Five pm pa lang nasa Araneta Coliseum na kami nila Macy, Vic at Chikee. Inorient namin ang mga co-fans namin sa dapat na tactic namin mamaya para mapansin kami ni Maximo. Suot ko ang t-shirt na pinacustomize ko, ang nakalagay sa likod ng t-shirt ay Mrs. Maxine Padilla at Ryler naman sa harapan.
Sold out ang first ever concert ni Maximo. Halos mga kababaihan ang mga makikita mo rito, may mga lalaki rin pero ayon sa survey mga nasa 150 lang sila. Ibig lang sabihin noon, hindi lang dahil gwapo si Maximo kung hindi dahil magaling talaga siya.
Pagkatapos ng Concert na ito, magrerelease ng album si Maximo. Dito niya unang kakantahin iyong kantang nirecord niya.
Marami akong nakilala sa mga pumunta sa concert ni Maximo kaya kaliwa't kanan ang batian namin sa isa't isa.
Nasa c.r ako noong maligaw ako kung saan ako banda nanggaling. Hindi ko alam kung saan ako lumabas kanina para magcr. May mga nakita akong staff na nagkukwentuhan sa gilid kaya agad silang nilapitan para itanong kung saan ako dapat pumunta.
Nang mapadaan kami sa isang pasilio nakita ko ang isang kwarto na may sign na Maximo. Kaya bigla akong napahinto pagkatapos ay agad na nagdahilan sa staff na kasama ko ngayon na may hihintayin pa ako. Kaya agad siyang tumango at tinuro na lamang kung saan ang daan.
Nang makaalis iyong staff, tinignan ko muna ang paligid bago buksan ang kwarto. Pagpasok ko may nakita akong lalaking nakahubad na nasa harap ng salamin kaya agad nanlaki ang mga mata. Hinarap ako agad ng lalaki.
Hindi ko mapigilang igala ang mga mata ko sa katawan niya. Sa edad ni Maximo, hindi mo maiimagine na sobrang depina ng kanyang katawan. Sobrang broad pa ng kanyang balikat. Ang kanyang abs ay sobrang nakakaakit. Ayaw ko itong bilangin dahil baka malula ako. Pag angat ko ng mukha ko sa mukha niya ay nanuyo agad ang lalamunan ko. Nakita kong nakangisi siya sa akin.
Mabilis niyang hinakbang ang pagitan namin at niyakap ako. Naramdaman ko ang paghinga niya sa aking balikat.
"I'm glad you are here" bulong niya sa akin
Ilang minuto kaming magkayakap, nang may mapansin akong lalaki na may hawak ng camera. Nanlaki ang mga mata ko dahil doon. Hindi ko pala nasarado ang pintuan ng kwarto ni Maximo.
"MAXIMO PHOTOGRAPHER!" sigaw ko.
Agad siyang lumapit sa pintuan na hindi ako binibitawan. Ilang mura ang narinig kong lumabas sa kanyang bibig.
Bigla niya akong hinawakan sa balikat habang nakasandal ako sa pintuan. Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mata.
"Are you okay?" tumango ako bilang sagot. Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa kanya tungkol doon pero bakit siya pa ang nag-aalala sa akin.
Pinaupo ako ni Maximo sa isang sofa habang may tinatawagan siya. Nang tumingin siya sa akin nakita kong ngumisi siya. Alam kong nakatingin siya sa damit ko habang ngumingisi.
Pagkatapos niyang tawagan ang kanyang kausap ay agad siyang lumapit sa akin. Tumabi siya sa tabi ko, hindi ko siya matignan dahil kinakabahan ako. Sobrang bango niya para siyang naligo ng pabango.
Naramdaman kong sumandal siya sa sofa habang ako ay hindi mapirmi sa inuupuan ko. Nakatayo pa ako ng direcho na hindi sumasandal sa upuan.
Bigla ko namang naramdaman ang paghinga ni Maximo sa aking tainga. Para akong tumigil sa paghinga sa puntong iyon.
"Mrs. Maxine Padilla, huh?" napapikit ako noong marinig ko iyon, narinig ko ring tumawa siya.
Inescort ako ni Kuya Isko palabas ng kwarto ni Maximo kanina. Kaya ngayon nasa loob na ako ng stadium. Sobrang nakakagulo ang mga tao dahil ilang minuto na lang lalabas na si Maximo. Bawat patugtog ng mga kanta niya ay sumisigaw na ang mga tao kaya dumadagundong ang buong araneta. Kanya kanyang taas ng banner ang bawat fansclub ni Maximo.
Nang marinig namin na tinawag na ang pangalan ni Maximo, hindi namin alam kung paanong sigaw ang gagawin namin. Sobrang nakakaexcite pala kapag ganitong eksena ang matutunghayan mo.
Nang marinig ko ang boses ni Maximo ay agad tumindig ang aking balahibo. Napakasarap pakinggan ng kanyang boses. Napakalamig nito. Bagay na bagay sa kanya ang mga senti-songs! Puro love songs ang kanyang mga kanta.
Habang kumakanta si Maximo ay nakapikit lang ito. Dinadama ang bawat linya ng kanyang kanta. I am crazy for this guy. He looks really hot when he is singing.
Pagkatapos ng concert, naghiwahiwalay din kami nila Macy, Vic at Chikee. Tumambay pa kasi ako sa isang restaurant. Nakita ko roon si Jim ang manager ni Maximo kaya tumingin ako sa paligid para tignan kung nandito rin ba si Maximo. Mukhang siya lang mag-isa ngayon.
Nang mahagip ko ang mata ni Jim, nakipagtitigan siya sa akin. Seryoso ang kanyang mga mata. Lumapit siya sa kinauupuan ko. Umupo siya sa upuan sa harap ko.
Nakatitig lang siya sa akin at hindi umiimik. Huminga siya ng malalim at pumikit.
"Maxine, right?" tanong niya sa akin. Tumango ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa pagkausap niya sa akin.
"I know you like Maximo. Maybe he likes you, too or not! But there is a big BUT! You are not good for his career. I like you too for him. Believe me or not, I think you are a good girl. But, you can ruin his career!" agad nanlaki ang mata ko sa sinabi niya
"Hindi ko alam kung paano ginagawa ni Maximo ang pagbura ng mga issues tungkol sa isang babae na nakasama niya sa Batangas. Isang babaeng kausap niya at netong oras lang ito ang babaeng kausap niya sa dressing room. Hindi ko alam kung bakit hindi ka sinusugod ng mga schoolmates mo sa school dahil alam kong alam ng mga schoolmates mo ang eksena sa eskwelahan niyo. Schoolmate mo ang kumuha ng picture niyo, once noong nasa school kayo." Patuloy niya
"Maximo is right! Base sa reaction mo, hindi ka nga nanunuod ng mga news. Mabuti na lang hindi napipicturan ang mukha mo. Palagi kang nakatalikod. Kung hindi baka Matagal ka ng nagtatago sa bahay mo dahil sa ibang fans. Alam mo kung gaano kawild ang mga fans, Maxine. You are one of them!"
"You are ruining his career by that issues. I have nothing against with your love for him. You admiration! I know because of that he is now on top! But it will also his sudden downfall, if this issues won't stop. Most of his fans doesn't want him to have a girlfriend, Maxine. If you really love him, please understand"
"Please believe me if I say I like you for him. Maybe this isn't just the right time for the two of you. Just please stay away from him" pakiusap niya sa akin
"I'm sorry" huli niyang sabi bago umalis.
Napatulala ako sa mga sinabi niya. Hindi ako magalaw sa aking kinauupuan para akong nanghina sa nangyari. Naalala ko ang mga pangyayari sa mga panahon na ito. Kaya pala iyong mga schoolmates ko iba ang tingin sa akin. They are talking about me! Naalala ko ang pinag-uusapan ng mga babae noong cinelebrate namin ng mga fans ang birthday ni Maximo. Agad kong hinanap ang sinabi ni Jim sa internet, tama nga si Jim! Ako ang babae sa blind item! Ako ang babaeng tinatawag nilang makapal ang mukha. Ako ang babaeng tinatawag nilang nakakainis. Ako ang babaeng gusto nilang sabunutan. Ako ang babaeng tinatawag nilang past time ni Maximo. Ako ang tinatawag nilang hindi maganda dahil tinatago ni Maximo ang itsura ko.
Hindi ko kayang iabsorb ang mga nababasa ko tungkol sa isang blind item tungkol sa babaeng kasama niya sa Batangas. Alam kong ako iyon! Hindi ko mapigilan ang mapaiyak dahil sa mga sinasabi nila. Porket ba hindi rin ako artista? Sabi kasi nila, bakit isang ordinaryong tao ang dinadala ni Maximo. Siguraduhin lang ng babaeng iyon na maganda siya at may panama sa mga beauty queens.
Nawala lahat ng self-esteem ko noong mabasa ko iyon. Nadudurog ang puso ko dahil sa nabasa ko. Akala ko alam ko na ang larangan ng pagiging fans. Hindi pa pala! Nakalimutan kong may mga mapanghusgang tao.
Bigla namang lumakas ang loob ko noong may mga nababasa ako nagsasabi na baka naman mahal ni Maximo ang babae. Itinatago lang ni Maximo dahil natatakot lang siyang husgahan ng iba lalo na dahil sa career niya.
Agad napawi ang luha ko noon at ngumiti. Lumabas ang isang plano sa isip ko pagkatapos.
BINABASA MO ANG
It Had To Be You
FanfictionIsang kalokohan nga lang ba ang pangarapin na makasama habang buhay ang iniidolo mong artista. Alam mo sa sarili mong hindi mo siya maabot dahil malayo ang buhay niyong dalawa. Isa ka lang karaniwang tao pero siya maraming humahanga sa kanya. Subayb...
