Pagkatapos ng pageant ay hinila na agad ako nila Macy para makapagbihis pero bago iyon ay nagpicturan muna kami. Tuwang tuwa ang mga kaklase ko para sa akin dahil I won the Ms. Alma Mater. Bago pa nga ako umalis sa stage ay kinantyawan pa nila ako dahil sa ginawa ni Maximo kasabay naman noon ang hiyawan dahil sa paglapit sa akin ni Maximo at pakikipagpapicture.
Maraming tao ang pumunta sa celebration ko para sa pagkapanalo. Manalo o matalo man ay may celebration ako. May iaannounce rin kasi si Daddy. Sabi pa nga ni Mommy ay double celebration raw iyon.
"Gabby? Have you seen my cellphone?" tanong ko. Alam ko ay iniwan ko lang iyon sa bag ko kung saan naroon ang mga gamit ko para sa pageant pero noong tinignan ko kanina lang ay wala na.
"No, I am sorry Maxine" nginitian ko siya para sabihin na ok lang iyon
"Maxine, yung cellphone mo na kay Macy!" biglang singit ni Chikee. Lalong lumaki ang ngiti ko dahil finally makukuha ko na ang cellphone. I am expecting a text from someone.
Nang makuha ko ang cellphone ko kay Macy ay agad ko itong binuksan. Nakita kong may 10 messages ako roon. Ang ibang text ay mula sa mga co-models ko nanunuod ng pageant. Nakita ko ang text mula kay Kean. Oh? That man! Akala ko hanggang ngayon galit pa rin siya sa akin.
'Hi Maxine! I heard that you won the Miss Alma Mater. Let's have some lunch tomorrow. I'll treat you' napangiti ako sa text niya. Ilang buwan na kasi ang nakakaraan mula noong huli naming pag-uusap. Akala ko hanggang ngayon ay may tampo pa rin siya sakin. Agad ko siyang nireplyan.
"Ehem! Ano meron jan sa mga ngiti mo?" gulat kong tinignan si Macy na nasa tabi ko na
"Macy!" inis kong sabi sa kanya. Sinilip niya ang cellphone ko at tumaas ang kilay niya
"Kean? Iyong lalaking kumuha sayo sa amin noong nag-arcade tayo?" usisa niya. Lumapit naman sila Chikee at Vic sa amin
"What's happening here?" tanong ni ni Vic
"Yes Macy"
"Is he now the reason, why you are smiling?" pinanliitan ako ng mata ni Macy. Takang taka ko siyang tinignan
"Everyone or anyone can make me smile Macy!" mariin kong sabi
"Guys! What's going on?" sabi naman ni Chikee
"Nothing!" sabi ni Macy at umiiling na lumayo sa akin.
Nakangangang tinignan namin nila Chikee at Vic si Macy na palayo sa amin. Bigla naman akong tinapik ni Chikee at itinuro si Macy para sabihin na susundan niya lang ito. Naiwan kaming nakatulala ni Vic.
"What happened Maxine?"
"Nothing, Vic!" mariin kong sabi habang papalayo sa kanya. Isinuksok ko ang cellphone ko sa aking bulsa bago umalis.
Umupo ako sa upuan kung nasaan si Macy kausap niya si Chikee. Nakatingin lang sa malayo si Macy at hindi man lang tinatapunan ng tingin si Chikee.
Lumapit ako sa tabi nila at napatingin sa akin si Chikee. Itinuro niya ang upuan sa tabi ni Macy para sabihin na doon ako umupo.
"Macy?" tawag ko sa kanya
"Why are you suddenly mad at me?" tanong ko
"I am not mad at you Maxine. I am mad on what are you doing. I know I agreed to your decision on Maximo! But not this Maxine! I don't want to see you falling in love with someone else!" seryosong sabi ni Macy
"You're falling in love with someone? Who?" tanong naman ni Chikee
"After the kilig factor that Maximo did to you awhile ago?! Maxine!" dagdag pa ni Macy
"What are you talking about? I am not falling in love with someone else!" mariin kong sabi sa kanila
"Then what does the message of Kean tells then? What does your smile, a while ago mean? What is it Maxine?" hinarap na ako ni Macy at kita ko ang galit sa kanyang mata
"Omygosh Macy! Hindi ibig sabihin na ngumingiti ako roon at niyaya ako ni Kean, naiinlove na ako sa kanya! Macy, alam mong loyal lang ako kay Maximo!" hysterical kong sabi sa kanya
"Macy, stop this." Marahang sabi ni Chikee sa kanya
"I want to make sure Maxine! I want to Maxine sure!" mariin niyang sabi
"Eh. Ano naman kung mainlove ako sa ibang tao Macy. Besides, Maximo is not my boyfriend! We don't have any label at all! We have different worlds Macy!" parang lumambot naman ang matigas niyang aura. Hinawakan niya ang aking kamay.
"Always remember your answer Maxine. Always remember that!" takang taka ko siyang tinignan
"Tama na ito huh!" sabi ni Chikee
"I'm sorry!" sabi ni Macy at niyakap ako.
Napangiti ako dahil bati na kami. Though, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nagagalit siya sa akin basta ang sa akin lang ay bati na kami.
Inasar naman kami nila Chikee at Vic dahil sa nangyari. Natigil lang ang asaran noong magsalita si Daddy sa harap.
"Everyone, alam nating lahat na nandito tayo dahil sa nanalo ang unica hija namin sa Ms. Alma Mater! Alam na natin iyong lahat iyon. Manalo naman o matalo may celebration pa rin dahil ang unica hija namin ay nakapasa sa Eatern States University sa California. Ang nakakatuwa pa roon ay may scholarship siya. We are so proud of you Princess!" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Daddy. Hindi ako makapaniwala na makakapasa ako roon.
"You'll be leaving us" mahinang sambit ni Macy pero sapat na iyon para marinig ko. Tinignan ko siya, nakita ko ang lungkot sa mga mata ng mga kaibigan ko pero Nakangiti sila.
"Let's have a toast everyone! Cheers!" sabi naman ni Mommy
Tinapik ng mga kaibigan ko ang balikat ko at naggrouphug kaming apat.
"We are so proud of you Maxine" sabay sabay na sambit nila
"You are?" tanong ko. Tumango sila at sabay sabay kaming tumawa
"Nakakainis ka! Kung dati, hindi ka nakakasama sa amin dahil busy ka. Ngayon naman hindi ka na talaga makakasama sa amin dahil.. dahil.." hindi na naituloy ni Chikee ang sinabi niya dahil naiyak na siya. Tinahan naman siya ni Vic na nasa tabi niya lang.
"Kung alam ko lang na aalis ka, edi sana hindi na kita inaway!" natatawa pero naiiyak na sabi ni Macy sa akn
"Baliw" sabi ko
Pagpasok ko ng kwarto ay humilata na agad ako sa aking kama. Parang pagod na pagod ako sa araw na ito. Parang namiss kong bigla ang kama ko. Pagkagalaw ko papunta sa kabilang side ay naramdaman ko ang cellphone ko sa aking bulsa kaya nilabas ko iyon.
Mayroon pa pala akong limang messages na hindi nababasa. Napalaki ang mata ko noong makita ko ang mga messages roon.
'Don't ever wear that swim suit Maxine! I don't want to see them, looking at you while wearing that. Well, I am really not comfortable on someone looking at you with desires. I might kill that person!'
Iyon ang sabi sa message at tatlong beses iyong isinend sa akin. Mabilis ang tibok ng puso ko. I really hate how Maximo affects me like this! Akala ko ba iniiwasan niya rin ako pero bakit this past few days parang lapit naman siyang lapit. Bakit din nga pala ako nagpapadala sa kanyang paglapit? Kasalanan mo rin yan Maxine.
Binuksan ko ang isa niya pang text sa akin. Tumindig ang balahibo ko noong mabasa ko iyon.
'You really are stunning my Angel. You are still my innocent angel, no matter what make-up you put in your face. You still have that Angelic face! I know, you'll win this!'
Alam niyang mananalo ako. Naniwala siya sa kakayahan ko. Napikit ako nang marealize ko kung gaano kalaki ang tiwala niya sa akin.
BINABASA MO ANG
It Had To Be You
FanfictionIsang kalokohan nga lang ba ang pangarapin na makasama habang buhay ang iniidolo mong artista. Alam mo sa sarili mong hindi mo siya maabot dahil malayo ang buhay niyong dalawa. Isa ka lang karaniwang tao pero siya maraming humahanga sa kanya. Subayb...
