It is my third year in college now. Marami akong naging bagong kaibigan dito sa ESU. Mabuti na lang approachable ang mga tao rito kaya madali akong makacope sa ibang tao.
"Maxi! Hey! Let's go! We won't see the shooting of Angelina Jolie! Turtle!" sabi ng kaibigan kong si Tina. Lagi niya akong sinasabihang turtle kasi sobrang bagal ko talagang kumilos.
"Wait up Tina!" napailing lang si Tina sa akin. Siguro nasanay na siya sa kabagalan ko.
Sobra kong namimiss sila Chikee, Macy at Vic. Minsan na lang kami kung magchat lalo na ngayon sobrang busy sila sa kani-kanilang school. Si Vic ay gumraduate na kasi tri-sem sa school niya. Ang totoo niyan ay dito na rin siya. Kasama ko siya ngayon, nagtatrabaho siya sa isang kompanya rito.
Noong umalis ako ng Pilipinas, sobrang nagkaiyakan kaming lahat. Nagkaroon pa nga kami ng sleepover sa bahay namin ng one week kasi gusto raw nila masulit ang makasama ako.
Naging mahirap ang una kong linggo rito dahil sobrang iba ang timezone mula sa Pilipinas. Iyong hindi ka pa inaantok pero kailangan mo ng matulog kasi baka antukin ka kinabukasan. Ako lang din ang mag-isa rito sa California, wala akong kasamang katulong na kinagawian ko. Hindi rin sumama sila Mommy & Daddy, hinatid lang nila ako pagkatapos ay umuwi rin sa Pilipinas.
Marami akong nabalitaan mula kila Chikee ang nangyari kay Maximo. Lalo pa raw umangat ang kasikatan ni Maximo. Nangunguna raw sa rating ang teleserye ni Maximo. Nakakatuwa. Sabi naman ni Macy, noong one week na pagkaalis ko ay naglaunch siya ng album na gawa niya mismo. Ang pangalan daw ng album ay Distance. Noong malaman ko iyon ay hindi na ako mapakali at nagpabili na ako kila Chikee at pinadala rito.
Baby, I wish you're here right next to me,.
But you're miles and miles away from me,
Your sweet voice on the phone,
Brings sweet melody to my ears,
I could spend my day just listening to it,
Time will come the day we'll be together again,
And all the waiting will be worth it for sure,
Maybe I thought for once that you and I will never work,
But I am holding on to your heart over a pleasure to meet,
I am surrounded by ones that are closer,
But all I can see is you,
Staring smiling at me,
I would never break this promise,
Until the day you say don't bother coz you found another,
I never thought we'll be stronger.
From sunlight to moonlight.
Everyday I long for your touch and kiss,
Only in my dreams I could get closer to you anytime,
Coz there I can fly for free.
Why oh why do I have to be so far away,
But for someone like you I'm willing to stay,
Maybe I thought for once that could find another you,
But as you see I was wrong cause there is no one like you,"Is that Distance again? Your favourite song!" sarkastikong sabi ni Tina
"You don't care!" inis kong sabi sa kanya kaya tinawanan lang niya ako.
Nasa isang shooting site kami ni Angelina Jolie. Paboritong artista kasi ni Tina si Angelina Jolie, syempre kasama na rin ako roon.
Maraming tao ang nakaabang sa kanya, naaalala ko tuloy ang mga panahon na pinupuntahan ko si Maximo sa mga shootings niya.
"Look Maxine! Look!" tinignan ko ang tinuturo ni Tina. Napakunot ang noo ko sa sinasabi niya kasi naman akala ko nanjan na si Angelina Jolie.
"You are overreacting Tina!"
"Look Maxine! The director is pointing towards us! Look!" hysterical niyang hayad. Tama nga siya nakaturo banda sa amin ang director.
Inalog alog ni Tina ang aking balikat dahil papalapit na sa amin ang director. Nakangiti siya sa amin habang papalapit.
"Good morning ladies!" bati sa amin ng director.
"I am director Joel" dagdag niya. Binati naman siya ng mga taong nandoon. Napasinghap ako noong tinignan niya ako. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik. Para akong na-offend sa ginawa niya pero nawala iyon nang magsalita.
Kasabay noon ang pag-alok niya sa akin ng role bilang makakasama ni Angelina Jolie sa isang scene. Noong una ay sobra akong kinabahan dahil hindi naman ako ganun kagaling umakting. Nasa modelling naman ako, mabuti na nga lang may branch ang Modellete rito sa ibang bansa.
Mejo marami rami rin ang scene ko. Noong makita ko si Angelina Jolie, napanganga ako sa sobrang paghanga sa kanya. Hindi ko akalain na sobrang ganda niya pala sa personal. Nakakatuwa ang role ko rito sa movie, naging isa ako sa tutulong kay Angelina Jolie para sa paghahanap ng kayamanan.
Si Tina naman ay hindi umalis sa tabi ko. Nakikinuod pa rin siya, siya ang naging instant number 1 fan ko. Pigil na pigil ang mga hiyaw ni Tina, halatang gustong gusto niyang lakasan pa lalo ito.
Nakakatuwa pala talagang maging artista pero nakakapagod. Hindi ordinaryong trabaho ang pagiging artista.
Pagkatapos ng shooting ay nakangiting sinalubong ako ni Tina. Tuwang tuwa siyang lumapit sa akin. Sabay kaming lumapit kay Angelina Jolie para makapagpapicture. Kitang kita na hindi mapalagay si Tina dahil sa wakas ay nakausap na niya si Angelina Jolie.
Nagulat ako noong biglang hinawakan ni Direk Joel ang siko ko. Nakangiti siyang tumingin sa akin kaya sinuklian ko siya ng ngiti rin.
"What's your name?" tanong niya sa akin. Tinuro ko pa ang sarili ko at tinignan ang paligid para makasiguro na totoo ang ako ang kinausap niya. Napatawa siya sa ginawa ko kaya dahil ganun namula ako.
"I'm Maxine"nahihiya kong sabi
"Don't be shy Maxine. Well, what's your full name? Full name dear" nakangiting sabi niya
"Maxine Alexandra Smith"
"I knew it, I can't be wrong from choosing you! You are a great actress" papuri niya sa akin.
"Really? Thank you direk!" hindi ko makapaniwalang saad sa kanya
"From now on you will be called Alexandra Smith or Alexa for short!" nakangiting saad niya. Napanganga ako sa sinabi niya. Ibig bang sabihin noon ay magiging artista na rin ako?
"OMYGOSH MAXI!" hysterical na sigaw ni Tina
"It's Alexa, Miss!" nakangiting sabi ni Direk Joel sa akin.
Doon nag-umpisa ang pagiging artista ko, that was four years ago. Mabuti na lang hindi pa ako ganun kasikat dahil kung hindi ay baka hindi ko natapos ang kurso kong culinary. Noong una kong sinabi iyon kila Daddy ay hindi pumayag si Daddy pero si Mommy ay tuwang tuwa siya para sa akin. Napapapayag ko lang si daddy noong nakipagpustahan ako sa grades ko. Kung mataas ang makukuha ko, papayagan niya ako.
Maraming tao ang nanuod noong movie ni Angelina Jolie, laking tuwa ni Direk Joel dahil agad akong napansin ng mga tao. It was all over the twitter and facebook as well as the youtube, laking katanungan kung sino ako o ano ang pangalan ko. Dahil doon, pumatok ako sa masa lalo na noong una nila akong tinawag na Mystery girl. Halos lahat ay inabangan ako ang pagpapakilala ko sa mga tao. Nakakatuwa dahil noong nagpakilala na ako ay nagboom ang career ko. lalo akong pinagkaguluhan ng mga tao.
I am celebrating now my fourth year in the industry. Marami na akong mga movie na nagawa, mapa-extra man doon o maging bida sa isang pelikula. Ang nakakaproud lang ay iyong mga movie ko talaga ay madalas number 1. Isa rin sa opportunity na natanggap ay naging kasama ko ang mga mas matagal na sa akin sa Hollywood na ka-age ko lang, tinuturing kaming prinsesa ng Hollywood dahil kami ngayon ang mas patok sa tao. Kabilang doon sila Jerry, Keena at Mikki, kami ay tinatawag na Temptress kaya dahil doon ay binansagan na nila akong "The Hottest Temptress of Hollywood at The Princess of Hollywood Movies".
![](https://img.wattpad.com/cover/49417576-288-k121856.jpg)
BINABASA MO ANG
It Had To Be You
FanfictieIsang kalokohan nga lang ba ang pangarapin na makasama habang buhay ang iniidolo mong artista. Alam mo sa sarili mong hindi mo siya maabot dahil malayo ang buhay niyong dalawa. Isa ka lang karaniwang tao pero siya maraming humahanga sa kanya. Subayb...