Next day in the morning, we are cuddling in the sofa nang dumating si Gabby at Jim sa condo ko. Parehas silang humahangos sa sobrang pagod. Agad akong napatayo sa aking pagkakahiga sa katawan ni Maximo dahil sa pag-aalala habang si Maximo naman ay dahan dahan lang ang pagtayo.
Agad binuksan ni Gabby ang t.v habang si Jim naman ay tinapik lamang si Maximo. Napaawang ang aking bibig nang makita ang interview ni Yna. Sinisiraan niya ako sa maraming tao.
She's making a story about me. Sinabi niya na kusang loob ko siyang pinuntahan sa restaurant tapos ay inaway ko siya roon. Sinabihan ko raw siyang lubayan si Maximo. Sinabi niya rin na ginagamit ko si Maximo para sa sarili kong kasikatan.
Alam kong sinabi na ito ni Maximo kanina pero hindi ko alam na ganito kalala ang ginawa niya. Paano niya nasisikmurang gawan ako ng kwento? Anong karapatan ni Yna para gawin ito sa akin? Niisang beses hindi ko siya kinalaban.
Napatingin ako sa umilaw kong cellphone. May message ako mula sa producer ng The Buzz, iniimbitahan nila ako roon. I will go there. Gusto kong ipagtanggol ang aking sarili.
"They want me in The Buzz." Anunsyo ko sa kanila. Tumango ang tatlo sa akin.
"We'll go there. We'll go there together." Napakunot ang noo ko kay Maximo. Sasama siya?
"Tayong dalawa ang magpapa-interview. Gusto kong malaman din nila ang sasabihin ko." tumango na lang ako kay Maximo kaysa makipagtalo pa. Hindi ko alam ang plano niya pero alam kong makakabuti ito para sa amin.
Hindi na namin ipinagpabukas ang pagpunta sa The Buzz dahil gusto kong maclear ang aking pangalan. Nakamata ang mga tao nang makarating kami. Nanginginig ako nang makaupo sa upuan na nakalaan sa akin. Si Maximo naman ay parang relax na relax lang at walang pag-aalinlangang umupo sa aking tabi.
Hindi inakala ni Tito Boy at ng mga producer na sasama sa akin ni Maximo. Inexplain ni Maximo na gusto niyang sumama sa buong interview. Marami rin siyang gustong sabihin sa mga fans kaya pinayagan siya. Sinabi niya rin na marami siya isisiwalat kaya lalong umayon ang producers.
Ipinaliwanag sa amin ni Tito Boy kung saan mapupunta ang mga tanong. Habang ako ay hindi na mapakali, si Maximo naman ay taimtim lamang na nakikinig.
"Alexa. Are you ready?" mahinahong tanong ni Tito Boy habang hawak hawak ang aking kamay.
Tumango ako sa kanya bilang sagot. Umayos ng upo si Tito Boy at nagthumbs-up sa mga camera man. Tinignan ko si Maximo, ngumiti siya sa akin at feeling ko ay magiging ayos lang ang lahat.
Tumikhim si Tito Boy at nginitian kaming dalawa. Sumigaw ang producer na mag-iistart na.
Maligaya kaming nagbatian nila Tito Boy at binati rin namin ang mga manunuod. Ikinumpas ni Tito Boy ang kanyang kamay bago magsalita muli.
"Diretsahang tanong kayo na bang dalawa?" napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Maximo na nakahawak sa aking kamay.
"Yes po. Kami na." maagap na sagot ni Maximo.
"Kung ganun, paano si Yna Mendez? Totoo bang pinagsabihan mo si Yna, Alexa?" napasinghap ako sa sunod sunod na tanong niya.
"We are good friends, Tito Boy. Ang totoo po niyan hindi pa kami nagkausap muli ng masinsinan mula ng makarating ako. Nagkita lang kami isang beses at nagkamustahan. I was with Alexa when I met her. Iyon po ang kumakalat na picture namin ni Yna." Sagot ni Maximo.
"I'm sorry to ask this. Ano kayo ni Yna bago siya umalis ng ibang bansa at bago siya umuwi rito."
"Magkaibigan po kami ni Yna, Tito Boy. Hanggang ngayon po ay magkaibigan lang po kami."
BINABASA MO ANG
It Had To Be You
FanfictionIsang kalokohan nga lang ba ang pangarapin na makasama habang buhay ang iniidolo mong artista. Alam mo sa sarili mong hindi mo siya maabot dahil malayo ang buhay niyong dalawa. Isa ka lang karaniwang tao pero siya maraming humahanga sa kanya. Subayb...