27

118 48 7
                                    

Maaga akong pumunta sa studio para sa pictorials ko. Mag-eendorse kasi ako ng isang clothing line. Matagal na nila akong endorser, isang taon na nila rin iyon.

When I entered the studio, lahat sila ay sobrang busy, aligaga lahat ng mga tao. Napangisi ako noong mas lalo silang hindi mapakali noong dumating na ako.

Agad akong nilapitan ng secretary ng may-ari ng clothing line. I haven't met the owner kaya hanggang ngayon ay sobrang curious pa rin talaga ako. Maraming nagsasabi na gwapo raw ang may-ari ng clothing line kaya lalo ko lang ginusto na makilala siya.

"Good Morning Miss Alexa" bati sa akin ng sekretarya ng boss na si Tim.

"Good Morning Tim. Are we ready?" nakangiting tanong ko sa kanya

"Actually Ms. Alexa, we are still not ready because the photographer haven't arrived yet"

"Oh? It's okay, Tim. I'll just wait here"

"Ooops! No Alexa! You can't wait long here because you need to rest for your next pictorial which is located far from here. Maybe, we can postpone this photoshoot" biglang sabat ni Gabby ang manager ko. Nakita kong namutla bigla si Tim.

"Ma'am, we can't reschedule this!" nagmamakaawang sabi ni Tim

"I am sorry Tim. You know that we are busy. In fact, we have a tight schedule for today" paliwanag sa kanya ni Gabby

"But.."

"No Buts, Tim!" mariing sabi ni Gabby. Hinawakan ko ang kamay ni Gabby at nginitian siya. I got her point.

"Tim, just call your photographer and told him make it fast. And for you Gabby, I will just sleep on the road" napabuga ng malakas na hangin si Tim, napatawa naman ako dahil doon.

Nakita kong tinitignan na pala kami ng mga tao. Marahil ay malakas ang boses netong si Gabby. Hindi rin kasi mapigilan ang bunganga nun minsan. Hindi rin lumagpas ang mga bulong bulungan ng mga tao.

Pumunta kami sa isang sofa ni Gabby at doon muna nagpahinga para maganda pa rin ang aura ko para sa photoshoot. Nang matapos naming magpahinga ay inayusan na agad ako ni Gabby para sa pictorial ko rito.

"Gabby, after the last photoshoot. What will be my schedule?"

"Well, you'll have a meeting with Gem. She'll see you in the Maxims." Napatango ako sa kanya. Maxims is my restaurant. Actually, I named it after Maximo.

Speaking of him, wala na akong balita sa kanya. Tumigil ako noong mag-umpisa na akong pumasok sa Hollywood kaya ngayon ay nararamdaman ko na kung ano ang pinagdadaanan niya dati.

Nagulat ako noong bigla na lang tumunog ang cellphone ko. napangisi ako noong mapagtanto kung sino ang tumawag sa akin. It's Vic!

"Hey Vic!" masigla kong sabi

"Hey Maxine! Este, Alexa!" sarkastikong sabi ni Vic

"Shut up!" narinig ko ang mahinang tawa ni Vic sa kabilang linya

"Well, I just called because I want to ask you something." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya though hindi niya ako nakikita

"What is it?"

"Are you free tomorrow?" napakunot ang noo ko sa tanong niya pero agad ko namang tinanung kay Gabby ang schedule ko para bukas

"I am free!"

"Good because we need to go to the airport tomorrow" lalo namang akong nagtaka sa sinabi niya

"Why? Is your parents going here?" inosente kong sabi sa kanya

"Nope. Actually, Chikee and Macy will be flying here!" walang ganang sabi ni Vic.

"Oh? Alright!" walang paking sabi ko. Noong magsink-in sa akin ang sinabi ni Vic ay doon lang ako nagreact. Napalakas ang hiyaw ko sa sobrang excited. I haven't talked to them for years! Omygosh! Naging busy talaga ako sa career ko.

