Hopelessly Addicted- New Story

76 6 3
                                    

Napangiti ako sa isa na namang successful na operation na ginawa namin ngayon. Isang pigil hiningang operasyon ang nangyari sa loob ng operating room dahil ilang segundo ring tumigil ang tibok ng puso ng pasyente kaya't pati kami ay tumigil ang paghinga.

Hindi ko maipaliwanag ang tuwa na nakikita ko sa mukha ng mga pamilya ng aming pasyente. Binigyan ko sila ng isang malapad na ngiti nang ilang beses silang nagpasalamat sa amin. Napanguso ako dahil isang tipid na tango lang ang ibinigay ng doctor na katabi ko pagkatapos ay dumiretso sa kanyang opisina.

Pumunta ako sa nurse station para makapagpahinga sandali. Tinignan ko ang bawat sulok ng opisina na para lamang sa akin. Nangyari lahat ng ito dahil sa aking pagsisikap. Napatingin naman ako sa aking lamesa, isinisigaw nito ang aking posisyon. 'Veronica Kate Cruz, head nurse', napapangisi na lang ako tuwing nakikita ko ito.

Napapikit ako nang maramdaman ko ang swivel chair ko. Sa wakas makakapagpahinga na rin. Nang makapagrelax ay pumasok sa aking isipan ang naging dahilan ng aking pagsisikap. Ang dahilan kung bakit ako tumuntong sa ganitong katayuan sa buhay, I was in Grade 10 back then.

Isa ang pamilya namin sa mga kilalang matitinik sa larangan ng business. Lahat na ata ng luho namin ng aking kuya ay binigay ng aming magulang kaya taos puso akong nagpapasalamat doon.

I was not the typical girl in school. I am beyond that. Isa ako sa mga estudyanteng aktibong nagrarally dahil sa walang kwentang pangangalakad ng Presidente ng paaralan namin.

Pero malaki ang nagbabago kapag pumapasok ako ng classroom tuwing Algebra ang subject. Masasabi mong isa akong maamong pusa dahil kaklase ko lang naman ang taong hinahangaan ko. Malayong malayo ako roon sa taong halos sunugin na ang eskwelahan para lang mapatalsik ang tumatayong Presidente.

Tunay ngang para akong anghel kapag nasa harapan ng crush ko pero hindi rin maiiwasan ang pagiging pilya lalo na't gusto kong pansinin niya ako. Halos araw-araw ko siyang inaabangan tuwing uwian para makausap man lang ng sandali.

Hindi rin naman lingid sa kanya na sobra-sobra ang paghanga ko sa kanya. Minsan ay sinusungitan niya ako, minsan naman ay binabaliwala niya lamang. Pero hindi ako tumigil sa pangungulit sa kanya.

Palagi akong tumatambay sa library para abangan ang crush ko. Dito kasi siya namamalagi tuwing break time niya. Mahilig kasing mag-aral ang isang iyon, isa sa katangian na nagustuhan ko sa kanya.

Halos hindi na ako mapakali nang makita kong papasok na siya sa library. Napakagwapo talaga niya. Nakabukas ang isa sa butones ng kanyang polo shirt. Ang kanyang buhok naman ay hindi mawari kung anong ayos pero nakakadagdag ito sa kanyang sex appeal. Bagay na bagay rin ang suot niya eyeglass, napanguso na lang ako dahil sa taglay niyang kasungitan. Hindi man lang marunong ngumiti!

Umupo siya sa bandang kanan ko. Sinimulan kong ilugay ang aking buhok na nakapusod. Kumulot ito dahil sa tagal ng pagkakapusod at naamoy ko ang halimuyak ng aking buhok. Ilang beses kong pinindot ang pabango ko para masiguradong mababanguhan siya sa akin

Inilabas ko ang chocolate na binili ni Daddy na galing pang Germany. Napangisi ako ng makita ko ang balot nito. Talagang pinaghirapan ko pang gawan ito ng design para maging kaaya-aya.

Unti unti akong lumapit sa kanya. Nang makarating ako sa harapan niya ay inilahad ko ang chocolate sa kanyang harapan. Itinigil naman niya ang kanyang pagbabasa at tinignan ito.

Napakagat labi ako't inilagay ang takas na buhok sa likod ng tainga. Nang tignan niya ako'y nasulyapan ko ang pagtaas ng kanyang kilay.

"What's that?" mataray niyang tanong sa akin.

"Regalo ko para sayo." Narinig ko ang pagsusuplado niya.

"Why do you keep on pestering me? You are always giving me gifts that I don't need! And I bet, that is another chocolate! Especially that your dad just came back from Germany for business." Napanguso ako sa kanyang pagsusungit.

"You know that I like you, Nircus." Mahinang bulong ko.

"You like me? Hindi ko gusto ang mga babaeng katulad mo. Spoiled brats!" walang pakundangang sabi niya. Nakagat ko ang aking labi dahil sa hiya.

"I am not spoiled brat!" sigaw ko sa kanya.

"Shhh!" saway ng aming librarian.

Napatingin naman si Nircus sa aming paligid at hinila ang aking palapulsuhan para ilayo roon sa library. Napunta kami sa isang bakanteng classroom.

Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa kaya nagbigay ako ng isang malakas na buntong hininga para makapagsalita.

"I like you Nircus. Alam mo yan, simula noong Grade 7 palang tayo. Grade 7 palang nililigawan na kita Nircus! Hanggang ngayon, hindi mo pa rin ako pinapansin. Hanggang ngayon, sinusungitan mo pa rin ako."

"That's the point, Veron! Naiinis ako sayo! Masyado kang spoiled brat! Hindi ka marunong tumanggap ng pagkatalo. Gusto mo lagi kang panalo. Hindi palaging ganun! You need to accept defeat! Rejections!"

"Lagi kang nagpapansin sa akin tapos kapag hindi ka napansin, magwawala ka! Lalo ka pang nagpapapansin. Pinapahiya mo ako sa maraming tao!"

"Because you keep on ignoring me! That's the only way that I know! Please, accept my love for you Nircus!" pagsusumamo ko pero lalo lang ata tumindi ang pagkadi-gusto sa akin.

"How can I like you? You are not my type of girl! You are worse than anyone out there! You are too clingy." mariin niyang sabi na nagpapapikit sa akin. Marami akong hiyang nilulunok ngayon kaya sasagarin ko na.

"Tell me! Tell me the characteristics that you like about a girl! I will change for you!" desperada kong saad.

"You like me yet you are failing in our class! I like girls who have dreams!"

"You are my dream." Bulong ko na nagpabigay ng frustration sa kanya.

"Shit! Gusto ko ang babaeng nag-eexcel! Understand? Nihindi nga lumalagpas sa 75% ang grades mo! Balita ko pa, hindi lang iyon sa klase natin pati na rin sa halos lahat ng subjects mo! Paano kita ipagmamalaki na girlfriend ko sa pamilya ko kung bagsakin ka?"

"You know what..." he paused tsaka ay pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"You have the looks. You have an angelic face but you don't have a brain!"

Gusto nang tumulo ng aking mga luha dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman. Ang crush ko lang naman ang lumalait sa akin. Sinasabi niya lahat ng kapintasan ko.

"Mag-aral ka ng mabuti Veron! Hindi puro pag-ibig ang inaatupag mo! Bata pa tayo."

"Balikan mo ako. Balikan mo ako kapag may maipagmamalaki ka na sa akin. Patunayan mo sa akin na malaki kang kawalan." Bulong niya na tumatak sa aking isipan.

Kaya mula noon ay nagsumikap na ako. Lahat ginagawa ko para magtagumpay ako. Tulad nga ng sinabi niya ay hindi ako tumatanggap ng pagkatalo.

++

I haven't reviewed this yet so baka mabago pa ito or maiayos lang.

Sana po ay tangkilikin niyo at subaybayan parang pagsubaybay at pagmahal kila Maxine and Maximo. 

Godbless to us. This is now posted! Please check it on my profile :) Thank you

It Had To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon