23

136 53 8
                                    

Naging mabilis ang panahon. January na nga ngayon. Konting tiis na lang, gragraduate na kami. Noong Christmas, nagkaroon ng paliksahan para sa pinakamagandang decoration sa classroom. Ang section namin ang nanalo kaya binigyan kami ng principal namin ng special gift. Natanggap namin iyon noong Christmas mismo. Ang natanggap ko ay ang bagong album ni Maximo at may natanggap din ako ng isang locket na kwintas na may picture namin ni Maximo. Hindi ko nga alam kung saan nila iyon nakuha. Ako nga lang ang nakakuha ng dalawang regalo kaya laking pasasalamat ko.

Abala ako ngayon para sa pagpreprepare sa pagsali sa Miss Alma Mater. Naging excited pa nga si Mommy dahil pangarap niya raw iyon dati. Hinire niya pa nga ako ng isang coach na magtuturo sa akin kung paano maglakad para sa bawat category. Pati Question and Answer pinagkakaabalahan namin.

Hindi ko naman talaga plano ang pagsali sa Miss Alma Mater. Bunutan kasi ang nangyari para sa section namin. Maglalagay ng pangalan sa isang papel kung sino ang gusto magvolunteer pagkatapos ay bubunutin ang isasali. Hanggang tatlong babae lang ang pwedeng magrepresent sa bawat section.

Hindi ko alam na inilagay pala ni Chikee ang pangalan ko sa papel. Akala ko pa nga noong una na inilagay niya ang sarili niyang pangalan. Pero noong natawag ako roon na ako nagtaka, sakto naman ay nagsiappearan ang mga magagaling kong kaibigan.

"Perfect Maxine!" tuwang tuwang sabi ni Gabby ang coach ko slash siya na rin pala ang make-up artist ko.

"Thank you Gabby" ngiti kong sabi sa kanya

"I think you'll win this pageant! The moment I watched your production number, I can sense that you'll get the crown!" napapalakpak si Mommy dahil sa komento ni Gabby

"Hindi pa nangyayari ang pageant Gabby. Ano ka ba? I mean everyone deserves to win" sagot ko

"Ang nega naman nito! Maxine, panalo ka na roon!" singit ni Chikee sa usapan

Nandito sila Chikee sa bahay. Gusto raw kasi nilang makita ang praktis ko. Mukhang sila pa ang mas excited sa akin. Nakikiinternet din sila sa amin dahil iniispread nila ang picture ko para makakuha ng maraming likes. Iyon kasi ang pagbabasehan kung sino ang mananalo sa award na People's Choice.

"Ay girl! Ikaw na ang pinakamaraming likes! Ikaw na talga!" sigaw ni Macy

"Pano ba naman kasi pati sa mga fanpage na ginawa natin kay Maximo, inispread niyo! Nakakahiya!" iling-iling kong sabi sa kanila

"Well, that is not the only reason why you got the highest votes as of now! It is because you are the most beautiful of them all!" ngising sabi ni Gabby

"TAMA!" pabaklang sigaw nila Macy at Chikee.

Sobrang nakakakaba noong lumabas na kami ng mga contestants mula sa backstage. Iba't ibang hiyaw ang naririnig ko mula sa mga taong nanunuod

Nang magpakilala ako sa harap ay sweet na sweet kong nginitian ang mga judges. Pagtingin ko sa pangatlong judge muntikan ng mapalaki ang mata ko noong makita ko si Maximo na nakaupo roon. Kitang kita naman ang paglaki ng mata niya dahil sa gulat, siguro tulad ko ngayon niya lang din ako napansin.

Nang makalabas ako sa stage doon ko naramdaman ang sobrang kaba. He will be one of the judges! Hindi ko alam kung makakakaya ko ito.

Bawat pasok ko sa stage ay nakakapantindig balahibo. Iniiwasan ko ang mga mata ni Maximo dahil kakaibang kaba ang nararamdaman ko kapag nakikita ko siya.

Susunod na susuotin ay ang swim wear. Hindi nga ako komportable suotin ang swim suit pero dahil kailangan, dapat labanan ko ang kahihiyan. Pero ngayon, hindi ko alam kung paano iyon lalabanan lalo na't magsusuot ako ng ganun sa harap ni Maximo. Nakakahiya!

It Had To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon