48

71 12 0
                                    

Nakayakap sa akin si Christian at marami siyang ibinubulong na nagpapakaba sa akin ng tunay. Hindi ako mapakali. Anong yes? Anong ibig niyang sabihin doon?

"Christian?" bulong ko

"Thank you! Thank you for making my dreams come true. Thank you for being my girlfriend!" hindi ako agad nakakibo sa sinabi niya. Paano nangyari iyon? Hindi ko matandaan na pumayag ako!


Ayokong pawiin ang sayang nararamdaman niya pero hindi rin ako pwedeng magsinungaling sa sarili ko. Alam kong masasaktan ko siya pero mas masasaktan siya kung patuloy ko siyang paasahin kahit na good choice siya. Maraming tao ang boto para sa aming dalawa. Kung tutuusin, hindi ganun karami ang negatibong komento nila para sa aming dalawa.


Alam ko rin na hindi ako sasaya kung siya ang pipiliin ko. Pwede, pwede akong sumaya pero hindi matatamasa ang tunay na kaligayahan na alam kong kay Maximo ko lang mararamdaman.


Huminga ako ng malalim bago ako magsalita. Ramdam ko na nangingilid ang mga luha sa aking mga mata. I'm not used to this! I don't want to break his heart but this is the only way.


"Christian?" malumanay kong tawag sa kanya. Nginitian niya ako at hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako roon.


"Yes, honey?" malambing niyang saad na dumurog sa puso ko.


"I—I'm sorry!" nahihirapan kong sabi na nagpatulo ng luha ko.


Naguguluhan akong tinignan ni Christian.


"Honey?"


"It is not what you think, Christian. I'm sorry!" halos hindi na ako makahinga habang sinasabi iyon.


"Alexa? What are you talking about?" humigpit ang hawak niya sa aking kamay pero hindi ko iyon alintana.


"You know from the very start that I love someone else. I'm sorry but I didn't said yes to you because there is this someone that belongs in my heart." I know that was straight to the point pero ayaw ko na magpaligoy ligoy pa.


Umiling iling siya't pekeng tumawa. He crinkled his nose before speaking.


"And that someone is Maximo." He stated. Napayuko ako sa itinuring niya.


"It hurts. It hurts a lot! Shit!" I reached for his cheeks to wipe his tears.


"I'm sorry Christian. I will keep on saying sorry for causing you pain that will be best I think I can do for now. You are a such a great guy, you deserve someone better. I know it is not me." Niyakap ko siya ng sobrang higpit para maramdaman niya na nandito pa rin ako para sa kanya.


"Once he let you slide, I'll get you. Remember that! I want you to be happy. Your happiness is my happiness too even though it hurts." Bilin niya.


"Please be happy Christian. You are the person that I adore the most and it hurts seeing you like this." Bulong ko sa kanya.

It Had To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon