54

77 12 2
                                    


Hindi ko maiwasang maging curious sa text ni Yna Mendez kaya pinaunlakan ko ang mensahe niya. Magkikita kami sa isang restaurant. Tinignan ko ang aking itsura sa salamin para makita kung magiging presentable ba ako kapag kaharap na siya.

Suot suot ko ang apple green, plain sleeveless na dress ko. Tinanggal ko ang makapal na make up na inilagay sa akin ni Gabby kanina. Perfect! Para na akong isang maamong pusa sa lagay na ito. Kaya nag-apply na lang ako ng pink lipstick para magkakulay naman ako.


Huminga ako ng malalim bago pumasok sa restaurant. Mula rito ay kitang-kita ko na si Yna. She's wearing a red fitted dress. Nakalugay ang kanyang buhok at kulot kulot ang dulo nito. Mukhang kanina pa siya rito dahil sa order niyang juice na nakalapag sa kanyang table.

Maamo niyang inangat ang kanyang tingin nang makalapit ako sa kanya. Tumayo siya't parang gulat na makita ako. Nakakita naman ako ng isang kulisap sa aking bandang kanan. Nakakunot noo ko siyang tinignan. Tumingin ako sa bandang kanan at laking gulat ko nang makita na may kumuha na pala sa amin ng litrato.

Mas maliwanag pa sa sikat ng araw ang gusto niyang gawin! Anong gusto niyang iparating sa kanyang itsura ngayon? Nasinusugod ko siya ngayon dito! Anong karapatan niya para gawin ang eksena ito? I hate her! I will hate her till death! Pinlano niya lahat ito!

Palihim ko siyang inirapan at umupo sa kanyang lamesa. I will play that nothing happened. Hahayaan kong kumalat ang litrato. I don't care! Gusto niya akong magmukhang kontrabida sa sarili niyang pelikula pwes ibibigay ko ito sa kanya.

I don't care kung ano gusto niyang mangyari at palabasin sa buong mundo. Basta alam ko sa sarili ko na wala akong ginagawa. Ito ang idinulot sa akin ng America, ang maging matapang sa bawat oras. Ito ang pag-ibig ko kay Maximo, hindi ko siya uurungan. Kung dati ay hinayaan ko siyang umapila sa buhay ko, ngayon ay lalabanan ko na siya. Ipapamukha ko sa kanya na ako ang tunay na mahal ni Maximo!

I know she's desperate! Right, she's damn desperate!

Tinaas ko ang kamay ko para umorder ng pagkain. Agad naman ito pinaunlakan ng waiter. Nakita ko ang pagkrus ng kamay ni Yna. She's looking in every actions that I do. That's more I like it, watch me! Find the difference between the true queen and a hypocrite, like you!

Madrama ko siyang tinapunan ng tingin nang matapos akong umorder. Tinaasan naman niya ako ng kilay pagtapos ay ipinilig ang kanyang ulo. Parang inaanalisa niya kung ano ang ginagawa ko.

"Why are you doing this? What is this for?" walang gana kong saad.

"You are back,huh! I thought, you are not coming back!" nakangisi niyang saad sa akin na nagpakulo ng dugo ko.

"Well, dear. Sad to say but vacation days are now over." Sarkastiko kong saad.

"Hindi ibig sabihin na nasa parehas na tayong industriya na kinatatayuan, kakayan-kayanin mo na ako. You know so much that people like me for Maximo. They are crying for our loveteam. Paano na lang kaya kung bumagsak ang pinaka-iingatan na career ni Maximo dahil sayo? Dahil sa dumidikit ang pangalan mo sa kanya?"

"Gumising ka na sa mahabang panaginip Yna. Ang relasyon niyo ni Maximo hanggang pang-showbiz lang. Huwag kang umasang may gusto talaga siya sayo." Natatawa kong saad.

Mapakla niya akong tinawanan. Hindi siya tumigil sa kakatawa kaya napataas na ang kilay ko.

"Sino nga ba talaga ang umaasa sa atin, Maxine? Hindi ba nasabi sayo ni Maximo kung bakit siya pumunta ng ibang bansa? One year siyang namalagi roon hanggang sa pumasok siya sa Hollywood. Bakit nga kaya?" nagtatanong niyang saad pero halata mong gustong gusto niya ako asarin. I won't give her a damn, satisfaction!

Naalala ko na nasabi sa akin ni Maximo na may hinahanap siya roon. A girl! Nihindi niya pa nabanggit sa akin kung sino ang taong iyon.

"He's finding someone, right?" halos mapasinghap ako sa sinabi niya. Alam niya! May alam siya!

Pinanliitan ko siya ng mata. Ano ang gusto niyang sabihin? Mukhang siguradong sigurado pa siya sa mga sinasabi niya sa akin.

"He's looking for who, Maxine? He's looking for a girl!" she's so damn,right! I hate it but she's right!

"Hindi ko alam na may pagkachismosa ka pala." naiiling na sambit ko.

"Hindi iyon chismiss. Katotohanan iyon, Maxine. He's looking for me! We were separated back then! He looked for me in the States because he knew that I went there for my father! So, who is now having a false hope? Who's hallucinating now?"

Kumuyom ang aking panga sa sobrang galit. How dare her! Alam ko ang nilalaro niya! Gusto niya akong magalit. Iyon na ngayon ang nararamdaman ko, hindi ko na mapigilan ang galit ko. Gusto ko na siyang sabunutan sa sobrang inis na nararamdaman ko.

Halos lahat ng sinasabi niya ay tumutugma noong bago kami magkita ni Maximo. I remembered that Auntie Carina told me that he was broken back then! He was broken hearted when we met each other.

I don't want to conclude! I want to trust Maximo's love for me. Am I just a rebond? But he told me that he loves me, right? He loves me!

"Yeah. Keep on believing yourself that he's choosing you but the truth is, from the start he can't choose you. Ginagawa ka lang niyang libangan Maxine. Ikaw lang kasi ang babaeng pwede niyang mahalin na may challenge. Iyong gagawa siya ng paraan para mapagtanggol ka. Ganoon naman talaga ang mga lalaki e."

"Ako ang sineseryoso! You are just a toy. Panira ka lang sa lovestory namin, Maxine. Kumbaga sa pelikula ikaw lang iyong extra. He's there for you when he's free but will let you go when he's going down."

Inirapan ko lahat ng masasakit na salita na isinasaad ng demonitang babae na nasa harapan ko. Hindi dapat ako magpaapekto sa kanya. I know she's doing this para masira kami ni Maximo. I need to talk to him as soon as possible.

Huminga ako ng malalim bago magsalita.

"Don't stoop low Yna. You don't need to make stories just to make me feel that I am not Maximo's girl. I bet you, I may not be Maximo's girl but I will be his wife!"

Nginisian ako ni Yna bago inilapit ang kanyang mukha sa akin at bumulong.

"Dream on!" saad niya at umalis na.

Doon ko lang ata naramdaman ang aking panginginig nang makaalis na siya. Maraming mga tanong ang nasa utak. Baliwalain ko man ang kanyang mga sinabi pero tumatagos ito sa akin. Gusto kong makausap si Maximo. Maraming katanungan na gusto kong masagot niya.

Kanina habang nag-uusap kami ni Yna ay mukhang siguradong sigurado siya. She's too confident to say those things to me! I am so sacred that, it maybe true! What if Maximo just wants me because I am his challenge? Yna was so damn, good connector! Lahat ng sinabi niya sumasakto sa lahat ng pangyayari sa amin ni Maximo. Marami siyang alam!

I hate it! I hate how affected I am with her words!

It Had To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon