Chapter 56

6.8K 124 1
                                    

Trisha

Mabilis lang lumipas ang nalalabing araw ng bakasyon. Pasukan na ulit kaya ibig sabihin nakabalik na si Kevin.

Ilang gabi niyang tahimik na iniyakan ang paghihiwalay nila ng binata noong bagong dating sila ng mom niya dito sa Manila ngunit nakarecover na rin siya ng mga sumunod na araw.

Wala na siyang nararamdamang kahit ano kahit ng magkita sila ni Kevin ng unang araw na bumalik ito.

Lampasan lang ang tingin niya.

Hindi rin naman siya nito kinakausap o nagtatangkang lapitan. Tulad din ng dati pag nasa bahay siya ay nagkukulong lang siya sa kwarto niya.

Si Kevin naman ay umuuwi lang sa bahay kapag sigurado itong nasa bahay na din ang mom nila.

Ganoon ng ganoon ang routine nila.

Sa school naman, gaya ng dati ay tahimik lang siya. Wala pa ding kaibigan o kakwentuhang kaklase. Doon na siya nasanay kaya di na siya nag-abala pa na makisama.

May isa nga lang siyang problema. Kinukulit siya ni Dustin. Kaklase niya ito at panay ang sunod sa kanya at nagdeklarang nanliligaw.

Wala ng appeal sa kanya ang salitang pag-ibig kahit pa gwapo ito at sikat. Nagising na siya na walang fairy tale at happy ending.

Dahil sa lalaki, dumami ang galit sa kanyang mga babae dahil daw inakit niya ang Campus Heartthrob nila. Hindi na lang siya nag-aabalang pansinin ang mga ito.

Natapos ang klase ng tumunog ang bell. Iniligpit niya ang mga gamit at ibinalik sa loob ng bag. Akmang kukunin niya na ang mga libro ng mabilis na damputin iyon ni Dustin.

"Sabay na tayong kumain Trisha."yakag nito sa kanya na pa-charming ang ngiti.

Kumukulo ang dugong tinapunan niya ito ng tingin. Hindi niya ito gusto kaya sa pagnanais niyang iwan ito ay tumakbo siya palabas ng classroom.

Nakipagsiksikan siya sa madaming buhos ng estudyante bago naglakad palabas ng campus saka pumara ng jeep.

Sa mall siya bumaba. Naglibot siya sa buong mall hanggang mapadpad siya sa arcade. Natukso siyang maglaro ng basketball para maibsan ang stress niya ngunit napaatras ng masilayan niya doon si Kevin. Nagshu-shoot ito ng bola habang tsine-cheer ng babaeng napipiho niyang kaklase o kaschoolmate nito dahil kapareho ng kulay nang school uniform.

Magkaiba sila ng pinapasukan ng eskwelahan ni Kevin.

Sandali siyang natulala bago umismid ng makitang pinunasan ng babae ang pawis sa noo ni Kevin.

She gritted her teeth.

Playboy! Asshole!

Asik niya sa isip ng mga salitang tumutugma kay Kevin.

Tumalikod siya at lumabas ng arcade.

Peste! Ang dami namang pwedeng masaksihan ay ang pakikipaglampungan pa ni Kevin sa iba.

Lalo tuloy nabuo sa isip niya na pinaglaruan lang siya nito. At dahil bumigay siya, siya ang tanga at kawawa.

That Summer Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon