Pinakiradaman ko ang simoy ng hangin sa labas ng Ninoy Aquino International Airport III, ibang iba ito sa California.
Napatingin ako sa bumisinang kotse sa aking harapan. Napanguso ako nang malaman kong isa itong limousine. Si Auntie Carina talaga, binigyan kami ng special treatment.
Marami na ang nagbago sa Pilipinas. Hindi na rin ganun katraffic pagdating namin sa EDSA. Masasabi kong isa ito sa magpapatunay ng pagbabago.
Nang mapahinto kami sa dahil sa stoplight ay nakita ko ang billboard ni Maximo. Napatingin ako sa kanya sabay taas ng kilay. I wonder kung paano niya nagagawang pumose para sa isang underwear endorsement.
Kaliwa't kanan ang mga billboard ni Maximo. Hindi maitatanggi na sikat na sikat siya sa bansang ito. Marami na nga siyang narating.
Pinasadahan ko ng tingin ang condominium na nasa aking harapan. Dito kami titira ni Maximo pero syempre ay magkaiba kami ng unit.
Isinuot namin ang shades bago lumabas ng kotse. Hinawakan ni Maximo ang aking kamay nang makarating siya sa aking katabi. Halos malagutan ako ng hininga sa pagpipigil ng kilig. Para naman akong teenager sa lagay na ito.
Nang makarating kami sa tamang palapag ay tinignan muna ni Maximo ang aking tutuluyan bago utusan ang isa sa staff ng condo na ihatid ang kanyang gamit sa kanyang kwarto.
Hindi ko napigilan ang pagtaas ng aking kilay nang makita ang pagsalampak ni Maximo sa upuan. Nakapikit siya't nakataas pa ang paa. Ilang Segundo ko siyang tinitigan bago niya iminulat sandali ang isa niyang mata at tinapik ang tabi niya para makaupo ako roon.
Malamang ay pagod ito sa aming biyahe. Nang makaupo ako sa kanyang tabi ay laking gulat ko nang hapitin niya ang aking bewang at sinubsob ang kanyang mukha sa aking leeg. Sobrang lakas ng pintig ng aking puso sa puntong iyon.
"Home!" bulong niya na nagpatindig ng aking balahibo.
Ilang minuto rin akong hindi makagalaw bago ko naisipang magsalita para maramdaman ang pagiging komportable.
"Maximo, why don't you go to the room and rest there." Suhestiyon ko pero lalo lamang niya hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
"I want to hug you like this. I've been dreaming of hugging you in the middle of the city."
"Holding your while we are dating, walking down the street and in front of the starlight." sabi niya habang inaayos ang kamay ko para ito'y mahawakan niya.
"Giving you goosebumps when I am beside you." tinaasan ko siya ng kilay sa sinabi niyang iyon.
Hindi niya alam ay parati niya iyong ipinaparamdam sa akin.
"Thank you Maxine. Thank you for choosing me."
Why is he telling me all of this? Ano ang nararamdaman niya para maging ganito siya kasweet sa akin?
"Please tell me you love me, sweetheart." Bulong niya sa akin.
Napanguso ako dahil sa kasweetan niya sa akin.
"I will always choose you. It's you from the beginning. It's you till the end. I love you Maximo." Kitang kita ko ang pagsilay ng ngisi ni Maximo.
"I love you too, sweetheart. I madly and deeply inlove with you."
Napapitlag kami nang magring ang phone ni Maximo. Nakalapag ito sa may lamesa kaya nakita ko ang sender ng message.
Yna. Yna ang pangalanan ng sender. Isang Yna lang naman ang kakilala ko. Yna Mendez ang taong nalilink kay Maximo. Ang taong nagparamdam sa akin na malayo ako kay Maximo.
Ipinagpaliban ko ang kuryosidad ko nang mapagtanto na hindi pinapansin ni Maximo ang text ni Yna. Nakipagmeet kami kay Mr. M sa five star hotel para iplano lahat ng naka-offer sa amin ni Maximo.
Maraming mga t.v shows ang gusto kaming magguest lalo na't pinabalita na ang pagdating naming dalawa sa bansa. Ang ilan sa mga ito ay ang fast talk with boy abunda, GGV at the buzz. Gusto rin ni Mr. M na magshow kami sa ASAP para lalong tangkilikin ng mga tao.
Naging mabilis ang araw, papunta kami ngayon sa ABS-CBN para ishoot ang Fast Talk with Boy Abunda. Magkahawak kamay kaming dalawa ni Maximo nang makarating. Halos lahat ay napapatingin sa aming dalawa.
Mayroong gustong magtangkang magpapicture sa amin. Ngunit hindi sila nagkakaroon ng lakas ng loob. Siguro kung nasa California ako baka dinumog na kami ng mga tao.
Habang naglalakad ay ilang mga banat ang ibinibitawan niya sa akin. Kaya't napupuno kami ng halakhakan dalawa.
Napatigil kami sa paglalakad nang may tumawag kay Maximo. Isang matinis na boses ang kinalabasan nun kaya agad tumaas ang kilay ko.
Bumungad sa amin ang isang Yna Mendez na nakaplain baby pink na dress. Ngiting ngiti siya lumapit sa amin at nakabuka ang kanyang braso na para bang may yayakapin.
Nang makalapit sa amin ay niyakap niya agad si Maximo na parang hindi ako kasama roon. Tatanggalin ko na sana ang pagkakahawak ng kamay namin ni Maximo ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya rito.
Ilang sandali lang ay halos dumugin na sila ng mga tao. Marami ang naglabas at nagtaas ng camera para mapicturan siya. Ako nama'y gusto nang lumayo roon.
Anong ginagawa ni Yna Mendez? Hindi naman siguro siya bulag para hindi ako makita roon. Malamang ay manhid na ang isang ito.
BINABASA MO ANG
It Had To Be You
FanficIsang kalokohan nga lang ba ang pangarapin na makasama habang buhay ang iniidolo mong artista. Alam mo sa sarili mong hindi mo siya maabot dahil malayo ang buhay niyong dalawa. Isa ka lang karaniwang tao pero siya maraming humahanga sa kanya. Subayb...