Bumalik ang katinuan ko matapos makausap si Maximo. Siguro mejo nabawasan ang bigat ng nararamdaman ko dahil nagshare ako ng kaunti sa kaniya.
Naging maganda ang scene na nakuha namin, sa totoo nga niyan ay one take lang ang mga sumunod na mga act namin. Mamaya may shoot pa kami ulit, iyon na raw ang last namin. Pinagpahinga lang kami para kumain ng lunch.
Napataas ang kilay ko dahil may nakita na akong styro sa tent ko na nakalagay sa mesa. May sticky note rin na nakalagay doon. Agad kong inabot iyon at binasa.
'Hi beautiful. I just want to make sure that you'll eat your lunch. –Christian'
Napangiti ako dahil sa ipinadala. How sweet! He really is a thoughtful guy. Binuksan ko ang styro kaya lumaki lalo ang ngiti ko noong makita ko ang beef doon. Woah! Matagal na ako nagcracrave sa beef. Beef with milk as sauce ang ulam ko. hmmm! Mukhang masarap.
Agad kong tinext si Christian para magpasalamat. Nakakagoodvibes din pala kapag may mga taong nag-aalala sayo. Napapitlag ako noong may malakas na tumikhim kaya agad akong lumingon habang mabibigat ang hinga ko.
"Lunch?" mataray na yaya sa akin ni Maximo. Napakagat ako ng labi dahil hindi ko inaasahan na yayayain niya ako.
Tumaas ang kilay ni Maximo dahil sa tagal kong sumagot. Napatingin naman siya sa lamesa kung saan nakalagay ang pagkain na dala ni Christian.
"Oh? You already have a lunch." napakamot ako sa aking batok. Magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako
"It's okay. See you later" malungkot na saad ni Maximo
Napasapo ako sa aking noo. Ilang buntong hininga naman ang pinalabas ko bago ko napagdesisyunan na sundan si Maximo. Agad akong napaatras nang mabuksan ko ang tent ko dahil kasabay nun ang pagsalubong sa akin ng mga bulaklak. Napakagat ako ng labi dahil sa ganda ng arrangement ng bulaklak.
"Flowers for you." nadismaya naman ako dahil hindi mula sa taong inaasahan ko ang magbibigay ng bulaklak
"Thank you Christian"
"Welcome. Did you like the food?" sabi niya sabay ngiti
"Well, I haven't tasted it yet" tumango siya bilang pag-intindi
"Can I ask you out? For some minutes?" nagbabakasaling tanong niya. Bumuntong hininga ako bago ako tumango.
Naglakad kami sa may dalampasigan. Hinangin ang suot kong sombrero kaya napatawa kaming parehas ni Christian.
Huminto kami sa paglalakad, tinanaw namin ang ganda ng karagatan. Sobrang sarap sa pakiramdam ng simoy ng hangin.
Napataas ang kilay ko dahil sa pag-akbay sa akin ni Christian. First time niyang maging intimate sa isang publikong lugar. Nginitian niya ako pero sinuklian ko siya ng naaasiwang ngiti.
"Alexa. Did you remember our first movie? In our premier night?" napatingin ako sa kanya na nakakunot ang noo.
"Ofcourse. Why?"
"You were crying back then. You were too emotional because of the film. You cried so hard and I was too curious behind those tears. I told myself, will this girl cry for me so hard when I leave her just like in the movie. You were so adorable when you are crying." Kitang kita ko ang adoration sa mata ni Christian. Hindi ko maintindihan bakit niya sinasabi sa akin ito.
"But I also told myself, I don't want to break this girl's heart because it will cause me more pain. I just want to see you happy, smiling, because you got the most beautiful smile. Alexa, I know that I am not the person in your heart but just let me prove to you that I can also be your choice. I can be your man."
Nakagat ko ang aking labi dahil pinipigil kong magsalita. Alam niyang hindi ako impokritang tao. Ayoko siyang paasahin pero ayaw ko namang dagdagan ang lungkot sa mga mata niya. Hinawakan ko ang kamay ni Christian at bigyan siya ng genuine na ngiti.
"I like you so much Alexa. No, I love you!" buong puso niyang sabi sa akin.
I'm sorry Chrisitan. Kung siguro hindi ko lang mahal si Maximo baka masuklian ko pa ang pagmamahal ni Christian sa akin.
BINABASA MO ANG
It Had To Be You
FanfictionIsang kalokohan nga lang ba ang pangarapin na makasama habang buhay ang iniidolo mong artista. Alam mo sa sarili mong hindi mo siya maabot dahil malayo ang buhay niyong dalawa. Isa ka lang karaniwang tao pero siya maraming humahanga sa kanya. Subayb...