Ilang araw na nga ba ako hindi makatulog nang dahil kay Maximo. Simula pa lang ng pagdating niya, hindi na ako makatulog ng maayos. Lalo lang ito lumala ngayon, simula pa lang sa una ay alam na niya na ako si Maxine. Marami ng tao ang nalilinlang ko sa itsura kong ito ngayon. Even my parents! Hindi nila inaasahan na magiging ganito ako.
Napatayo ako dahil sa biglang paghampas ni Gem sa lamesa na nasa harap ko. Nasa condo ako ngayon, mamaya pa ang next schedule ko. Good thing hindi pa ko makikita ngayon si Maximo. Makakapagpahinga muna ang puso ko sa kanya.
"Maxine" malungkot niyang tawag sa akin
"Why? What's the problem?"
"Hmm. I am.. shit! I am pregnant" napapapikit niyang saad sa akin. Napatayo ako dahil sa gulat pero agad ko rin siyang inalalayan dahil sa paghagulgol niya
"Omygosh! Paano nangyari yun?" Fuck Maxine! Itatanong mo ba talaga kung paano nila ginawa yun?
"Good thing you asked! I don't know Max! I was drunk! I knew I kissed someone that time. I was in a bed but when I woke I am completely dressed. That's is why I am fucking confused!" gusto ko mang matawa sa iniiyak ng bestfriend ko ngayon pero hindi iyon ang kailangan niya.
"Listen, we will find the father of your child. If he doesn't accept his child then we will raise him/her!" napatango siya sa sinabi ko at tumahan na. Kumuha ako ng tubig at ibinigay sa kanya iyon.
"But wait! Who is the father of your child?" napapataas na kilay kong sabi
Napasapo siya sa kanyang noo na ikinatawa ko na. Don't tell me hindi niya kilala iyong malanding lalaking iyon.
Marami kaming pinagkukwentuhan ni Gem. Nag-enjoy talaga ako sa bonding namin, nanuod lang kami ng mga nakakaiyak na movies. Simula ngayon, dito na titira si Gem para maalagaan ko siya. Naghire na rin ako ng nurse para sa kanya. Sabi pa nga niya ay hindi niya kailangan yun pero pinilit ko lang iyon.
Natigil ang bonding namin noong may nagdoorbell. Tatayo na sana si Gem pero pinigilan ko na lang siya. Dahan dahan kong binuksan ang pinto, napaatras ako nang makita ko ang taong nakatayo sa labas ng pinto. Ngiting ngiti siyang nakatingin sa akin, may dala siyang bulaklak.
"w—what are you doing here?" nauutal kong sabi
"I just want to ask you out" sabi niya sabay lahad ng bulaklak
"Christian, uhm. Thank you" tinanggap ko ang bulaklak na ibinigay ni Christian
Binuksan ko ang pinto ng condo ko para makapasok siya. Tinanguan niya ako pagkatapos ay pumasok, sumunod lang ako at itinuro ang upuan.
"So, can I ask you out for a date?" napakamot ako sa batok dahil nag-aalinlangan ako na tanggihan siya.
"Ano kasi.. I am n..." hindi ko na natapos ang pag-eexplain dahil sa biglang pagsulpot ni Gem
"Maxine, bakit ba ang tagal mo?" inis na sabi ni Gem
Napaatras si Gem dahil sa hiya. Napakagat siya ng labi nang mapagtanto na may bisita pala kami. Napakamot ako sa noo ko dahil sa inggay ng bunganga ni Gem.
"Ooops! Sorry. Americano ba siya?" nanlalaking tanong ni Gem, pinagtaasan ko siya ng kilay dahil sa kahihiyan
"My Bad! Uhm. Sorry. I didn't mean to interrupt the both of you"
"It's okay. I am just asking Alexa out" napapataas ang kilay ni Gem dahil sa sinabi ni Christian. Pinanlakihan ko ng mata si Gem dahil sa reaksyon niya.
"I can't Chrisitan because I am going to take care of my friend. She's pregnant." nakangiting saad ko kay Christian. Tinanguan niya ako bilang pagsasabi na naiintindihan niya pero bigla na namang sumabat si Gem.
"Ano ka ba naman, Max! it's okay Christian, you can take her out. I'm okay Max, you don't have to worry about me."
Napabuga ako ng hinga pero tinanguan ko na rin si Christian. Nagmadali na akong maghanap ng damit para sa so called date namin ni Christian. Maybe, ito na ang official first and last date naming dalawa. Ayaw ko siyang paasahin.
Inirapan ko si Gem dahil sa pagkakangising aso niya. Binato ko siya ng unan para malaman niyang naiinis talaga ako sa kanya. Humagalpak lang siya ng tawa kaya lumabas na lang ako sa kwarto.
Nginitian ko si Christian para sabihan na pwede na kaming umalis dalawa. Ipinagbuksan niya ako ng pintuan ng condo. Pinauna niya ako sa pagpasok ng elevator.
Naunang naglakad si Christian sa akin palabas ng elevator. Napapikit ako ng mabunggo ako sa dibdib ng isang tao. Napahawak ako sa noo ko dahil sa sakit ng pagkaka-untog ko.
Dahan dahan kong tinignan ng masama ang taong nabunggo ko. Halos malaglag ang panga ko, nang malaman ko kung sino ang taong nasa harap ko.
"Maximo" mahinang bulong ko
"You really love to bump into someone huh" natatawa pero seryosong saad ni Maximo
Napapikit ako dahil sa sinabi niya lalo lang ito nadagdagan nang humalaklak siya. Gusto ko siyang hampasin ng maraming beses pero hindi ko iyon gagawin.
Umigting lang ang panga ko sa kanya sa sobrang inis ko. Tumaas naman ang kilay niya noong mapansin niya ang ginawa ko.
"Alexa" nagulantang ako noong may tumawag sa akin.
Bumungad sa akin ang nakakunot na noo ni Christian. Napalunok ako ng maraming beses dahil nakalimutan ko agad na kasama ko pala siya.
Tinanguan ni Christian si Maximo at mukhang ganun din ang ginawa ni Maximo sa kanya.
"Let's go?" yaya niya sa akin.
Huminga muna ako ng malalim bago ako naglakad ng dahan dahan papunta sa kanya. Natigil lang ako noong may humawak ng kamay ko. hinarap ko si Maximo, laking gulat ko na noong humarap siya sa akin. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata.
"Please don't leave me" gusto kong umiyak dahil sa sinabi niya. What the fuck Maximo!
BINABASA MO ANG
It Had To Be You
FanfictionIsang kalokohan nga lang ba ang pangarapin na makasama habang buhay ang iniidolo mong artista. Alam mo sa sarili mong hindi mo siya maabot dahil malayo ang buhay niyong dalawa. Isa ka lang karaniwang tao pero siya maraming humahanga sa kanya. Subayb...