Trisha
"Ano ba Kevin?"singhal niya sa kapatid nang lumaglag ang ulo nito sa balikat niya. Alam niyang natutulog ang kapatid pero wala siyang pakialam. She stopped caring for everyone.
Bakit kailangan niyang pakisamahan ang kapatid na siyang -
"Trish?"naalimpungatang sabi nito. Iniiwas niya ang mga mata ng subukan nitong makipag-eye contact.
"Lumayo ka nga. Ang daming bakanteng upuan bakit tumabi ka pa sa akin?"galit niyang sita. Natulog siyang siya lang ang nasa upuang iyon dahil nasa tabi ng driver si Kevin na abala sa pakikipag-usap sa cellphone. At nagising siyang katabi ang damuho.
"Galit ka ba?"masuyong tanong nito.
Oo! Gusto niya sanang sabihin pero balewala lang iyon. Sa halip na ituloy ang pakikipag-usap sa kapatid ay nagdecide siyang kunin ang earphone sa bulsa ng bag niya at isaksak iyon sa taenga niya. Mabuti pang makinig siya ng music na nasa cellphone niya kaysa mag-aksaya ng oras dito.
Napapiksi siya ng hawakan ni Kevin ang baba niya at iharap siya nito dito.
"What?!"singhal niya.
"Do you hate me Trish?"direktang tanong nito. Kakaiba ang mukha ni Kevin kaysa sa mga ordinaryong mukha nito kapag nasa bahay lang sila na isip bata. Immature ito at spoiled sa mommy nila pero ang Kevin ngayon ay seryoso at medyo nakakatakot?
"Tss."sabi niya. Tinabig niya ang kamay nito na nakahawak sa kanya. Hindi naman ito nagtangkang hawakan siya ulit.
"Ayaw mo man akong makasama but you still stuck with me Trish. "
Yeah right. I'm stucked with you this whole summer.