Every birthday ni Maximo nagpapadala ako ng cake sa bahay niya. Hindi ko nga lang alam kung natitikman niya man lang iyon, syempre sa dam iba naman ng nagbibigay sa kanya ng cake. Iba't ibang klase pa iyon. Kaya ngayon, gagawa ako ng kakaibang cake para sa kanya na makakacatch ng attention niya.
Tinawagan ko na ang pinagkakatiwalaan kong tauhan para ipadala ang cake na gawa ko sa bahay nila Maximo. Mabuti na lang talaga laging nandyan si Kuya Isko para tulungan ako sa ganito.
Sa totoo lang, mayroon na namang birthday celebration si Maximo kasama ang mga fans. Ngayong year lang ako hindi sumama. Kahit last year ay sumama ako, gusto ko kasing makita si Maximo lalo na't hindi ko na siya masyado nakikita sa school nun.
Naabutan ko si Dad na nagkakape sa sala. Napangisi ako noong nakabusangot na naman ang mukha niya kaya agad ko siyang nilapitan at hinalikan sa pisngi. Bigla siyang nagulat pero agad din naman siyang napangiti. Pinaupo niya ako sa tabi niya.
"My Princess, good morning!" bati niya sa akin
"Good morning too, my dear grumpy father!" napailing siya sa sinabi ko
"Nakipagdecide ka na ba kung saan mo gusto mag-aral?" usisa sa akin ni Dad
"Ofcourse Dad!"
"That's my girl!"
Biglang dumating si Mommy kaya nakisali siya sa usapin namin. Niyaya niya rin ako na sumama na magmall. Sabi niya kasi gusto niya akong bilhan ng mga dress, matagal tagal na sumula noong magdress ako. Madalas kasi nakapants lang ako at isang t-shirt. Never pa akong nagskirt except na lang kung nasa school ako syempre uniform iyon. Lagpas tuhod din naman ang skirt ko sa school.
Sinasabi nga ni Mommy sa akin minsan na ikokonsulta na niya ako minsan sa isang fashion expert. Siya nga ang pinakanatutuwa noong sinabi kong mag-eenroll ako sa isang modelling agency. Marunong naman ako sa fashion pero may gusto kong magsuot ng komportable sa akin. Kaya ko nga natulungan sila Chikee, Macy at Vic dahil may fashion sense naman ako.
Pumunta kami sa isang boutique na ang nilalaman ay designer clothes. Pagkapasok namin sa boutique, agad hinaluglog ni Mommy ang mga racks na nilalaman ng mamahaling damit. Kahit naman mayaman kami, tinuruan din ako ni Daddy na magsave ng money.
Sinabi sa akin ni Mommy na minsan lang naman daw kami magshopping kaya pagbigyan ko naman daw siya. Binigyan ako ni Mommy ng limang iba't ibang dress sabay tulak sa akin papasok sa fitting room.
Tuwang-tuwa si Mommy tuwing lumalabas ako sa fitting room. Bawat ko rin ay may mga komento siya. Pinapili niya ako sa limang dress kahit sabi niya ay lahat ng iyon ay kukunin namin. Pinili ko ang kulay green na off-shoulder dress, ang haba nito ay hanggang tuhod ko. Sabi ni Mommy, gagamitin ko raw iyon para sa 25th anniversary ng kompanya namin.
Nawili pa si Mommy na maghanap ng dress, ngayon naman ay para sa kanya iyong bibilhin. Kaya habang naghihintay nilabang ko muna ang sarili sa pagtingin sa isang accessory shop, maghahanap ako ng pwede kong ibigay kila Macy at Chikee.
Napangiti ako noong makita ko ang isang bracelet, pwede itong icustomize para mabuo ang pangalan mo. Wooden ang mga letra ng bracelet. Magpapagawa ako ng bracelet para sa amin nila Macy at Chikee, isasama ko na rin si Vic. Okay lang naman siguro para sa lalaki ito.
Napasimangot ako noong may asungot na tumabi sa akin. Tinignan ko siya ng masama kaya napatawa siya. Tinaasan ko siya ng kilay
"Are you stalking me, Kean?" mataray kong sabi sa kanya lalo naman siya tumawa. Tinignan ko ang paligid dahil nakatingin na ibang tao sa amin. Iyong iba naweweirdan sa kanya. Iyong iba parang kinikilig. Well, gwapo naman kasi itong si Kean lalo na't lagi pa siya nakasmile.
"For your information, I am here to buy a gift for my sister. And oh please, don't fool yourself!" sabi niya habang napapangisi
"Whatever!" inirapan ko siya kaya lalo siyang napatawa
"So, can you help me find one?" napatingin ako siya at nanliit ang mata ko sa kanya.
Napailing siya sa akin pero hindi ko na lang siya pinansin. Tinulungan ko siya maghanap ng regalo para sa kapatid niya. Pinakita ko sa kanya ang bracelet na ipapagawa para sa mga kaibigan ko pero umiling siya. Sabi niya kasi hindi mahilig sa bracelet ang kapatid niya, kaya tinuro ko ang isang heart-shaped na earrings. Mukhang nagustuhan niya ito kaya pinakuha niya ito sa sales lady.
Sakto naman ay natapos na ang pagpapagawa ko ng bracelet kaya sabay na kami pumila ni Kean. Magbabayad na sana ako noong nilapag niya rin ang earrings na ibibigay niya para sa kapatid niya sabay labas ng dalawang libo.
"Hey! What are you doing?" takang tanong ko sa kanya.
"I am paying! Stupid eyes!" napacross arms ako sa sinabi niya.
Pagkatapos niyang bayaran ang binili namin ay ibinigay niya sa akin ang binili ko sabay labas ng shop. Sinundan ko siya para ibigay ang bayad ko. Napakayabang talaga nitong lalaking ito!
"Hoy! Kean!" hinampas ko siya para tumigil siya sa paglalakad.
"What?!" inis niyang tingin sa akin
"Eto oh! Bayad ko!" sabi ko sabay lahad ng pera sa kanya
"Are you insulting me?" tumaas ang kilay ko sa kanya.
"Para sabihin ko sayo, ikaw ang umiinsulto sa akin! May pera ako para bayaran iyon! Hindi mo kailangan bayaran iyong binili ko! Sungit!" sigaw ko sa kanya
"Ugh! Crazy woman! If that's the case, let's just say that it will serve as an appreciation gift. A thank you gift because helped in looking for my sister's gift" paliwanag niya sa akin. Inirapan ko naman siya pero deep inside natuwa ako sa rason niya.
"Whatever!" narinig kong napa'tss' siya sa akin. Inilingan ko siya sabay lakad ng palayo sa akin.
Hindi ko maintindihan iyon si Kean. Minsan mabait, minsan masungit! Grabe talaga iyong lalaking iyon! Daig niya pa ang may PMS sa ginagawa niya.
Hindi ko na hinabol si Kean kasi tinawag na ako ni Mommy. Habang nasa byahe pauwi, pinabukas ko ang t.v sa driver ni Mommy. Binalita ang ginanap na birthday celebration ni Maximo kasama ang fans. Sobrang saya ng fans, lahat sila nagsisigawan sa tuwang makita si Maximo. Nakita ko rin sila Macy, Chikee at Vic, Nakangiti sila habang iniinterview sila. Namiss ko tuloy iyong time na ako ang iniinterview para sa birthday ni Maximo.
Ipinakita ang performance ni Maximo para sa mga fans. Kumanta si Maximo para sa kanyang mga fans. Ang naging headline ng news ay ang pagpatak ng luha ni Maximo noong may tinitignan siya sa malayo bago magwish at ihipan ang cake niya. Mukha siyang may tinatanaw sa malayo. Tumitingkayad siya at hindi mapakali sa pwesto niya habang kinakantahan siya ng mga fans.
Agad kong tinext si Chikee tungkol sa news, kinumpirmma niyasa akin na totoo iyong nasa news. Kaya nacurious ako kung ano ba tinitignanniya sa malayo. Sabi sa news, ipapalabas ang buong nangyari sa araw na itobukas. Aabangan ko ito! I want to know!
BINABASA MO ANG
It Had To Be You
Fiksi PenggemarIsang kalokohan nga lang ba ang pangarapin na makasama habang buhay ang iniidolo mong artista. Alam mo sa sarili mong hindi mo siya maabot dahil malayo ang buhay niyong dalawa. Isa ka lang karaniwang tao pero siya maraming humahanga sa kanya. Subayb...
