Vanna
Maarte niyang tinanggihan ang inaalok na sinigwelas ni Jess sa kanya dahil sa simpleng rason, hindi ito naghugas ng kamay bago kumuha ng prutas sa bowl at iabot sa kanya.
Eww. Dirty!
"Pasosi ka talaga Vanna."buska sa kanya ni Cole. Kasing tanda ito ni Kevin ngunit dahil panganay ang Tatay nito sa galangan ay feeling nito mas matanda ito sa kanila and in authority.
Mayabang ang pinsan nilang ito. Hindi niya nga ito kasundo dahil parati siya nitong sinosopla.
"Nag-iingat lang."sabi niya sabay bato dito ng magazine. Umilag ito at hindi niya inaasahang tatama iyon sa braso ni Kevin na kanina pa tulala.
Hindi niya alam kung bakit tahimik kanina pa ang pinsan nilang ito.
Dati naman kapag dinayo ito ni Cole ay parang nakawala sa hawla ang mga ito dahil sa ingay.
"Sorry Kevin."hingi niya ng paumanhin na hindi nito pansin.
"Lagot ka."pananakot ni Cole. Dinukwang nito sa sahig ang inihagis niyang magazine bago binuklat-buklat. "Yuck Vanna, puro hubad na lalaki ito."
"Akin na nga iyan!"agaw niya sa magazine na ibinigay naman nito ng walang pag-aalinlangan.
"Ang bata mo pa pero hubad ng katawan ng lalaki ang inaatupag mo."buska nito sa kanya na tinawanan ni Jess.
Siningkitan niya ng mata ang singkit niyang pinsan. Kolokoy ang lihim niyang bansag dito. "At least ako ina-appreciate ko ang body ng boys in artistic manner. Art ito Cole."giit niya. Normal lang naman na tumingin siya sa magazine na may male model ng pantalon. Pantalon nga ang minomodel kaya bakit kailangan ng damit pang-itaas?
"Sus kunwari ka pa art, if I know naglalaway ka lang."tukso nito sa kanya na ikinainis niya.
"Hoy Cole ako tumitingin lang. Malay ba natin kung iyong iba diyang kakilala natin ay hindi tingin lang ang ginagawa!"asik niya dito.
She flips her hair. Kainis itong Cole na ito.
"Aber anong ginagawa?"hamon nito.
"Alam mo na iyon."mabilis niyang sagot.
"Paano ko malalaman kung hindi ko nage-gets sinasabi mo?"
"Hoy, kayong dalawa tama na iyan bago pa kayo humantong sa kung saang usapan."saway sa kanila ni Jess.
"Naku wala pala itong si Vanna. Panay lang satsat pero takot naman."
"Aba't."pikon niyang sabi.
"Buti pa si Trish, maganda na, demure pa."sabi ni Cole na nagpakulo ng dugo niya.
Ayaw na ayaw niyang ikinukumpara sa Pinsan. Oo nga't hamak na mas maganda ang mukha nito sa kanya pero masama naman ang ugali.
"Demure? Paano ka nakasiguro na hindi siya tumitingin sa magazine ng hubad na katawan ng lalaki? Baka nga kung kani-kanino na siyang lalaki nagpahalik at nagpagalaw. Expert na kumbaga." sabi niya.
Nanlaki ang mga mata niya ng biglang nasa harapan niya na si Kevin at hinihigit nito ang neckline niya.
"Oops Kevin."awat ni Jess dito.
Madilim ang mukha ni Kevin at nasasalamin sa mga mata nito ang matinding galit sa kanya.
"N-nasasaktan ako Kevin."sabi niya. Pahila kasi ang gawa nito sa damit niya.
"Bawiin mo ang sinabi mo kay Trish!"dumadagundong na utos nito.
"Kevin, nagbibiro lang si Vanna."ani Cole na sinubukang pakalmahin ito.
"Biro? Hindi biro ang pagbibitiw ng ganoong salita lalo na't walang basehan!"
Naiiyak na siya sa takot kay Kevin.
Napahikbi siya ng bumalik sa mukha niya ang galit nitong mga mata. "Bawiin mo Vanna!"malakas na utos nito.
"Sorry na!"umiiyak niyang sabi.
"I said, bawiin mo ang sinabi mong masama tungkol kay Trish."namumula ang mukha nito sa galit.
Pandalas ang lunok niya. Ngayon niya lang nakitang bumangis ang anyo nito. Sobrang bangis na parang gustung-gusto siyang sakmalin at patayin.
"H-hindi masamang babae si Trisha.."naiiyak niyang sabi habang may katal sa tinig.
Umalun-alon ang dibdib ni Kevin na waring kinakalma ang sarili. Nakahinga siya ng maluwag nang bitawan siya nito.
"Sorry."mahinang usal nito sa kanya bago tumalikod at inihilamos ang palad sa mukha.
"Ayos ka lang?"tanong sa kanya ni Jess. Nagpunas siya ng mukha habang si Cole naman ay nakasunod ang tingin kay Kevin na sumandal sa pader at bahagyang nakatingala at tahimik na umiiyak.
"Problema niya?"mahinang tanong ni Cole.
Umiling lang si Jess dahil tulad niya ay wala din itong ideya.
Nagkatinginan silang tatlo.
Yumugyog ang balikat nito kaya nabahala sila.
"May masakit ba sa iyo?"nananatiyang tanong ni Jess. Nilapitan nito si Kevin.
Piniga nito ang tapat ng puso kaya nagkatinginan sila ni Cole.
Brokenhearted! Sabay nilang sabi na walang tunog.