32

95 22 2
                                    



Hinila ako ni Maximo sa Beach and Park Chalet pagkatapos naming maggolf. Sa totoo lang hindi ako marunong maggolf, tinuruan lang ako ni Maximo. Out of 30 balls na ginamit namin ay isa lang doon ang pumasok kaya sobrang natuwa ako r oon.

Hindi ko pa napupuntahan itong Beach and Park Chalet kaya feeling ko tuloy ako ang turista rito. Though, nakapunta na pala talaga rito si Maximo.

Hinila ko si Maximo noong makita ko ang three-dimensional Golden Gate Park model, sobrang ganda. Woah! Ibinigay ko ang camera sa kanya at sinenyasan siyang picturan ako. Tinaasan niya ako ng kilay at tinignan lamang niya ang camera. Napapadyak ako dahil malamang ay sinasadya niya iyon.

Natawa siya sa inakto ko kaya pinagbigyan niya ako. All smiles akong tumingin sa camera. Tinakbo ko ang souvenir shop, tinignan ko ito isa isa. Wow! Bibilhan ko sila Macy, Chikee, Tina and Gem. Tuwang tuwa ako habang namimili. Sinulyapan ko si Maximo, busy din siyang tumitingin roon. Pagkatapos ay binayaran na niya agad ito. Ano kaya ang binili niya? Para kanino kaya iyon?

Nasa sulok kami ng restaurant, I can see the ocean from here. Nakakatuwang pagmasdan ang karagatan parang palaging Malaya. Napapasway naman ako sa naririnig kong kanta. Most of them are love songs, siguro dahil malapit na ang love month.

"Good evening everyone. I saw two persons who are new in this place. I think it is their first time to come here" sabi noong kumanta. Nakita kong nilalapitan niya ang lugar namin kaya napatingin ako kay Maximo. Tinaasan niya lang ako ng kilay parang sinasabi niya na I should be cooperative lalo na't artista kami.

"Oooh? The famous Princess of Hollywood Movies! Let's give her around of applause" narinig ko ang palakpakan ng mga tao kinawayan ko lang sila to give my appreciation

"And she's with someone, is he the one?" usisa sa akin, napasinghap ako sa sinabi niya pero isang matamis na ngiti lang binigay ko.

"Oooh? I think this is private. So, can you sing for us? Or you can have a duet with him" nakangising saad sa akin nung kumanta. Tinignan ko si Maximo, he is just eyeing me. Kinuha ko ang microphone at hinila ko si Maximo. Narinig ko ang hiyawan ng mga tao. Nakita ko rin na maraming kumukuha ng video.

"I am not fond of the song's here, from the other country! I just know opm songs" bulong niya sa akin. Napangiti ako dahil alam ko naman iyon.

"No, worries! We'll sing Got To Believe in Magic" nakangisi kong saad nakita ko ang pagtataka sa sinabi ko

"You don't know that?" suspetsa ko sa kanya

"I know, it's just that!" napatawa ako.

"Don't underestimate me"

"I'm not!" depensa niya

Sinabihan ko ang musician kung ano ang kakantahin namin. Good thing Pilipino rin ang musician kaya alam niya iyong tutugtugin.

Take me to your heart,
Show me where to start,
Let me play the part of your first love;
All the stars are right,
Ev'ry wish is ours tonight, my love
.

Narinig ko ang palakpakan ng mga tao noong mag-umpisa kami pero mas naramdaman ko ang pagkabog ng aking puso. Hindi ako makangiti ng maayos dahil sa tindi ng nararamdaman ko parang bumabalik muli ang mga nararamdaman ko noon. Parang bumabalik ang dating Maxine na patay na patay kay Maximo.


Pity those who wait,
Trust in love to faith,
Findin' out too late that they've lost it;
Never leting go,
They will never know the ways of love.

Tinignan ko si Maximo, nakatingin lang siya sa mga tao. Nakakita rin ako ng mga taong halos mamatay na sa kilig dahil sa kanya. Napangiti ako dahil doon, hanggang dito ba naman kayang kaya niya pa rin kuhanin ang attention ng mga tao.

It Had To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon