Chapter 22

8.5K 140 2
                                    

Trisha

Ngayon lang siya nakarating sa basketball court na malapit sa bahay nila Jasmin. Mukhang inaabangan ang laro dahil maraming miron.

Napansin niyang madaming kadalagahan ang naroroon at kanya-kanyang tingin sa mga mukha ng mga lalaking player.

Tulad ni Jasmin, maganda din ang mukha ng 2 kuya nito. Gwapo at matatangkad. Pero nataob ang mga ito ng tumabi kay Kevin.

Kaya ang mga kadalagahan ay panay ang pa-cute kay Kevin dahil ito ang pinakagwapo sa lahat ng player.

Nagpa-condition muna ang lahat ng manlalaro sa pamamagitan ng stretching habang pinapanood ng lahat ng miron.

Nang matapos ang conditioning ay isa-isa nang tinawag ng tumatayong announcer ang pangalan ng mga players. Nauna ang kalabang team tawagin.

"Hey Trish,"ani sa kanya ni Kevin ng bigla itong sumulpot sa harapan niya.

Nakaupo siya sa sementadong bench at nagtataka siya kung bakit walang tumatabi sa kanya ngayong mahaba iyon. Pero mas okay ngang wala dahil ayaw niya ng masyadong maingay.

"Bakit ka nandito?"inis niyang tanong. Napansin niyang pinagtitinginan sila ng mga kababaihan na kanina pa malagkit ang tingin sa kapatid niya.

"I'll claim my prize later."siguradong sabi nito.

"Anong prize?"taka niyang tanong. Wala namang prize sa mananalong team. Friendly game lang daw ito sabi ng announcer. Saka bakit sure na sure si Kevin na mananalo ito?Yabang talaga.

Inilapit nito ang bibig sa tenga niya at bumulong. "Your lips, Trish."

Namilog ang mga mata niya sa narinig. Literal na bumilis ang tibok ng puso niya. Pakiwari niya din ay nag-init ang mukha niya.
Ano bang iniisip ni Kevin? Lips? kiss ba ang tinutukoy nito? She's in trouble, right?

Itutulak niya sana ito palayo ngunit ito na ang nagkusang palakihin ang distansya nila. May ngiti ito sa labi bago nanakbo pabalik sa mga kateammates.

Nag-oovertime pa din ang puso niya dahil sa sinabi nito. Kainis talaga ito.

Pinakamalakas na tilian ang narinig niya nang tawagin ang pangalan ni Kevin. Naghiyawan pa ang mga katabing kadalagahan ni Jasmin sa bleacher at itinulak-tulak ang dalaga para obvious na tuksuhin kay Kevin na sinuklian lang ng tipid na ngiti ni Jasmin ngunit kitang pinamulahan ng mukha ito.

Nang gumawi ang tingin niya kay Kevin ay nakita niyang nakamata ito sa kanya. He winks nang magkasalubong sila ng mga mata.

Nginiwian niya lang ito bago ito humarap sa Kuya ni Jasmin. Nang pumito ang referee doon na nagstart ang laro.

Lamang sa dalawang half sina Kevin na ikinababaliw ng mga fans ng mga ito. Kita niya rin na nagtsi-cheer si Jasmin para sa mga kapatid at particular kay Kevin.

Kita sa magandang mukha nito ang pride kapag nakakashoot si Kevin.

Ngayon niya lang napanood maglaro ng basketball si Kevin at nasorpresa niya na magaling pala talaga ito kaya may karapatang magyabang sa kanya. Ngunit professional ito sa loob ng court. Hindi ito nampa-foul at mainit ang ulo. Composed lang ito kaya nagkaroon ito ng ere ng pagiging cool.

Break time ng mga ito. Kaagad na sinalubong ni Jasmin ng basong may tubig si Kevin na umani ng tuksuhan sa mga nakapaligid.

Nasa kabilang side siya kaya nakikita niya ang lahat ng pangyayari.

Ngumiti si Kevin kay Jasmin bago bumaling ng tingin sa kanya. Sensual na binasa nito ng dila ang pang-ibabang labi at kinagat iyon na parang ipinapahatid na magready na siya para sa prize nito mamaya. Pinaningkitan niya ito ng mga mata na ikinangisi nito.

Lumingon ito kay Jasmin ng abutan ito ng huli ng towel upang ipamunas sa pawis nito.

Tumuntong na ulit sa court ang mga players ng matapos ang break.

That Summer Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon