True to his words. Nililigawan nga ako ni Maximo, araw araw niya akong hatid sundo kapag may taping kami. May mga bulaklak din akong natatanggap mula sa kanya. Si Christian naman ay lagi akong niyaya tuwing lunch kaya walang magawa si Maximo kapag tinatanggihan ko siya kung minsan.
Inaabangan ko si Maximo ngayon dahil sabi niya ay sabay na kaming pupunta sa beach. Iyon ang site kung saan kami magtataping. Hindi ko maintindihan kung bakit kinakabahan ako para sa sarili ko ngayon.
Ilang sandali lang ay narinig ko na ang doorbell. Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin bago lumabas sa kwarto dahil alam ko namang nandun si Gem para pagbuksan ang nagdodoorbell. I am wearing a blue collared shirt, denim shorts and blue sandals.
Nang makalabas ako sa kwarto ay sumalubong sa akin ang nakangising Gem. Kinunot ko noo ko dahil sa inaasta niya.
"I didn't know na nakuha mo na pala si Maximo plus couple na pala kayo parang dati lang crush mo lang siya. I thought nanliligaw sayo si Christian? Busted agad?" mahinang bulong ni Gem sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mata dahil sa mga sinasabi niya
"What are you talking about?"
"Hmmm. Look!" nginuso niya si Maximo na at home na at home. Nakakulay blue collared shirt din siya at shorts. Hindi ko alam kung bakit madalas na lang parehas kami ng suot.
Tinarayan ko si Gem dahil sa mga napapansin niya. Narinig ko naman ang bungisngis ni Gem kaya napatingin sa amin si Maximo. Pigil hininga akong napatingin sa kanya, sobra siyang nakakaakit sa ngiti niyang iyon. Ngayon ko lang din napansin ang dala niyang bulaklak.
"Good Morning my Angel" sabi niya sabay lahad ng bulaklak
"Osya! Tama na iyang landian niyo!" pagtataboy sa amin ni Gem
"Shut up Gem! Take care of yourself, okay?" nagthumbs up siya para sabihin na gagawin niya ang mga bilin ko
"Take care too Angel!" natatawang sigaw ni Gem. Napakagat ako ng labi dahil sa kahihiyan. Si Maximo naman ay nakitawa lang din kay Gem.
Ipinagbuksan ako ni Maximo ng pinto ng kotse kaya agad ko siyang nginitian bilang pasasalamat. Tahimik lang kami buong byahe. Ilang sandali lang ay narating na namin ang beach nakita ko agad ang sinet up ng mga staffs doon.
Napangiti ako dahil sa simoy ng hangin na sumalubong sa akin. Agad kong nilapitan si Direk noong mamataan ko siya. Hinalikan ko siya sa pisngi nang makalapit ako.
"There is your tent. And oh, please hurry up! I don't want you to get sunburn" natatawang wika ni Direk habang itinuturo ang tent ko.
Sinulyapan ko ang kinaroroonan ni Maximo, nanlaki ang mata ko noong maalala ko na may dala pala akong mga damit. Ipinokpok ko ang aking ulo dahil hinayaan kong si Maximo ang magdala noon. Patakbo kong nilapitan si Maximo para agawin ang bag kong dala dala niya. Shoulder bag iyon kaya hindi bagay sa kanya ang pagbitbit doon.
"Maximo, I'm sorry. I forgot my things. Let me handle it"nahihiya kong sambit pero tinaasan niya lang ako ng kilay at nagpatuloy na maglakad habang bitbit pa rin ang gamit ko.
"Maximo!" sigaw ko habang hinahabol siya
"I want to carry your bag Maxine" napasinghap ako sa pagtawag niya sa nakasanayan kong pangalan.
"I can carry my bag. It is not your responsibility" maagap kong saad
"Yeah. But I want to carry your bag." Napabuntong hininga na lang ako dahil alam kong hindi ko siya mapipigilan.
Itinuro ko na lang sa kanya ang tent ko. Tinignan niya muna ang loob ng tent ko bago siya umalis doon sakto naman ay dumating si Gabby.
"What is the meaning of that Alexa?" mapanuring saad ni Gabby
"What?" patay malisya kong sagot sa kanya pero tinaasan lang ako ng kilay
"You can't fool me Alexa. I know that something is happening between the two of you. I just want to remind you, people are expecting for you and Christian. Remember, it was a public confession." paliwanag sa akin ni Gabby
"I know. But, Maximo also announced his courtship in public." kitang kita ko ang ngisi ni Gabby dahil sa depensa kong sagot
"Hmmm. Too obvious! I hope you'll choose wisely. I can say as of now, good choice" kinindatan ako ni Gabby pagkasabi niya noon. Tinalikuran niya ako agad bago pa ako makapagreact ulit. Napanganga ako sa tinuturan niya.
Para bang umamin na ako kay Gabby kung sino talaga ang gusto ko sa sinabi ko. Napakagat ako ng labi noong mapagtanto ko iyon, napapadyak ako dahil sa katangahan ko. Narinig ko ang mahinang tawa ni Gabby, pagtingin ko sa salamin ay kitang kita ang pagkaaliw niya sa akin.
Ang first scene namin sa araw na ito ay muli naming pagkikita ni Maximo after 1 year. Nagkaroon kasi ng break up yung mga bida na pinoportray namin. Ang nakakainis lang ay may kasama na iyong bidang lalaki na babae.
"Okay. Let's get this started." Sigaw ni Direk. Nasa isang restaurant kami malapit sa dagat. Makakabunggan ko si Maximo at ang babaeng kasama niya. Doon na mauuso ang salitang bitter.
"Lights. Camera. Action" malakas na sigaw ni Direk
Napupuyos ang aking damdamin nang makita kong nakikipagharutan iyong babae kay Maximo. Masaya namang nakikipagkwentuhan si Maximo. Gusto ko siyang sapakin sa pakikipagharutan niya.
"CUT" doon lang ako napatingin sa ibang gawi noong sumigaw si direk.
"ALEXA! What do you think you are doing? FOCUS!" naiinis na sabi ni Direk. Napabuntong hininga ako dahil nafrufrustrate ako.
Napatuwid ako ng tayo noong bigla na lang inalis ni Maximo ang pagkakakapit ng babaeng iyon sa kanya at lumapit banda sa amin. Kitang kita ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Tumigil siya sa pagitan namin ni Direk, napayuko at nakagat ko ang aking labi sa sobrang kaba. Bakit ngayon ka pumapalpak Maxine? Ilayo ang nararamdaman sa trabaho! Shit! Damn, this feelings!
"What's happening here Direk?" tanong ni Maximo
"I think Alexa is pre-occupied! And I don't want that!" mariing sabi ni Direk
"Sorry Direk" mahina kong saad
"You should be!"
"Direk, I'll talk to Alexa instead" tinignan muna ako ni Direk bago siya tumango kay Maximo
Iginaya ako ni Maximo sa may upuan, nakayuko pa rin ako noong makaupo kami. Tumikhim siya kaya napatingin na rin ako sa kanya.
"Are you okay?" tumango ako bilang sagot sa kanya
"Are you sure?"
"Yes, I am"
"Do you want water? What do you want?" mahinahong tanong ni Maximo
"Nothing"
"Is there something bothering you?"
"Yes." Maagap kong saad
"You can tell me everything"
"I know. It's just that, ugh. I am afraid"
"Afraid of what? I am here. I'll protect you from everything, anyone" gusto kong sabihin na, alam ko. alam kong kaya niya akong protektahan, dati pa naman ginagawa na niya iyon.
"I'm just afraid" mahinang bulong ko.
Gusto kong sabihin sa kanya na natatakot ako sa pwedeng mangyari sa amin. Alam kong sa sarili ko na nasa kanya pa rin ang puso ko pero hindi ko alam kung matatanggap ba kami ng mga tao. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba na makatanggap muli ng panghuhusga mula sa ibang tao.
I'm afraid to love him again.
BINABASA MO ANG
It Had To Be You
FanfictionIsang kalokohan nga lang ba ang pangarapin na makasama habang buhay ang iniidolo mong artista. Alam mo sa sarili mong hindi mo siya maabot dahil malayo ang buhay niyong dalawa. Isa ka lang karaniwang tao pero siya maraming humahanga sa kanya. Subayb...