Trisha
Nagpasya siyang lumabas ng kwarto bago pa siya ipasundo ng Lola niya. Saktong bukas niya ay nakita niya si Kevin na nakahang ang kamay sa ere at akmang pakatok sana.
Ngumisi ito nang magtama ang mga mata nila.
Devil!hiyaw ng isip niya na ito ang tinutukoy.
Paano nito nagagawang humarap sa kanya nang straight face, the fact na may mali itong ginagawa sa kanya?
Hindi na siya makapag-isip ng tama tapos ito mukhang okay lang at alaga pa siyang tuksuhin.
Hustisya!
Isinandal niya ito sa dingding na kahoy habang ang braso niya ay nakatuon sa dibdib nito. Kinailangan niyang tumingala para magkaabot ang mga mata nila dahil 5'10" ito at 5'5" naman siya.
"What? Hindi mo na mapigilan ang sarili mo." natatawang sabi nito. Kita niya ang pagsupil nito sa malokong ngiti dahil ikinatutuwa nito ang ginawa niya. Kumikinang ang mga mata nito.
"Kevin mag-usap tayo ng maayos."ginamitan niya ito ng tono ng pampanganay. O mas tamang sabihin nang katulad ng tono ng mommy nila. Isinaksak niya sa isip na bata lang ito at hindi ang gwapong binata na nagpapabilis ng tibok ng puso niya.
Nakita niya kung paano nabura ang kinang sa mga mata nito at mahalinhan iyon ng inis.
"What now Trish, acting like mom?" nasusuyang sabi nito.
"Not really."firm niyang sabi sa tono pa ring pam-mommy nila. Inalis niya ang brasong nakadangan sa dibdib nito.
"Anong gusto mong pag-usapan natin ng maayos dear sister?"pauyam nitong sabi.
Pinili niyang huwag patulan ang uyam sa tinig nito bagkus ay nagpakahinahon siya. Gusto niyang i-congratulate ang sarili dahil minsan naman pala ay kaya niyang magpanggap na matured siya.
"Please behave yourself. Alam kong matagal pa tayong magsasama sa lugar na ito whether we like it or not. Ayoko din nang friction between us so stop making fun of me. Kung gusto mong magkasundo tayo huwag mo na akong asarin. Ayoko ng gulo. Pabayaan mo na lang ako tulad ng dati. Huwag nating pakialamanan ang isa't isa." madiplomatikong sabi niya.
Nag-igtingan ang litid sa leeg ni Kevin ngunit hindi ito nagsalita. Siguro naman naiparating niya na dito ang gusto niya.
"And please act decent."pahabol niya.
"Papaano tayo kikilos Trish, like a mature people. Right?"kalmadong sabi ni Kevin.
Genuine siyang napangiti dahil mukhang nakuha ni Kevin ang nais niya. Madali lang naman pala. Kailangan niya lang itong kausapin. Mas matanda pa rin siya dito kaya may authority pa din siya.
Siguro'y nagpapansin lang ito sa kanya dahil sa pandedeadma niya dito sa loob ng halos 6 na taon.
"Right. Like a mature people Kevin."magaan ang loob na sang-ayon niya.
Nagliwanag ang mukha ni Kevin habang umangat ng sabay ang magkabilang kilay. It signals danger pero binura niya sa isip ang pangamba.
"Deal?"lahad niya ng kamay.
"Deal."mabilis na sang-ayon nito bago tinanggap ang palad niya.
Mabilis lang ang handshake nila. Noon niya lang nadiskubre kung gaano kalaki ang palad nito kaysa sa kanya.
Nakahinga siya nang maluwag dahil natapos ng mabilis ang nagpapahirap sa kanya.
Umalis siya sa tapat nito at sinenyasang sumunod ito sa kanya patungo sa Lola nila. Iyon naman ang sadya nito kanina di ba? Pinapasundo siya ng Lola nila dito dahil may pasalubong ito sa kanilang pagkain.
Gumaan ang loob niya. Sana noon niya pa ito naisip para natigilan siya kaagad ni Kevin.