21

137 51 12
                                    

Naging abala kami sa pagsasagot ng diagnostic test na binigay sa amin ni Mr. Macapagal. Dito raw malalaman kung hanggang saan ang nilalaman namin sa subject niya. Kung sabihin ko kayang wala pa kaming alam tungkol sa ituturo niya, maniwala kaya siya?

Dapat dito pa lang magpakitang gilas na ako. Gusto kong gumraduate na may mataas na grades kung pwede lang ay magkaroon din ako ng honor.

Mabilis na natapos si Macy sa diagnostic test. Paborito niya kasi ang subject na ito, ang math. Mabuti na lang hindi ito recorded kasi wala talaga akong alam tungkol dito.

Pagkatapos namin magtest dumirecho na kami sa canteen. Maraming tao ngayon sa may lobby dahil first day of class. Kailangan magregister sa mga clubs ngayon.

Dahil sa mga susunod na subject namin ay free time na, nagpadecision namin na mamaya na kami magreregister sa mga clubs. Tutal ako pa rin naman daw ang President dahil wala pang eleksyon para sa susunod na presidente.

"Confirmed na iyong teleserye ni Maximo na bali-balita! Kung Ako Na Lang Sana ang pangalan ng teleserye, adopted mula sa wattpad story ni lovingyoucrazy" tuwang-tuwang balita ni Chikee

"Maganda raw iyon e kaso nga lang bitin! Sobra! Parang may mga part ng kwento na nawala. Ewan ko lang huh! Pero sana mas pagandahin pa nila sa teleserye!" komento naman ni Macy

"Guys! Eto oh! Binabalita na naman! Tignan niyo" singit ni Vic habang ipinapakita ang cellphone niya na may t.v

Nag-unahan naman kaming tatlo para makita ang sinasabi ni Vic.

Totoo ngang magkakaroon ng teleserye si Maximo tungkol ito sa bestfriend ng lalaki na nagkagusto sa kanya pero iyong lalaki kaibigan lang talaga ang turing sa kanya. Ang makakapareha niya sa teleserye ay si Yna Mendez ang babaeng nalilink sa kanya ngayon. Maraming nalilink kay Maximo, mga sikat na artista at mga batikan na talaga. Mayroon namang pasibong pa lang. Pero si Yna Mendez talaga iyong tumatak sa tao dahil madalas silang nagkakasama sa isang music video.

"Ayaw ko si Yna Mendez para sa kanya. Hindi sila bagay! I think mataray siya" sabi ni Macy

"Me too! Mukhang may ibang balak e! Remember nung pumunta tayo minsan sa site nila, aba lang! Lakas magtaray, baguhan pa lang naman" inis na sabi naman ni Chikee. Takang tinignan ko sila kasi hindi ko alam kung ang sinasabi nila

"Hay nako! Ang busy mo kasi noong summer e! Hindi ka tuloy nakasama nun." Sabat ni Vic

"Nako te! Mabuti na rin hindi ka sumama nun! Ang territorial niyan ni Yna! Ewan ko ba dyan? Buti hindi siya nagagawan ng issues tungkol sa katarayan niya!" sabi ni Chikee

"Makapanghusga naman kayo. Malay niyo may red days siya dba? Grabe kayo huh" natatawa kong sabi niya. Naghagalpakan naman kami ng tawa dahil sa sinabi ko

"Basta! Basta! May ibang kutob ako kay Yna Mendez na yan!" seryosong sabi ni Chikee.

Napataas naman ang kilay ni Chikee noong mapadaan si Tricia sa amin at bigla siyang nakisali sa usapan namin.

"Grabe ka ate Chikee! Mabait si Yna Mendez! Sobrang bait niya! Tinreat niya nga kami isang beses dahil ang tagal naming naghintay para makita si Maximo." Depensa ni Tricia

"Hay nako Tricia! Magkano ba binibigay ni Yna Mendez sayo at ganyan ka kung magtanggol sa kanya!" mataray na sabi ni Chikee

"Si Ate Chikee talaga oh! Idol ko lang talaga siya! Magaling na kumanta at maganda, mabait pa! Matalino pa! Oh, package na iyon!" mayabang na sabi ni Tricia kay Chikee pero pinanliitan lang siya ng mata ni Chikee

It Had To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon