58

76 7 0
                                    


Idinala akong muli ni Maximo sa Batangas. Parang naging fresh muli ang alaala ko mula noong una niya akong dinala rito.

Nang makita ko ang bahay ay alam ko ng marami ang nagbago pero iyong feeling ay ganoon pa rin. Ramdam ko pa rin ang takot at kaba. Para bang first time ko ulit makikilala si Auntie Belle.

Nang makapasok kami sa bahay ay hindi ko maiwasang mamangha. Maraming muwebles ang napalitan. Mukhang galing pa ang iba sa ibang bansa.

Naglakad kami ni Maximo sa centro ng bahay. Umawang aking bibig nang makita ang malaking portrait namin ni Maximo noong una kong punta rito. Ito ang kuha noong wedding ng kaibigan ni Maximo. Ito ba iyong dahilan kung bakit nagbayad si Maximo noon? Nakasabit ito sa dingding at kasing laki nito ang wedding picture ni Auntie.

Narinig ang pagtawa ni Maximo sa naging reaksyon ko.

"I know that will be your reaction. I just didn't expect that it will be funnier." Mahinang bulong niya kaya sinapak ko siya na lalong nagpatawa sa kanya.

Tumigil lang kami sa pagkukulitan nang makarinig kami ng mga yabag ng paa. Sabay kaming tumingin ni Maximo sa pinanggalingan nito. Nakita ko ang ngiting-ngiti itsura ni Auntie Belle. Napapalakpak siya nang makita ako.

Sumunod sa kanyang likod ang isang sophistikadang babae at pormal na pormal na lalaki. Napalunok ako nang mamumukhaan ko sila. They are Maximo's parents! He didn't told me that I'll be meeting his parents. Edi sana mas binoggahan ko pa ang dala dala ko ngayon. Ang dala ko lang ay isang champagne! For godsake! Nakakahiya!

"Oh my god!" hindi ko na napigilang ibulalas.

Napangisi si Maximo sa akin. Hinawakan niya ang aking bewang para igaya papalapit sa kanila. Agad akong bineso beso ni Auntie Belle. Pinanggigilan pa nga niya ako.

"Wow. Maxine, you've changed a lot! Hindi ko alam na mas may maigaganda ka pa pala. Akala ko maganda ka na dati, mas maganda ka ngayon." Napanguso ako sa papuri na natanggap ko kay Auntie.

"Ikaw talaga Auntie. Until now, you know how to cracked a joke." Sabay kami natawa ni Auntie.

"Englishera ka na rin ngayon." Saad niya na lalong nagpatawa sa aming dalawa.

Natigil lang ito nang may tumikhim sa aming tabi. Nakataas na kilay ang sumalubong sa amin. Napakagat ako nang labi dahil sa pagkamataray na itsura ng Mommy ni Maximo.

"Is she the one, Maximo?" mataray na tanong ng Mommy niya. Tumango si Maximo bilang sagot.

"Yes Mom. The one and only!" nakangising saad ni Maximo.

Hinaguran ako ng tingin ng kanyang mommy. Napataas ang kilay niya nang matapos itong gawin. Nakaramdaman ako ng panlalamig dahil sa sobrang kaba. Hindi niya ba ako nagustuhan para sa anak niya?

Nagulat ako nang ngumiti siya at nakipagbeso beso. Tulala ako habang ginagawa namin iyon. Doon ko naisip na siguro ay sa Mommy niya nakuha ang pagiging topakin. Parehas silang paiba-iba ang mood. Unti-unti kong tinignan si Maximo sa aking gilid, sobrang lawak ng kanyang ngiti habang pinapanuod kami.

"I am glad to finally meet you, Maxine." Tuwang-tuwa saad ng kanyang Daddy

"I didn't know that you have a great taste, son! Nice meeting you, iha. I like ypu!" nakangising saad naman ng Mommy niya.

Doon ko na naramdaman ang kaginhawaan nang marinig iyon mula sa kanilang dalawa. Halos gusto ko nang himatayin kanina.

"Nice to meet you too, Mam, sir!" magalang kong saad.

It Had To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon