Sobra kaming naexcite noong nag-announce ang emcee na babasahin na niya ang mga love letters. Bawat basa ng love letters ay naghihiyawan ang mga tao. May mga kinikilig din. Halos hindi na nga makahinga yung iba dahil sa katatawa sa mga love letters, mayroon kasing sobrang korny at sobrang lalalim ng mga salita.
Nagulat ako noong mabasa ang sulat ko para kay Maximo. Kaya hinanap ko agad kung saan siya nakaupo para makita ko ang reaksyon niya. Hawak hawak niya lang ang labi niya at parang pinaglalaruan niya ito.
"Dear Maximo! Sino si Maximo? Kaway kaway naman jan!" sigaw noong emcee kaya pinagtulakan si Maximo ng mga kagrupo niya. Natatawa lang siyang kumaway sa emcee.
"Woah? Napakagwapo naman pala netong si Maximo!" narinig ko ang mga hagikgikan ng mga babae sa gilid ko
"So, ito na nga! Dear Maximo, sana balang araw hindi na ako matatakot na ipakita ang nararamdaman ko sayo. Alam mo bang ikaw ang nagpapasaya ng araw ko at ikaw din ang bumubuo nito. Sana pwede kitang makausap ng walang magagalit. Walang manghuhusga. Love, M" napangisi ang emcee pagkatapos mabasa iyon. Namula naman agad ang pisngi ko pagkatapos noon
"Mukhang matagal mo ng secret admirer itong sumulat sayo Maximo. Kung magproprovide ba kami ng date niyo netong sumulat, pagbibigyan mo ba ang hiling niya na makausap ka niya." Nanlaki ang mata ko noong marinig ko iyon. Nagsigawan naman ang mga tao na halos dumagungdong ang lugar.
"Ano Maximo? Gusto mo bang pagbigyan ang sumulat ng letter na ito? Sobra akong natouch sa letter ng babaeng ito kaya gusto kong bigyan siya ng chance na makausap ka. Mukhang sobra ka niyang gusto." paliwanag ng emcee.
Tumigil yata ang paghinga ko dahil doon. Sabi noong emcee, first time mangyayari ang date na isasagawa kung sakaling pumayag si Maximo. Napakagat ako ng labi noong nagthumbs-up siya. Hindi ako makapaniwala na magkakaroon kami ng date.
"Woah? So, Miss M! Kung sino man ang nagsulat ng letter na ito, pumayag na si Maximo. Bukas ng dinner gaganapin ang date niyo kaya maghanda kayong dalawa at pumunta sa garden of eve."
Pagkasabi na pagkasabi ng emcee nun ay iba iba ang mga komento na narinig ko mula sa ibang tao. Gusto kong makisali na humiyaw hiyaw. Gusto kong magwala sa sobrang kilig pero hindi ko magawa dahil baka makita ako ni Maximo lalo na minsan ay nakikita kong napapatingin siya sa pwesto ko.
Hindi ako agad makatulog dahil sa sobrang excitement. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para lang makatulog ako ngayon. Gusto kong maging fresh bukas para magandahan sa akin si Maximo.
Nakangiti akong nagising kinabukasan. Lahat ng mga taong nakakasalubong ko ay binabati ko. Nagtataka nga rin sila Chikee, Macy at Vic sa sobrang pagkahyper ko.
Sinabi ng emcee na pumunta raw ako sa activity hall kasi ibibigay ang damit na susuotin ko para sa magiging date namin ni Maximo. Doon muna raw ako magsstay sabi ng emcee kasi papagandahin ako doon.
Ipinakita sa akin ng taong naabutan ko sa activity hall ang dress na kulay white. Sleeveless ito at hanggang tuhod ko. May mga roses na design ito sa bandang belly ko. Napangiti ko dahil sa ganda ng dress. Inilapag ko muna iyon sa gilid dahil sabi ni ate Mich, papagandahin na raw niya ako.
Narinig ko ang boses ng emcee. Tinatawag niya ang pangalan na nilagay ko sa letter. Kaya napangisi ako at inaabangan na makita siya.
"Wow! Ikaw pala si M. Hmmm, its just your initials. You are Maxine!" tuwang tuwang sabi noong emcee
"You know what, hindi ko akalain na sobrang ganda mo. Grabe sis, ang ganda mo talaga! Pwede kang mag-artista! Swear!"napa-iling ako sa sinabi noong emcee
BINABASA MO ANG
It Had To Be You
Fiksi PenggemarIsang kalokohan nga lang ba ang pangarapin na makasama habang buhay ang iniidolo mong artista. Alam mo sa sarili mong hindi mo siya maabot dahil malayo ang buhay niyong dalawa. Isa ka lang karaniwang tao pero siya maraming humahanga sa kanya. Subayb...