53

73 14 0
                                    

Naging mabilis lang ang interview sa amin ni Tito Boy. Mostly ay tungkol lang ito sa aming movie. Kung anong mga struggles ang pinagdaanan namin.

Ihahatid ako ngayon ni Maximo para sa isa kong endorsement. It is a shampoo endorsement. Gagawa akong commercial para roon.

Nang makarating ako ay hindi na mapakali ang mga tao. Agad may lumapit sa akin para mag-assist. Nagbigay na rin siya ng instructions kung ano ang gagawin ko at ibinigay ang script.

Napaawang ang bibig ng babaeng nag-assist sa akin nang mapansin niya ang kasama ko. Natatawa akong tumingin kay Maximo kaya't pinagtaasan niya ako ng kilay. Nginuso ko sa kanya ang babae at ginawaran niya ito ng isang ngiti.

Kahit kailan talaga ang lalaking ito, hindi man lang napapansin ang ibang tao. Lalo na ang mga taong harapang humahanga sa kanya pero kahit ganoon ay hindi nababawasan ang mga ito, nadadagdagan pa nga lalo.

Tinignan ko ang relo ko. Napakunot ang noo ko nang makita ang oras, ang alam ko ay may photoshoot si Maximo ngayon.

Sinulyapan ko siya sa salamin, nanlaki ang aking mata nang makita kong nakataas ang cellphone niya at parang kinukuhanan ako. Hinarap ko siya habang nakakunot ang noo. Inilagay ko pa ang dalawang kamay ko sa bewang ko.

Inilingan niya lang ako't pinagpatuloy ang pagcecellphone. Lumapit ako sa kanyang tabi at tinignan ang ginagawa niya. Ganoon na lang ang gulat ko nang makita ang ginagawa niya. Napatakip ako ng bibig habang ang isang kamay ay itinuturo ang phone niya.

Kinuhanan niya nga ako ng picture para ipost sa instagram niya. Ang nakalagay sa caption nito ay 'The Woman, I Adore'. That was so cheesy!

Natatawa akong tinignan ni Maximo. Hinapit niya ang aking bewang para lalo kaming magkatabi.

"You just didn't post it!" hindi ko makapaniwalang sambit.

"Ofcourse, I posted it Maxine. I wanted to brag everyone that I am with the Hottest Temptress of Hollywood. I want to show the world that you are mine. I want them to know that I am inlove with you, only you." Tumindig ang balahibo ko huli niyang bulong sa akin.

Napakagat ako nang labi dahil sa tamis ng kanyang salita.

"You're so cheesy!" Natatawa kong saad pero pinagtaasan niya lang ako ng kilay.

"I don't care as long as they know my true feelings for you." nagdulot ito ng paggaan ng aking loob. Lahat ng pag-aalinlangan sa akin ay nawala dahil sa kanyang mga sinabi.

"Wait. I remembered that you have a shoot, right now!" tinaasan ko siya ng kilay pero binaliwala niya ito kaya napanganga na lang ako.

Hinampas ko ang kanyang balikat. Hiinila naman niya ako papunta sa kanya kaya napasubsob ako sa kanyang dibdib.

"Maximo!" reklamo ko sa kanya dahil hindi na ako mapakali sa aking pwesto.

"What?"

"Maximo!" hindi ko masabi na hindi na ako makahinga sa sobrang kaba dahil sa pagiging malapit sa kanya.

Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ni Maximo. Kakaibang hinga naman ang pinapalabas niya. Umayos ako ng upo baka kasi nahihirapan siyang huminga dahil sa pwesto namin. Pero hinigpitan niya lang ang pagkakayakap sa akin.

"Stay still, please. I want you this close to me." Kakaibang elektrisidad ang bumalot sa aking katawan.

Hindi ko alam na pwede pa pala akong mas mainlove kay Maximo. Akala ko ay sagad na sagad na pagmamahal ko sa kanya. Iyon pala ay mas hihigit pa. Para bang araw-araw ay mas naiinlove lang ako sa kanya.

"You have a shoot." Paalala kong muli sa kanya.

"I know. I want to see you tape your commercial. I am a fan Ms. Alexa Smith." Nakangisi niyang saad sa akin. Napanguso ako sa kanyang kalokohan.

Napatingin ako sa kanyang umiilaw na cellphone. Nakita ko na si Jim, ang kanyang manager, ang tumatawag.

"They are looking for you Mr. Maximo." Seryoso pero natatawa kong saad.

Hindi na rin nanalo sa akin si Maximo dahil sabi niya ako ang boss. Natawa naman ako dahil bago pa siya umalis ay ilang beses niya akong tinanong kung mamimiss ko ba raw siya. Dahil sa umandar ang aking kalokohan ay sinabi kong hindi pero agad ko ring binawi nang makita ang malungkot niyang itsura.

Naging matagumpay ang commercial. Natapos din namin ito agad pagkaraan ng tatlong retake. Maraming staff ang nagpapicture sa akin. Nakipag-usap din ako sa kanila.

Ibinalita nila sa akin na sikat na sikat ako rito sa Pilipinas dahil sa mga kanta ko. Wala pa raw akong movie na ipinapalabas rito kaya ang movie namin ni Maximo, ang magiging una. Marami raw Pilipino fans ang naeexcite dahil doon.

Puro papuri ang sinasabi nila sa akin taliwas sa mga nakikita ko sa social media. Marahil iba iba lang talaga ang pananaw ng mga tao. Siguro ay mayroon lang talaga tayong pinapanigan. May mga pagkakataon lang talaga na tingin natin ay mas maganda ang isa kaysa sa isa kaya hindi tayo makakapayag kung lalamangan ito ng isa pa.

Pagod na pagod akong pumasok sa room na inilaan sa akin. Napangiti na lang ako nang makita ko ang isang pulupon ng bulaklak sa table.

Napakagat ako ng labi dahil sa nakasaad doon.

'I am already missing you sweetheart. I love you! See you later. -Your Padilla'

Hindi ko napigilan ang kakiligan. Agad akong nagtipa sa aking cellphone para magpasalamat.

Lumaki ang ngisi ko nang agad na umilaw ang cellphone ko. Napakunot ang aking noo dahil sa unknown number ang naroon. Ang pagkakaalam ko ay walang nakakaalam ng cellphone number kong ito lalo na't hindi ito ang gamit kong number para sa mga fans. Private number ko ito.

Pumangalumbaba ako habang binabasa ito. Napataas ang kilay ko nang makilala ko ang nagtext sa akin. Ano ang kailangan ni Yna Mendez sa akin? Paano niya nakuha ang number ko?

It Had To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon