Hindi ako nilubayan ni Maximo pagkatapos ng pinipilit niyang magiging Mrs. Padilla ako. Hindi ko na rin siya inimik pero niyaya niya ako mamayang eight, sabi niya ay maglilibot kami sa beach kasi may mga activities daw na magaganap mamaya.
Inihatid ako ni Maximo pagsapit ng six o'clock para raw makapagpahinga pa ako. Hindi rin ako nakapagpahinga dahil naghanap ako kung ano ang susuotin ko. Kaya naisipan kong magsuot na lang ng white citru pants and black bikini top.
Ilang sandali lang ay nakarinig na ako ng katok. It must be Maximo. Pagbukas ko ng pinto ay agad akong napanganga. Hindi ko na alam kung ano ang mas hot na itsura ni Maximo. Iyong kanina bang half naked siya o ngayong nakasando siya pero sobrang fitted ito sa kanya. He is smoking hot. Toned ang kanyang balikat at braso. Parang ang sarap hawakan.
"Done checking me out?" nakangisi niyang bungad sa akin. Pinanlakihan ko lang siya ng mata para matigil siya sa pang-aasar sa akin.
Pinatuloy ko sa hotel room ko para hindi siya mainip dahil hindi pa ako tapos mag-aayos. Hindi ko pa nabubun ang buhok ko at sobrang hirap akong gawin iyon.
"Please wear a dress and put something on your bikini top. You are showing too much skin." Komento niya pero napanguso na lang ako imbis na makipagdebate.
Kinuha ko ang black citru crop top ko at sinuot iyon. Tinaasan ko ng kilay si Maximo para ipakita kung okay na ba ang suot ko. Pinaglaruan niya ang kanyang labi habang tinitignan ako at bigla na lang ako hinatak palabas ng aking room. Mabuti na lang hawak hawak na niya ang bag na dadalhin ko dahil nandoon ang pass.
Hindi pa rin tinatanggal ni Maximo ang pagkakahawak sa aking kamay para bang sanay na sanay na siya sa ganoong posisyon. Nakarinig ako ng mga taong nagkakasiyahan. Pinagkakaguluhan nila iyong mga babaeng nagfire-fire dancing.
Nang makarating kami roon ay napataas ang kilay ko noong kinindatan ng isang babae si Maximo. Sa harap ko pa talaga huh! Seriously? Hinila ko palayo roon si Maximo kasi ayaw kong makita na makipaglandian din siya.
"Jealous?" nakangisi niyang tanong sa akin kaya pinanlakihan ko siya ng mata.
"No! Why would I?" inis kong sabi. He just shrugged it off. Kita mo iyong lalaking iyon!
"Whatever. Let's go. We'll eat first before we go to an exciting adventure for this night." Napakunot ang noo ko sa tinuring niya.
"Adventure huh?" sarkastiko kong tanong sa kanya. Tumango lang siya bilang kumpirma.
Habang kumakain kami ni Maximo ay nagulat ako nang may tumawag sa aking mama. Isang batang babae ang lumapit sa akin habang umiiyak ang tumawag sa akin nun. Siguro mga four years old na siya. Napatingin ako kay Maximo at nakakunot ang noo niya bata.
Naalarma naman ako dahil bigla na lang ako hinawakan sa kamay ng bata. Nakagat ko ang labi ko bago ko siya inabot at pinaupo sa aking lap. Tumigil naman siya sa kaiiyak.
"Baby. What's your name?" malambing na tanong ko sa kanya
"Maxine Andrea po, mama" napasinghap ako dahil sa pagtawag niya sa akin ng mama plus magkapangalan pa kami.
"She's your daughter?" maanghang na tanong ni Maximo. Umiling ako bilang sagot pero lalo atang sumalubong ang kanyang mga kilay.
"Why did she called you, mama? We have not did that yet! And you are now a mother? What the hell!" inis na bintang sa akin ni Maximo kaya inirapan ko lang siya. Pinagsasabi ne'to?
"I told you, I am not her mother. I don't know why she's calling me that!" mariin kong saad.
Natigil kami sa pagbabangayan dahil sa mga flash ng camera. Kinabahan naman ako dahil may kasama akong bata ngayon. Baka sabihin nilang ina na ako! Mali mali pa naman ang mga chismis na kumakalat ngayon. Mas papaniwalaan pa ng mga tao ang kasinungalingan kaysa sa katotohanan.
"Mama. I'm hungry na po."maamong sabi ni Andrea sa akin.
"What do you want to eat baby?" tanong ko
"Spaghetti po." Natuwa naman ako sa bata kasi sobrang cute niya.
"I'll be the one to order." Presinta ni Maximo. Tinanguan ko siya.
Habang umorder ni Maximo ay nakipaglaro muna ako kay Andrea. She's so adorable. Ang dami niyang kwento kaya pati si Maximo ay nakikinig na rin. Hindi pa ba siya hinahanap ng mommy niya. Bakit ako ang pinagkamalang nanay niya?
"Maxine!" pukaw sa akin ni Maximo, napakagat ako ng labi kasi ngayon na lang niya ako tinawag na Maxine.
"What?"
"Is she really not your child?" kinunutan ko na ng noo si Maximo. Mukha ba kong ina na?
"I'm a virgin. So, shut your fucking mouth!" mahinang bulong ko habang tinatakpan ang tainga ni Andrea.
Kita ko ang pagpipigil ng tawa ni Maximo kaya napakagat ako ng labi nang magsink in sa akin ang sinabi ko. Noong nakita niyang napasimangot na ako ay doon na niyang tinuluyan ang pagpigil ng tawa.
"She looked like you." mahina niyang saad. Napatingin ako bata, may hawig nga si Andrea sa akin.
Mabilis ding dumating ang order na spaghetti, nagulat na lang ako dahil limang spaghetti ang nasa lamesa. Seriously? Tingin niya ba mauubos yan ni Andrea. Pero ang mas lalong nakapagpagulat sa akin ang pagkaubos nga ng limang spaghetti ni Andrea. Seriously?
"Maxine Andrea! Omygosh, baby! I've been finding you. You make your mama worried!" naiiyak na sabi ng isang babae. Nagulat ako nang makita ko na kahawig ko siya. Kaya siguro ako napagkamalan ni Andrea.
"I'm sorry Miss. Your daughter taught that I am you that is why she called me her mama." Nakangiti kong paliwanag sa babae.
"Mama!" sigaw ni Andrea nang mapansin niya na nasa harap na ang tunay niyang ina. Gusto kong maiyak kasi kahit sandali pa lang napamahal na sa akin si Andrea. Ang sweet niya kasing bata.
Niyakap naman ni Andrea agad ang ina niya. Humagulgol lalo ang babae nang makayakap sa kanya si Andrea. Ako naman ang naiyak noong pinunasan ni Andrea ang mga luha ng mama niya. Naramdaman ko na lang na may umakbay sa braso ko at pinapatahan ako. Nginitian ako ni Maximo para sabihin na okay lang yan.
"Thank you so much for taking care of my daughter. I was really worried about her."
"No worries. I was so happy to take care of Andrea. She's an adorable kid." Komento ko.
"Thanks a lot. By the way, I am Leandra. Wait, you are Alexa. The famous temptress! The Princess of Hollywood. Can I take a picture with you and Andrea?" Nakangiting tumango naman ako bilang kompirmasyon.
Nang matapos magpapicture sa akin ni Andrea at Leandra ay umalis na agad sila. Nalungkot naman ako bigla kasi sandali ko lang nakasama si Andrea. Mabuti na lang ibinigay sa akin ni Leandra ang address nila. Pwede ko raw sila bisitahin anytime.
"Are you okay?" malumanay na tanong ni Maximo.
"Yep. I just missed Andrea, already." Napanguso si Maximo sa sinabi ko.
"Don't worry, we'll make many babies so that you won't feel sad." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hinampas ko siya balikat dahil sa sobrang gulat.
"What? I don't want to you to be sad. I also want you to be the mother of my kids." Kininditan niya ako pero inirapan ko lang siya.
"Baliw!" inilingan lang niya ako pagkatapos ay inakbayan. Damn, Maximo! I can't help but to fall in love with him over and over again. I want to risk but I want to wait for the right time.
BINABASA MO ANG
It Had To Be You
FanfictionIsang kalokohan nga lang ba ang pangarapin na makasama habang buhay ang iniidolo mong artista. Alam mo sa sarili mong hindi mo siya maabot dahil malayo ang buhay niyong dalawa. Isa ka lang karaniwang tao pero siya maraming humahanga sa kanya. Subayb...
