45

94 19 0
                                    



After naming kumain ay hinila ako ni Maximo para maglakad lakad. Sabi niya may pupuntahan kami, saktong sakto lang kami para sa pupuntahan namin.

Isang mahabang lakaran ang nangyari sa amin kaya walang tigil akong nagrereklamo sa kanya. Siya naman ay palagi na lang akong sinasabihan ng 'Patience is a virue'. Like what the hell? Baliw na ba siya. Pinagod pagod niya ako para lang mapatunayan ang katagang iyon!

"We are here!" Nakangiti niyang saad.

Tinaasan ko siya ng kilay pagkatapos ay tinignan ko ang paligid. Sa sobrang mangha ay tumakbo papunta sa gitna. Maraming tao ang naroroon, may kanya kanya silang hawak na lantern. It's a flying lantern. Ang ganda! Tinignan ko si Maximo, seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Gusto kong matunaw sa paraan niyang pagtingin sa akin.

Itinuro ko kay Maximo ang bilihan ng mga lantern. Tinanguan niya ako at mabilis na naglakad doon sa tindahan. Bumili siya ng dalawa. Tuwang tuwa ako nang mahawakan ko iyon lantern. Sabi ng nagtitinda kami raw ang magpapa-ilaw nun pero tinuruan niya muna kami kung paano.

"How did you know about this place?" mangha kong tanong sa kanya habang sineset up ang lantern.

"Research?" always research huh?

"This is really amazing. They looked like a firefly." Komento ko

Sobrang ganda ng lugar. Open place ito. Sinulyapan ko ang mga pamilyang sabay sabay na inaayos ang mga lantern nila. May mga magkasintahan din dito. Napangisi ako nang makita ko na napipikon na iyong babae dahil sa hindi niya malaman kung paano aayusin ung lantern. Tinuruan naman nung lalaki iyong babae pero hindi pa rin niya iyon makuha kaya napanguso na lang ito at ibinigay iyon sa lalaki. Natawa ang lalaki pagkatapos ay hinalikan niya ang babae sa pisngi.

"We are way more cheesy than those two." Bulong ng katabi ko sa akin. Nanlalaki kong mata siyang tinignan.

"What?" kibit balikat niyang tanong nang makita ang itsura ko.

Inirapan ko siya't tinalikuran. Pinagpatuloy ko ang pag-ayos ko sa lantern ko. Nagulantang na lang ako nang bigla na lang may pumito. Iyon kasi ang sign para malaman kung magpapalipad na kami. Tinignan ko si Maximo, mukhang kanina pa siya tapos kaya agad akong nagpatulong sa kanya.

Nagbilang ang coordinator ng 1,2,3 para sabay sabay kaming magpapalipad. Ngiting ngiti ako noong mapalipad ko na ang lantern ko. Hinarap ko si Maximo, nagulat ako dahil sobrang lapit niya sa akin kaya't napaatras ako pero hinawakan niya ako sa bewang kaya lalo pa akong napalapit sa kanya.

"What are you doing?" kinakabahang tanong ko sa kanya. Napalunok ako dahil sa tingin niyang seryoso na parang tumatagos sa kaluluwa ko.

"Since day one, you got my heart. You invaded my system, my angel. I missed my innocent girl. I really miss her, the girl who shouted for my name when I am in stage. The girl who will come to visit me inspite of her busy schedules. The girl who is fidgeting when I am near her. I know she's still here but she became more matured. And fierce, I think?" Hinawakan ni Maximo ang aking mukha at/ pinunasan ang mga luhang nag-uunahan sa aking mukha. I didn't expected this.

"Inspite of many changes, my love for you didn't change. But instead, I fall for you even more. Big time! This is still the man who is head over heels of you." natigil siya dahil sa biglaang pagyakap ko sa kanya. Sobra akong na-overwhelmed? Namangha? I don't know, basta ang alam ko lang masaya ako.

"Naiinis ako sayo! Hindi man lang ako nakapaghanda para rito! Dapat maganda ako sa ganitong eksena e. You are so mean!" bulong ko. Narinig ko ang buong puso niyang tawa.

"Hindi ko rin naman alam na magcoconfess ako sayo. I am just amused by your actions awhile ago. Hindi ko na rin kayang itago itong nararamdaman ko sayo. I just let my heart speaks. I love you Maxine Alexandra Smith." Ibinulong niya ang huling pangungusap na iyon sa akin. Hindi ako makahinga sa sobrang saya. Iniharap niya ako sa kanya.

"I've been loving you for a decade and 2months now and counting. I am madly & deeply inlove to you, Maxine." a decade and 2 months? How come na may two months pa? 

"I don't know what to say" napakagat ako ng labi sa sinabi ko

"Shhh. You don't have to say anything. I just want you to listen to me." Napailing ako sa sinabi niya.

Nagulat ako nang bigla naman niya akong niyakap. Ilang minuto kaming nasa ganung posisyon nang makarinig kami ng mga palakpakan. Nakuha na pala namin ang atensyon ng mga tao na narito. Hinila ako bigla ni Maximo at tumakbo kami palayo roon.

Tumigil kami sa may bonfire. Hingal na hingal kaming tumigil. Nang makarecover sa pagtakbo ay hindi ako makatingin sa kanya. Inalala ko ang mga sinabi niya sa akin. Shocks! After 10 years, narinig ko na rin ang matagal ko ng gustong malaman sa kanya. Mahal niya ako!

Doon na lang ako napatingin sa kanya noong hinawakan niya na ang kamay ko. Napakagat ako ng labi dahil sa intense niyang tingin sa akin.

"I want you to be mine. I know you feel the same for me." determinado niyang bulong sa akin. Huminga ako ng malalim bago magsalita.

"No! Maximo, everything went so fast. I am too shocked! I am just concern about us. What would people think, right?"

"What are you talking about, Maxine? What the hell! I've been waiting for you for 10 years, I won't let anyone go against us. I don't care about what people will say! The relationship is about the two of us. It is not about them!" napayuko ako sa sinabi niya. He has a point.

"Iyan ang naging dahilan kaya hindi matuloy tuloy ang pag-iibigan natin! Kaya why would we let that hinder us again!" gusto kong matawa sa una niyang sinabi dahil nagmukha siyang makata pero alam kong lalo lang siyang magagalit sa akin kapag ginawa ko iyon. I need to be matured. Nagiging matured na siya sa bagay na ito kaya dapat ako rin.

"I know. I know but let's make this slow. Ayaw kong maging padalos dalos tayo sa desisyon natin. We are a public figure, always remember that. Kahit sabihin nating wala lang sila, alam ko maapektuhan tayo. Ayaw kong iyon ang magiging dahilan ng pagkasira natin." Napabuntong hininga siya at hinawakan ang kamay ko.

Kumunot ang noo ko nang marealize ko ang sinabi ko, para bang umamin na ako sa kanya.

"Kung iyan ang gusto mo, sige pagbibigyan kita. Kung saan ka sasaya doon din ako. Whatever happens I'll stand for you. Ayaw ko nang maduwag." pinagtaasan ko siya ng kilay.

"I know mahal mo ako kahit hindi mo sabihin. I want to erase all your worries. I want us to both fight for our love." gusto kong maiyak sa sinabi niya. Kayang kaya niya akong ipaglaban sa mga tao pero bakit ako punong puno ng worries ang puso ko.

Nagulat na lang ako nang hinigit niya ako at mahigpit na niyakap.

"Kahit hilingin mo pa na habang buhay kitang ligawan, wala akong pakielam. Basta ang mahalaga sa akin ka pa rin hanggang huli. Sa akin ka pa rin babagsak. Ako pa rin ang mamahalin mo." Nanlambot ako sa mga tuhod ko pagkatapos iyon marinig. How can he be so sweet despite of my rejection. 

It Had To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon