Binabasa ko po ulit iyong story mong ONE MORE CHANCE! I missed that story po talaga. I really like that story po. Sobra po akong umiyak sa story nun. I remembered po nung time na binasa ko iyon ay nakipagbreak po sa akin iyong boyfriend ko because he had another girl.
Sobrang sakto po kasi. Woah! Woah talaga! hihihi. Btw, I hope po pwede po tayo magchitchat sometimes. Nakakahiya lang po kasi. hihihi
-----
Tinulungan kong maghanap ng trabaho sila Macy at Chikee. Actually, kasama rin namin ngayon si Vic. I really missed our bondings noong high school.
I was wearing a red dress. Red is now my signature color. People love to see me wearing red kaya iyon ang madalas na pinapasuot sa akin na kulay ni Gabby. Besides, bagay na bagay daw iyon sa titulo kong The Hottest Temptress.
Napangiti ako noong madaanan namin ang isa sa billboard ko. That was my first ever billboard, nakakapagtaka nga ay hindi pa tinatanggal iyon.
"Maxine! Kinakabahan ako! Baka hindi ako matanggap! We'll just call you?! Alam ko na iyong ganyang linyahan sa Pilipinas e!" tawang tawa ako sa reaksyon ni Macy.
"Ano ka ba?! Magtiwala ka lang sa kakayahan mo Macy!" tinanguan na lang ako ni Macy kahit hindi pa rin mapakali ang itsura niya.
Pagkatapos ng paghahanap nila ng trabaho ay pumunta kami sa isang market kung saan maraming pagkain na makikita. Para bang nasa isang food festival kami, ibibigay mo lang ang pagkain na gusto mo at kikiluhin nila iyon at lulutuin base sa gusto mong luto.
"Magmula noong dumating kayo rito puro pagkain na lang ang inatupag niyo!" natatawang sabi ni Vic agad naman siyang sinapak ni Macy.
"Ikaw huh! Kahit naman kumain kami ng marami ay sexy pa rin kami!" pasigaw na sabi ni Macy
"Wala naman akong sinabing mataba kayo ang totoo niyan hindi kayo sexy! Patpatin niyo e!" mahinang sabi ni Vic
"Excuse me! Sexy kami!" sabat ni Chikee. Natatawa ako sa ginagawa nila.
"Etong si Maxine lang naman talaga sexy sa inyo! Kayong dalawa para kayong barbeque stick e sa sobrang payat!" sarkastikong sabi ni Vic
"Maglaway ka sa amin once na makita mo ang kasexyhan naming dalawa!" inis na inis na sabi ni Chikee. Narinig kong napatss si Vic kay Chikee. Humagalpak ang tawa namin ni Macy dahil parang aso't pusa pa rin ang dalawa. Lumala pa nga ata ngayon.
Tumambay kami sa isang park malapit sa kinainan namin. Mabuti na lang may dalang blanket si Vic sa kanyang sasakyan at pwede kaming umupo roon. Pumwesto kami sa ilalim ng puno. Napakaganda ng paligid.
Masaya kaming nagkukwentuhan. Natatawa na lang kami tuwing si Macy na ang magkukwento kasi sobrang ligalig niya habang nagkwekwento sa amin.
Nagulat ako noong bigla na lang may kumalabit sa akin na batang babae. May dala dala siyang rosas at inabot iyon sa akin. Nginitian ko siya at bigla naman niya akong niyakap.
Nang maghiwalay kami ay may itinuro siya. Nakita ko ang iba't ibang bata na nakatayo banda run at may dala rin silang mga rosas. Napangiti ako noong hinawakan niya ako sa kamay at hinihila papunta roon. Tinignan ko sila Chikee pero nakibit balikat lang si Chikee at Vic habang si Macy ay seryoso lang na nakatingin sa akin.
Noong lumapit ako sa bata ay parang nakakabuo ako ng mga letra sa pamamagitan ng nangkatayong mga bata. Napakunot ang noo ko noong mabasa ko ito.
'HOPE YOU ARE MINE'
Iyon ang nabuo ko mula sa kanila. Hinanap ko ang taong possibleng gumawa nito pero parang wala akong makita kasi halos lahat ay nakikisosyo na at may mga kumukuha na rin ng video. Nakita kong nakatayo na rin sila Macy. Seryoso na rin ang mga tingin nila Chikee at Vic.
Bigla akong nakarinig ng isang tugtog kasabay noon ang paggalaw ng mga bata. Naglakad sila papunta sa akin para ibigay ang mga rosas. Napasinghap ako noong malaman ko kung ano ang kantang tumutogtog. It is Distance! The song that Maximo wrote!
Kinabahan ako noong alam kong magiistart na ang part kung saan may lyrics na ang kanta. Kitang kita ko ang pagkunot ng noo nila Macy. As if they are trying to say na impossible ang iniisip ko.
Ano nga ba ang iniisip ko? Ang pagdating ni Maximo rito para puntahan ako! Definitely not! Dahil ang pinakahuli kong balita sa kanya ay ang pagkakaroon niya ng girlfriend which is Yna Mendez. That girl! But still, I am hoping.
Napabuga ako ng malakas na hangin noong malaman ko na ibang boses ang maririnig ko sa pagkanta ng Distance. Hinanap ko ang pinagmulan ng boses niya. And there I saw, Christian Grey standing in the middle of the children. Gusto ko siyang sapakin dahil sa mga pakulo niya pero hindi ko rin maitatanggi na kinikilig ako ngayon.
Bago pa matapos ang kanta ay lumapit na siya sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay habang nakatingin sa aking mata. Kitang kita ko ang ligaya at kaba roon. Kinabahan ako bigla, I think it isn't right. What is he trying to do? Alam ko sa sarili ko kung ano gusto niyang gawin pero ayaw kong aminin. I don't know kung ano gagawin ko once na mangyari iyon.
"Alexandra Smith! You know that I am expressing my feelings for you for two years now. I haven't told you how much it is. I haven't told you how real it is. So, now I want to ask your permission, even though you'll say no! I will still do it! Remember that!" huminga muna siya ng malalim bago siyang magsalitang muli.
"Please Alexa, please let me court you, officially. I want to court you officially" parang tumigil ang mundo ko noong sinabi niya iyon.
Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin. Hindi ako mapakali tinignan ko ang kinaroroonan nila Chikee pero seryosong tingin pa rin ang binibigay nila sa akin.
Narinig ko ang mga sigawan ng mga tao. Narinig ko ang pagsigaw ng yes. Parang ang unfair! Parang ang daya daya nitong ginawa ni Christian. I don't want this. Naprepressure ako. I know once na gumawa ako ng wrong move ay kakalat agad ito lalo na't maraming tao ang nakaabang sa sagot ko.
Napapikit ako bago ako sumagot. Gusto kong maiyak dahil gulong gulo ako. It is hard! Sobrang hirap pala kung mapupunta ka sa ganitong sitwasyon.
"Yes! But, you'll just court me. Once I tell you to stop. Please accept it and stop right away" naasiwang sabi ko sa kanya
"Thank you! Thank you Alexa. I'll make sure you won't say that! I'll make sure of that!" nakangiting sabi ni Christian bago ako bigyan ng mahigpit na yakap.
Napakagat ako ng labi dahil sa nangyari. Nararamdaman kong mali ang ginawa ko pero bakit ginawa ko pa rin. I felt so bad!
BINABASA MO ANG
It Had To Be You
FanfictionIsang kalokohan nga lang ba ang pangarapin na makasama habang buhay ang iniidolo mong artista. Alam mo sa sarili mong hindi mo siya maabot dahil malayo ang buhay niyong dalawa. Isa ka lang karaniwang tao pero siya maraming humahanga sa kanya. Subayb...