60

90 7 1
                                    

It's been a three days mula noong concert. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita o nakakausap man lang si Maximo. Nakaramdam ako ng pagtatampo dahil doon. I know, siya iyong nagpadala ng bulaklak. Naramdaman ko iyon.

Naging busy ang pag-uumpisa ng June ko. Iba iba ang kinabubusihan ko. Nanguna sa pinagkakaabalahan ko ang biglaang pagrent ng restaurant ko. Naging hands-on ako rito kasi ito ang pinaka-unang pagkakataon na may gagamit sa restaurant para isang malaking event.

Base sa secretary ko ay bigatin daw ang magpapa-event. Malamang daw ay mafeafeature ang restaurant ko sa iba't ibang magazines. Hindi ko maiwasang maexcite dahil sa ako ang binigyan ng pagkakataon noong customer para sa tema ng kanyang event. Basta raw ay ako na ang bahala at dapat siguraduhin na tatama ito sa event na iyon.

Nang magkaroon ako ng pagkakataon na makilala ang customer namin ay laking tuwa ko nang maibahagi lahat ng ideas. Hindi ko maitatanggi na parang inilagay ko ang sarili ko sa kinalalagyan ng customer.

Isang wedding kasi ang event na mangyayari. Napanguso ako nang makita ko ang kliente dahil halata ang pagiging mausisa niya. Hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi siya mismo ang gumawa ng konsepto niya lalo na't isa siyang bride. Hindi niya rin kasama ang kanyang groom marahil ay parehas silang busy. Halata kasi sa bride na isa siyang busy na tao. Sa suot niya pa lang na corporate attire ay masasabi mo na.

Isa sa mga nagustuhan kong gawin ang pagdedesign ng cake. Isang five layers na cake ang naisipan ko. Binigyan ko rin siya ng tatlong pagpipilian pero sa huli ay tinanong niya ang opinion ko. Ang pinili ko ay ang cake na may styro sa pinakataas hanggang pangtatlong baba. Naisipan ko rin gawan ito ng video presentation ang couple pero umayaw agad ang bride.

Tinulungan din ako nila Chikee, Vic at Macy sa paghahanda. Nakakatuwa kasi nagkaroon kami ng bonding dahil dito. Bawat plano ay kinukuhanan namin para may mailalagay kami sa website ng restaurant.

Naalala ko tuloy iyong mga panahon na ako ang nangunguna sa pag-oorganisa ng events ni Maximo. Nakakamiss ang mga panahong iyon.

Maraming endorsements din ang nakalinya sa akin. Nagkaroon ako ng pagkakataon para maging model sa isang sikat na magazine. Weddings ang pinakatema ng June issue nila.

Tuwang-tuwa ako noong ginaganap ang photoshoot. Para itong isang prenup ng kasal. Iba't ibang gown ang pinasuot sa akin. Minsan ay nagmumukha akong diwata dahil minsa'y sa garden ginanap ang shooting.

Ang pinakapaborito ko roon ay ang shoot kung saan nakawedding gown ako at may hawak na bulaklak habang nasa pinakabungad ng simbahan.

Nasa isang photoshoot na naman ako ngayon pero hindi lang iyon ang gagawin. Isang advertisement or commercial din ang gagawin ko ngayon. Hinihintay na lang namin ang magiging kapareha ko para sa June issue. Hiyang-hiya talaga ako ngayon kay Tim dahil dapat noong February issue pa ito. It is late June now. Pajuly na nga e!

Kaya hangga't maari ay lahat ng gusto nila ay pagbibigyan ko. Sabi ni Tim ay ang may-ari raw ang mismong may request ng gaganaping eksena ngayon.

Hanggang ngayon ay hindi pa ako binibigyan ng instruction ni Tim kaya hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko ngayon. Kahit si Gabby ay hindi rin alam basta't binigyan niya lang ako ng maisusuot.

Tinulungan ako nila Chikee at Macy sa pagsuot ng dress. Red tube,balloon dress ang susuotin ko ngayon, hanggang tuhod ang haba nito. Pagkatapos kasi nito ay dire-diretso na kami nila Chikee, Macy at Vic sa Maxims para sa big event. Bukod pa roon ay gusto raw nila akong masilayan sa loob ng starlight.

Napangisi ako nang makita ang decoration ng venue. Nasa isang open grounds kasi kami ngayon. Talagang pinaghandaan ito ng mga staff.

Malaki ang pagkamangha ko sa itsura ng lugar. May mga kulay red and white na petals na nakakalat. May mga litrato rin na nakasabit sa dingding, hindi ko nga lang makita rito dahil nasa dulo ako. Kita kong may mga hawak na balloons ang ibang staffs. May mga tutugtog din sa may gilid. Mukhang pinagkagastusan talaga ang shooting na ito.

It Had To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon