
"What do you think you are doing?" mataray niyang saad sa akin. Inirapan ko siya
"I just want to have fun, Kean."
"Have fun?" sarkastikong saad nito
Hindi nawala sa tabi ko si Kean. Mabuti na lang nandito siya kung hindi ay talagang ikababaliw ko ang pag-iisip kay Maximo. Dalawang buwan na siyang hindi nagpaparamdam sa akin.
Noong sinabihan niya akong bumalik dito sa ibang bansa ay pumayag ako dahil akala ko ay susunod agad siya. Una ay halos araw-araw kaming nag-iiskype or viber pero nagdaan ang araw, hindi na masyado nagkakausap. Hanggang sa tuluyan na kaming walang komunikasyon.
Pero bago ako umalis ng Pilipinas, nangako siya sa akin kapag natapos na ang lahat ay magpapakasal na kami. I need to stick with that promise.
Sabi ni Gabby sa akin ay matagal nang tanggap ng mga tao ang tungkol sa amin ni Maximo. Dumami rin ang mga fans ko dahil doon. Taos puso akong tinanggap ng mga tao kaya nagboost lalo ang career ko. Iniimbitahan nga muli ako ng Pilipinas para magshow doon. Hindi ko nga lang muna pinauunlakan dahil hinihintay ko pa ang pagbalik ni Maximo. Paano kung magkasalisihan kami?
Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik sa akin kung maayos na ang lahat. Ayaw ko siyang pagdudahan dahil marami na siyang pinatunayan sa akin pero hindi ko maiwasan kung parang iniwan na niya ako sa ere.
Pagkasabik ko sa kanya ay hindi katulad ng dati. Noong una akong umalis ay hindi ganun kahirap. Oo mahirap pero kinaya ko dahil para sa kinabukasan ko iyon. Hindi tulad ngayon kasi gusto kong kasama ko siya palagi. I don't want to leave him. We have a relationship now! Gusto ko lagi akong nasa tabi niya. Gusto kong sabay kaming lumaban.
Inihatid ako ni Kean sa venue ng concert namin. Kaya ako pinapagalitan kanina ni Kean dahil may concert pa kami ng Temptress. Actually, kanina pa nila ako tinatawagan at minemessage dahil may last rehearsal pa kami. Gusto ko lang maglibang sandali para mabawasan ang bigat ng puso ko.
Narinig ko ang pagkatuwa sa buga ng hininga ng mga kasama ko nang makita ako. Agad nagsilapitan ang Temptress at niyakap nila ako isa-isa. Tawang tawa ako dahil halata ang pag-aalala sa kanilang mukha.
"Where have you been, Alexa?" nagkibit-balikat ako sa tanong ni Keena kaya itinulak niya ako.
Natatawa ko lang siyang inilingan pagkatapos ay dire-diretso na ang pasok ko sa dressing room. Doon ako sinalubong ng nakapameywang na si Gabby kaya lalo lang akong natawa.
Ready na ready na ako. Tinignan ko ang sarili sa salamin, masasabi kong inihanda talaga ako ni Gabby for this event. This will be our anniversary concert. Nakakatuwa dahil sold out ito. May mga sikat ding Hollywood actors na dadalo like Paul Wesley, Nina Dobrev, Oprah, Angelina Jolie and many more.
Napatingin ako sa aking paligid. Kitang kita ang excitement sa mga mukha nila Keena, Mikki at Jerry. Dapat maging masaya rin ako pero hindi ko magawa.
Chineck ko ang viber ko baka kasi nagmessage siya sa akin pero laking dismaya ko nang makita na wala man lang nagbago roon. It's still the same. Iyong huling text niya ay iyon pa rin.
Nakatulala na lang akong nakatingin sa phone ko. Napatalon ako sa gulat nang may humawak sa magkabilang braso ko. Kitang-kita ko ang awa sa mukha nila Keena sa akin. Hindi ko napigilan maging emosyonal dahil sa naramdaman ko na namang mag-isa ako ngayon.
Kapag wala si Maximo sa aking tabi, tingin ko ay mag-isa lang ako. Feeling ko hindi magiging kompleto ang araw ko kung hindi ko man lang siya mararamdaman.
"We are here for you, Alexa." Sambit ni Keena. Agad namang tumango ang dalawa bilang sang-ayon.
"I know." Garagal kong saad dahil pinipigilan kong umiyak.
"Always remember that he loves you, Alexa. He fights for you, okay?" napatingin ako kay Jerry nang sinabi niya iyon. Hinawakan niya ang aking kamay at ngumiti.
"You just have to trust him on this. I bet, he gave you an assurance. Just hold into that." Malumanay niyang dugtong.
"We may not know Maximo that much but when we saw your videos. How he said to the world how much he loves you. I can tell that you are one hell lucky girl! He loves you so much, Alexa." Paninigurado ni Mikki.
"Before, I don't believe in love. I've been into a relationshits. But when I heard about you and him. How he fight for you. I can't help but believe in love. There will be challenges you need to face. You already conquered the first one. I know, this one will be just a piece of cake." Seryosong saad ni Keena.
Gusto kong matawa sa sinabi ni Keena pero alam kong seryoso siya. She also has a point. I thought, si Jerry lang ang makakaintindi sa akin pero mali ako. They love me so much. I can feel it.
Hindi ko na napigilang mapaiyak sa lahat ng sinabi nila. I am so lucky to have them by my side. Hindi makaundagaga ang tatlo nang makita ang luha ko. Kanya kanya silang kuha ng tissue kaya bigla na lang akong natawa. Nakaramdam sila nang relief nang marinig ang tawa ko.
Pinagalitan naman ako ni Gabby dahil sa nagkalat na ang make up ko. Hindi ko na lang siya pinakinggan para hindi siya lalong maaasar sa akin. Kapag pinakinggan ko siya ay matatawa lang ako sa kanya.
All smiles akong lumabas ng backstage ng ako na ang kakanta. Ako ang pinakahuling lumabas sa aming apat. Dumagundong ang arena dahil sa sigawan ng mga fans. Nakita ko sila Chikee, Vic at Macy sa harap kasama nila roon si Gem at Christian.
Napangisi na lang ako nang nakitang parang inaaway ni Gem si Christian. Kitang kita ang binibigay na pagpapasensya ni Christian sa kanya. Naglilihi kasi si Gem at mukhang si Christian ang pinaglilihian dahil kahit gaano kagustong niyang kasama si Christian ay ganoon din ang pagkainis niya rito.
Nang makabalik ako rito ay nagkakausap na pa lang dalawa. Ang alam ko ay nililigawan ni Christian si Gem kaya halos pagtulakan ko silang dalawa.
Naalala ko na naman tuloy si Maximo. I missed him so much! Kailan kaya niya ako susunduin dito? Malapit na kaya iyon?
Nanlaki ang mata ko nang makita sila Mommy and Daddy na papunta sa katabing pwesto nila Gem. Hindi ko alam na pupunta sila ngayon sa States. Kailan pa sila bumyahe papunta rito? Nakaramdam ako ng excitement dahil doon.
Naging maganda ang resulta ng concert. Trending ito worldwide kaya gustong gusto magcelebrate ng Temptress kahit pare-pareho kaming pagod. Ipinalabas din ang concert namin sa iba't ibang bansa kaya bibigyan kami ni Auntie Carina ng vacation days for two weeks. Maybe, pwede ko iyong gamitin para kay Maximo.
Marami ang nagpapicture sa amin. Halos lahat pinaunlakan namin dahil sobra successful ng concert na ito. Sa sobrang kasiyahan namin ay may gana pang makipagflirt sila Keena at Mikki sa mga guest ng concert.
Pagod kaming pumasok sa dressing room pero hindi matanggal sa mukha namin ang kasiyahan. Maraming flowers ang nagkalat sa bawat lamesa namin. Ang nakakuha ng atensyon ko ay kulay puting rosas na para sa akin. Sa lahat kasi ng bulaklak iyon lang ang kakaiba. Halos lahat ay pulang rosas o kaya nakapa-arrange na puro naman lilies.
I saw a note in there. Mabilis ko itong kinuha. Unti-unti ko itong binuksan pero hindi ko maintindihan ang kabang nararamdaman ko ngayon.
Nanginig ako nang makita at mabasa ang naroroon. Bumugso ang luha sa aking mata dahil doon.
'Hi, sweetheart! You did great on the stage. I am so proud of you! You are really a temptress. I am fan, sweetheart! I will always be your number one fan. I love you! –M'
Is he here? Bakit hindi ko siya nakita? Bakit hindi siya nagparamdam sa akin? Bakit hindi siya pumasok dito sa dressing room para kamustahin ako?
Where is he?
![](https://img.wattpad.com/cover/49417576-288-k121856.jpg)
BINABASA MO ANG
It Had To Be You
FanfictionIsang kalokohan nga lang ba ang pangarapin na makasama habang buhay ang iniidolo mong artista. Alam mo sa sarili mong hindi mo siya maabot dahil malayo ang buhay niyong dalawa. Isa ka lang karaniwang tao pero siya maraming humahanga sa kanya. Subayb...