Trisha
Hindi siya sumasakay sa likod ng driver ng tricycle pero dahil inunahan siya ng malditang si Vanna sa loob at kasama nila patungong bayan si Manang Lisa ay wala siyang nagawa kundi magpaubaya.
Kahit labag sa loob ay sa angkasan siya.
"Kapit ka Trish."masiglang utos sa kanya ni Kevin. Iningusan niya lang ito.
Naiinis pa din siya kay Vanna at sa kaartehan nito. Mas lalo siyang nainis sa babae ng dumako sila sa lubak-lubak na kalsada at makalog siya sa angkasan. Kasalanan ni Vanna kung bakit sumasakit ang pwet niya.
Malayo pa sila sa bayan at nangangalay na siya. Pakiramdam niya din ay binubugbog siya dahil sa impact ng pagkakakalog nila sanhi ng daan.
"Ayy!!!"parang iisang tao na sigaw nilang tatlo nila Vanna at Manang Lisa ng malubak sila. Promise feeling niya ay nakasakay sila sa jack hammer.
Muntik pa siyang mahulog kung hindi siya nahawakan ni Kevin sa balikat.
"Marami pang ganitong lubak Trish, bakit hindi ka kumapit sa akin?"ani Kevin.
"No thanks."sabi niya. Ipinagpatuloy niya ang pagkapit sa bakal na nasa bubong pero gaya nga ng sabi ni Kevin ay madami pang lubak kaya naman ngalay na ngalay siya.
"Iyakap mo mga kamay mo sa akin Trish para Hindi ka mahirapan at malessen ang pag-aalala ko na baka mahulog ka."utos ni Kevin ng sandali silang tumigil dahil pinagbigyan nilang makadaan ang kasalubong nilang tricycle.
Nabanggit niya bang almost one way lang ang daan kaya kapag may nakasalubong talaga namang tabi to the max sa gilid ng daan kasehodang halamanan na o di kaya'y palayan.
"No way!"tanggi niya.
"E di sige tingnan natin kung magmamatigas ka pa!"ani Kevin sabay tawa ng nakakaloko.
Hindi pa siya nakakakapit sa bakal ng bigla nitong patakbuhin ang tricycle. She was afraid of falling off kaya napayakap siya sa katawan nito.
"Nice, Trish."sabi nito bago walang imikan na silang nagbiyahe.
Nang makarating sila sa bayan ay tumanggi siyang sumama kina Vanna at Manang Lisa na mamalengke. Naiwan siya sa tricycle kaya naman nagpaiwan din si Kevin.
"Gusto mong maghalo-halo? Sabi ni Vanna may masarap na tindahan malapit daw sa may munisipyo."
"Ayoko."
Nainis siya ng itukod ni Kevin ang tigkabilang kamay sa tagiliran ng kinauupuan niya kaya naman nagmistulang nakabilanggo siya dito.
"Layo ka nga. Don't you know Personal Space?"
"Alam ko kaya nga ino-occupy ko ang sa iyo."
Tumaas ang kilay niya. Sinusubukan talaga nito ang pasensya niya. "Malalaman ni mommy ang pang-aasar mo sa akin."pagbabanta niya dito.
"At anong sasabihin niya? Masyado kang uncaring sa akin at immature Trish. You know mom, sa ating dalawa ako ang mas pinapanigan niya."
Tumalim ang tingin niya kay Kevin sanhi ng sinabi nito. Tama ito pero hindi iyon rason para deliberately na inisin siya nito.
"Whatever."she rolled her eyes. Bumigat ang paghinga niya dahil sa pambabox out sa kanya ni Kevin.
Nakakapanibago talaga ang pagiging mapang-asar nito sa kanya. Mas okay sana kung babalik na lang ito sa pagiging tahimik sa kanya. Normal naman itong makulit sa iba kaya bakit pa siya nito kinukulit?
"Say Trish--"
"Manang Lisa!"malakas niyang tawag sa likuran ni Kevin.
Umigkas palayo sa kanya si Kevin. He had this stupid suprised look. Weird, pero nakuha niya ang gusto niyang mangyari. Lumayo ito sa kanya.
Marahan itong humarap sa likuran nito kanina bago madilim ang anyo na tumingin sa kanya ng madiskubreng wala namang Mang Lisa sa likuran nito.