"What the fuck Maxine!" iritang sabi ni Vic

"I'm sorry Vic" paghingi ko ng tawad.

Matagal bago dumating ang photographer. Halos nakatulog na ako bago pa siya dumating. Humingi naman siya ng tawad dahil nalate siya. Pinatulog niya pa kasi ang anak niya kaya sinabi kong ok lang iyon lalo na't Pilipino rin pala siya.

Mabilis natapos ang photoshoot, magaganda ang damit na sinuot ko sa photoshoot. Halatang pinag-isipan ang mga designs ng damit.

Habang nagpapack up ay tinignan ko ang twitter ko at nagpost ako ng isang tweet. Maraming tao ang naglike at nagretweet ng post ko.

Nagulat ako noong bigla na lang ako tinweet ni Christian Grey, isa sa leading men ko sa Hollywood. Dahil sa tinweet niya sa akin ay halos sumabog ang twitter ko dahil sa sobrang daming kinilig sa post ni Christian.

'@alexasmith Hi beautiful. Hoping to see you soon. I am really late in the news that you are more beautiful as the days passed by. Well, I think I should not be surprise of that. You'll always be beautiful in my eyes'

Napapailing ako sa sobrang kabaliwan ni Christian. Malakas talagang magpakilig itong si Christian. Alam na alam niya kung paano magiging hysterical ang reaksyon ng mga fans namin. Nagkaroon nga kami ng loveteam, hindi lang dahil sa movie na pinagtambalan namin kung hindi pati na rin sa pagpopost niya sa twitter ko. They called us ALEXIAN! I felt weird about that kasi parang sinasabi nilang si Alex yan!

"Ms. Alexa" tawag sa akin ni Tim

"Yes, Tim?"

"I am really thankful for today"

"You're welcome Tim! So, see you again when I see you" biro ko sa kanya at aakmang aalis na noong bigla niya akong tinawag.

"Ms. Alexa, wait up" tawag niyang muli sa akin

"I just want to say that you'll be having a partner for this upcoming love month. And this will be different from your pictorial today"

"I know about that already Tim"

"Well, there will be a big change about that Ms. Alexa because you will be having a new partner" napataas ang kilay ko sa sinabi niya

"Oooh? Is that so. Let's see Tim!" nagmamadaling sabi ko sa kanya dahil baka malate pa ako sa next pictorial ko. Hindi naman abala sa akin iyon lalo na't hindi naman pwede mag-inarte sa mga ganitong pagkakataon.

Hinanap ko agad ang kinauupuan ni Gem pagkatapos ng huling pictorial ko. Nakatalikod siyang nakaupo sa akin. Naglakad ako agad para puntahan siya.

Nakita ko ang ngisi ni Gem noong makita niya ako. Nakasama ko si Gem noong mag-umpisa ako sa showbiz.

Nagulat pa nga ako sa pagkikita namin dahil nakita ko lang siya sa isang festival noon dito. Tumitingin siya noon ng mabibili niya noong mapansin ko siya bigla.

"Maxine!" nakangiting sabi ni Gem

"Gem, how are you?" bumalik kasi si Gem sa Pilipinas para alagaan ang kanyang ina. Nagkaroon kasi ng cancer si tita. Mabuti na lang gumaling agad ito.

"I'm fine! Ikaw ang dapat tinatanong ko! Grabe, sikat na sikat ka na!" nakangisi niyang saad sa akin

"Hindi naman! Eto naman!"

"May good news nga pala ako sayo!"

"Really? Can't wait to here that, so what is it?" takang tanong ko

"I'll be staying here for good! Magkakasama na ulit tayo!" napangiti ako ng malawak noong malaman ko ang sinabi niya.

Unti-unti ng bumabalik sa dati ang lahat. Unti-unti na kaming nabubuo lahat. Nasa ibang lugar nga lang pero nandito pa rin kami para sa isat' isa.

It Had To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon