Trisha
Shocked. Ang initial reaction niya sa ginawa ni Kevin.
Hindi niya maiwasang tanungin ang sarili kung sinadya iyon ni Kevin para asarin/inisin/galitin siya.
Pero sobra naman si Kevin para gawin iyon sa kanya.
Bitbit ang kulay pink na tote bag ay binagtas niya ang daan patungo sa balon. Hindi maalat ang tubig doon kaya iniigib upang ipambanlaw sa katawang lumubog sa tubig dagat.
Magbabayad na lang siya sa mga bantay doon para ipagsalok siya ng tubig. At kahit labag sa loob niya ay gagamitin niya ang liguan na yari sa dahon ng niyog at walang bubong.
Mag-iingat na lang siyang huwag masilipan. Iyon ang rason kung bakit ayaw niyang maligo dito pero hindi naman siya tatagal na may natutuyong asin sa katawan.
Nakakailang hakbang pa lang siya mula sa cottage ng balabalan siya ng tuwalya ni Kevin.
"Hindi ka dapat nagpapakakad-lakad nang ganyan ang itsura mo."sabi nito.
Sinipat niya ang sarili para malaman kung anong tinutukoy ni Kevin. Nakaputing damit siya at dahil nabasa siya ay aninag ang suot niyang itim na bra.
Pero kanino bang kasalanan iyon?
Saka nasa beach sila. Sina Vanna nga at mga kaibigan nito ay nakaswimsuit. Ang mga lalaki naman ay nakashorts o di kaya'y nakasuot ng trunks. Habang ang iba ay nakasuot ng mga t-shirts. So what's wrong with her clothes?
Naiimbyerna siya kay Kevin kaya dapat lumayu-layo na muna ito sa kanya.
Sinabayan siya nito sa mabagal na paglalakad hanggang sa makarating sila sa balon. Ibinili siya nito ng tubig. 4 na gallon.
Binantayan din siya nito habang nagbabanlaw siya. At sa buong durasyon na iyon ay nagwawala ang puso niya.Mabilis lang ang ginawa niyang pagbabanlaw. Tinanong niya ito kung magbabanlaw na ba ito ngunit sumagot ito ng hindi pa.
Walang kibo ulit silang naglakad ngunit ng nasa bandang malapit na sa cottage nila ay bigla itong nagsalita.
"Trish iyong kanina-"
"Huwag ka nang magsalita."mariing utos niya. Ayaw niyang makarinig ng kahit na ano tungkol doon. Inilagay niya ang hintuturo sa tapat ng labi ni Kevin para patahimikin ito ngunit narealize niyang malaking pagkakamali iyon ng ngumisi ito.
Nanlaki ang mga mata niya ng isubo ni Kevin ang hintuturo niya at kagatin ng magaan.
Nanginginig ang tuhod niya ng bawiin sa bibig ni Kevin ang daliri niya bago nanakbo palayo dito.
$hit, Kevin!