Chapter 8

10.1K 197 5
                                    

Trisha

Pagkapasok palang ng tricycle sa malawak na solar ng bahay ni Lola Tilde ay kaagad siyang bumaba.

Napagod siya sa biyahe idagdag pa ang ginagawang pagsulyap ni Kevin sa kanya ng kakaiba.

May mali kay Kevin. Kasing mali ng pagdating nito sa buhay nila noon.

Lakad-takbo siya patungo sa pinto ng antigong bahay. Papihit na siya sa doorknob ng mahigit ni Kevin ang braso niya.

"Hindi mo ako habambuhay matatakbuhan Trish."galit na sabi nito.

Kumunot ang noo niya. Ano bang gusto nitong ipahiwatig?

Binitawan nito ang braso niya pero masama pa din ang tingin sa kanya.

Wala siyang matandaang ginawang masama dito. Ito pa nga ang may malaking kasalanan sa kanya-sa pamilya niya. Inagaw nito ang mommy niya at...

Mariin niyang pinikit ang mga mata para huwag hayaang umalpas ang nagbabanta niyang pagluha. Hindi siya kailanman iiyak sa harap ni Kevin.

"I hate you."mahina ngunit mariing sabi niya.

"Hate me Trish but you cannot hate me forever."he said in his husky voice.

Alam niya. Napapagod na din siyang magalit dito. Dumating na sa puntong hinayaan niya na lang ang existence nito sa buhay nilang mag-ina. Pero hindi ibig sabihin noon ay mapapatawad niya ang mga ito o di kaya'y makakalimutan ang kasalanan sa kaniya at sa kaniyang dad.

Iminulat niya ang mga Mata at nahuling mataman itong nakakatitig sa kanya.

Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Kevin. Tinangka nitong hawakan ang pisngi niya ngunit suminghal siya.

"Don't touch me."

Nasaktan ito base sa itsura nito pero matigas na ang puso niya para mabahala nang dahil doon.

"I will make you love me Trish." determinadong sabi nito. Halatang nahihirapan din sa sitwasyon nila.

"Not in this lifetime Kevin."patuyang sabi niya dito.










That Summer Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon