34

100 21 0
                                    


We will be singing a love song para sa mga Pinoy fans ni Maximo at makapagpromote na rin kami ng tungkol sa magiging movie namin. Hindi pa rin kami makapili ng kanta na kakantahin namin hanggang ngayon. Isang beses lang naman akong lalabas para sa partner namin pero bakit ganoon, kailangan pa maging matagal ang practice namin.

Balita ko ay si Maximo mismo ang pumili ng mga kanta para sa concert niya. Sabi ng staff ay iyong mga pinili niya, iyon ang nararamdaman ni Maximo ngayon.

"So, have you already settled the song you are singing?" tanong sa amin nung coordinator napailing ako bilang sagot. Tinignan ko si Maximo na nakatingin lang sa papel kung saan may list ng mga suggestions ng mga kanta.

"Do you sing tagalog songs Ms. Alexa? I heard you're a Filipino Hollywood artist?" napakagat ako ng labi dahil sa sinabi nung coordinator, nakita kong napasulyap sa akin si Maximo.

"Oh? Yeah!" matamlay kong sabi. Kitang kita ko ang pag ngisi ni Maximo, hindi ko alam kung bakit nairita ako sa ginagawa niya

"So, basically you can understand tagalog? Or you can speak it? You can also sing it?" tuloy tuloy na sabi nung coordinator. Tumango ako bilang sagot habang napapapikit. Tumingin ang coordinator kay Maximo para malaman kung may napili na siya.

"Let's sing Pagdating ng Panahon" napasinghap ako sa pinili niyang kanta. Hindi ko alam kung ako lang iyon o ano pero alam ko sa sarili ko na may ibig sabihin para sa akin ang kantang iyon.

Tumayo kami sa gitna ng stage. Tinuturuan kami ng coordinator kung paano namin gagawin ang bawat galaw namin habang pinapakinggan ang kanta. I remembered that song clearly because that is one of the song that I listened when I think I got heartbroken because of Maximo's fans!

Hindi ako mapakali noong inuumpisahan na ni Maximo ang first line ng kanta. Para bang ako ang hinaharana niya sa kantang Pagdating ng Panahon! Para bang ako talaga ang gusto niyang makasama sa pagdating ng panahon.

He is intently looking at me. Sobrang bigat ng mga tingin niya sa akin at halos manginig ako dahil doon. Noong parte ko na ay hindi ko nakanta iyon kaya I gave an apologetic smile sa mga staff, iyong iba ay ok lang sa kanila pero iyong coordinator ay sobrang inis na ata sa akin.

"I don't know what is happening Ms. Alexa! You look good together but I don't know what is missing?! I thought you are a good actress, you must know how to act inlove! You looked constipated!" naiinis na sabi nung coordinator. Napayuko sa sinabi niya kung mukha nga akong constipated, nakakahiya iyon.

"Why don't we have a break?" suggestion ni Maximo, napabuga ako ng hangin dahil sa frustration. What's going on? Masyado akong nag-ooverthink

"Siguro nga!" mariing sabi nung coordinator

Umupo ako sa pinakasulok ng concert hall, I know na pinag-uusapan na nila ako ngayon. This day is so embarrassing! Napapikit ako para maisip kung paanong atake ba ang gagawin ko para rito. Hindi ito ang first time na kumanta kasama ang lalaki! Hindi ito first time na magkakaroon ako ng pagpapakilig. Hindi rin ito ang una na makasama kong kumanta si Maximo!

Nagulat ako noong bigla na lang may mag-abot sa akin ng inumin. Napangiti ako at tinanggap ang tubig, magpapasalamat na sana ako pero mas nagulat ako noong makita ko sa harap ko si Maximo.

Dahan dahan siyang umupo sa tabi ko. tahimik lang siyang nakaupo roon parang may malalim na iniisip. Magtatanong na sana ako kung ano ginagawa niya rito nang bigla na lang siyang tumingin sa akin. Napalunok ako maraming beses dahil doon.

"How are you feeling?"

"I'm fine" mahinang sagot ko

"You seems out of this world Alexa" napakagat ako ng labi dahil sa sinabi niya. He noticed too! Ofcourse! Bakit nga naman niya hindi mapapansin?

It Had To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon