Trisha
Done.
Walang siglang sabi ni Trisha sa sarili pagkatapos ilagay sa maleta ang kahuli-hulihang damit na isinama niya sa pag-e-empake. Patungo silang magkapatid sa probinsya ng mommy nila.
How she hated that place. Malayo sa kabayanan at limitado lang ang supply ng kuryente. Sa umaga hindi maaaring manood ng telebisyon nang higit sa 2 oras at sa gabi bago mag-ala sais ay nakakain na dapat ng hapunan dahil bandang ala syete ay mawawala na ulit ang kuryente.
Mabagal and oras doon. Walang cable, walang internet at air con. Wala ding mga mall. Walang 7/11 at kahit na anumang grocery store kaya tiyaga siyang bumili sa maliliit na tindahan.
Boring ang buhay doon. And the fact na alam iyon ng mommy nila ay hindi man lang ito naawa sa kanilang magkapatid gayong alam at batid nitong sanay sila techie na pamumuhay.
How she hated her mom for that.
Hindi naman sila kailangang ipatapon nito doon dahil lamang sa pansarili nitong interest.
Sana, hindi na lang nawala ang dad niya.
She loved her dad so much. Certified Daddy's Girl siya. At proud siya doon. Her mother even complained na masyado siyang ini-spoiled ng dad niya. Na tinatawanan lang ng dad niya noon kaya nag-aaway ang mga ito.
6 years, ganoon na pala katagal na wala na ang dad niya. Inagaw ng isang masaklap na car accident ang buhay ng kanyang pinakamamahal na ama sa kanya.
Pinahid niya ang naglandas na luha sa kanyang mga mata. Na mimiss na niya ang dad niya. Ngunit hindi na niya maalala ang mukha nito. Naiwan na lang sa puso niya ang pamamanglaw dito at pagmamahal na ginugol niya para dito. Idagdag pa ang pagmuhi sa dahilan ng aksidenteng kumitil dito.
Marahang katok sa pinto ng kanyang silid ang nagpabalik sa kanyang diwa. Pumasok ang mom niya kahit hindi niya pinapahintulutan.
"Tapos ka na ba mag-empake Trisha?"
Pinigil niya ang sariling singhalan ang sariling ina. Humarap siya dito na walang bahid ng anumang emosyon. Natuto na siyang kontrolin ang emosyon at maging matigas sa harap ng ina.
Hindi na siya ang 12 years old na si Trisha na parating umiiyak dahil sa pagpanaw ng kanyang daddy. Eighteen years old na siya at konting tiis pa, makakalaya na rin siya sa kamay ng sariling ina.
"I'm ready."walang emosyong sabi niya. Kung ang mga kaibigan niya ay excited sa bakasyon siya naman ay halos isumpa ang 2 buwan na iyon.
Matatali siya sa malawak na kabukiran at sa pakikisama sa makulit niyang kapatid.
"Good. Kanina pa naghihintay ang van sa labas."imporma nang kanyang mommy. Lumabas ito ng silid niya at nahihinuha niyang pupuntahan nito sa kabilang silid ang bunso niyang kapatid upang itsek kung ready na din ito tulad niya.
Pagkalipas ng mahigit labinlimang minuto na bilin ay pinakawalan na sila ng ina.
Naunang pumasok sa loob ng van ang kapatid niya. Papasok na siya ng pigilan siya ng ina sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang braso.
"I love you.."sabi nito. Nababanaag ang lungkot sa abuhing mga mata nito ngunit hindi noon natibag ang pagkamuhi niya dito.
"I hate you."mariing sabi niya bago mabilis na pumasok sa loob ng van na maghahatid sa kanila ng kapatid niya sa napakalayo na probinsya.....