Chapter 62

7.5K 138 1
                                    

Trisha

Mahigit isang linggo na ang lumipas mula ng magsend siya ng email sa Auntie Sofia niya. Constant ang communication nila at nangako ito na susunduin siya.

Sa bahay naman ay madalas niyang iwasan na magkrus ang landas nila ni Kevin bagaman sa school ay nakakalusot ito dahil madalas siya nitong puntahan doon tuwing lunch break. Kahit makulit si Kevin, ang konswelo niya sa pagpunta nito sa school niya ay tumigil na si Dustin sa pagsunud-sunod sa kanya. Kaso nag-aalala siya na baka bumagsak naman ito sa mga subject na dini-ditched nito.

Katatapos lang nilang maghapunan na dalawa. Wala pa ang mom nila dahil may emergency daw sa kumpanyang pinapasukan nito bilang Senior Editor. Tahimik lang sila ni Kevin sa hapag kainan dahil nakabantay sa kanila si Aling Violy. Hindi niya alam kung sinabi dito ng mom nila ang tungkol sa kanila ni Kevin. Magkagayunman halatang nag-iingat siya maging si Kevin.

After dinner ay nagmadali na siyang pumasok sa kwarto niya. Nagbukas siya ng laptop para magbasa ng lecture nila kanina at libangin ang sarili. Napangiti pa siya ng makitang nagrerequest ng video call ang Auntie niya. I-accept na sana niya ang tawag nito ngunit naudlot dahil sa mahinang katok sa pinto niya.

Sa takot na ang mom niya ang nasa labas ay isinara niya ang screen ng laptop. Pinunasan niya din ang invisible na pawis sa noo niya bago binuksan ang pinto.

Napatda siya ng makita si Kevin.

"M-may kailangan ka?"sabi niya na kinakabahan. Nagpalinga-linga siya sa paligid.

"Let me in Trish."mariing utos nito.

"Bakit?"

"Can we please talk?"

"Dito na lang. Sabihin mo na agad. Baka dumating si mom at makita tayo."sabi niya na tuluy-tuloy.

Lumingon muna si Kevin sa likuran nito. Nang masigurong wala si Aling Violy ay nagsalita ito sa mas mahinang boses.

"Pack some clothes and your important things. Nakakita na ako ng pwede nating tirhan.Apartment iyon ng pamilya ng kaibigan ko sa Laguna. We can stay there."

Napamaang siya sa sinabi nito. Seryosung-seryoso ang pananalita ni Kevin.

"H-hindi ako sasama. I already told you."mariing sabi niya.

"Why?"

Anong why? Ipinaliwanag na niya kay Kevin na ayaw niya ang plano nito but still ipinagpipilitan pa din nitong lumayo sila para maging normal daw na couple sila dahil makakatakas sila sa mom nila at sa mga taong may alam na magkapatid sila.

Nang hindi siya nakasagot agad ay ginitgit siya ni Kevin para makapasok ito sa silid niya. Naglaban pa sila bago ito nakapasok. Inilapat kaagad nito ang pinto bago siya hinarap.

Diretso ito sa closet niya kaya bigla siyang naalerto. Pigil niya ito nang hilahin nito ang maleta doon. Natulala siya ng malaglag sa harapan ni Kevin ang isang nakatiklop na papel at pulutin nito iyon. Mabilis na inagaw niya iyon sa lalaki ngunit maagap nitong naitaas saka binasa.

"Stop!"mariing utos niya. Tumingkayad siya para hablutin ang sulat ngunit itinaaas lang lalo ni Kevin.

Namula ang mukha nito sa galit pagkatapos mabasa ang nilalaman ng maikling sulat niya.

"You're leaving."akusa nito.

Liham ng pamamaalam niya sana iyon kay Kevin kung sakaling sunduin na siya ng Auntie niya.

Sumusukong tumango siya dito.

"Kailan mo pa ito binalak Trish?"malamig nitong tanong.

Pigil ang pagluha na sinagot niya ito. "Noong unang beses mo akong pinuntahan sa school."

Nakita niyang nag-igtingan ang mga panga nito. "Hindi ko na mababali ang pasya mo?"

Marahan siyang tumango at nakita niya ang pamamasa ng mga mata ni Kevin. "Naiintindihan kita. I'm sorry naging mapilit ako."sabi nito sa basag na tinig.

Parang sinaksak ang puso niya ng naglakad ito palabas ng silid niya.

Masakit na biguin ito dahil mahal na mahal niya ito. Pero may mga bagay na hindi talaga nararapat. Tulad nila, hindi sila nauukol.

Napatakip siya sa bibig upang huwag makatakas ang isang gulat na singhap ng mabungaran ni Kevin ang galit na galit na mukha ng mom nila pagbukas nito ng pinto.

Base sa itsura nito, mali ang iniisip nito sa kanila ni Kevin.

"Ang tigas ng ulo mong bata ka!"sigaw nito kay Kevin bago sinampal ito.

Hinila nito palabas si Kevin kaya napasunod siya.

"Bakit ang kukulit ninyo? Talaga bang hindi kayo titigil sa bawal ninyong relasyon ha?"anito sa mataas na tinig.

Kita niyang wala sa sarili si Kevin habang tinatanggap nito ang paulit-ulit na pagsuntok ng mom nila sa dibdib nito.

"Mom tama na. Nagkakamali kayo ng akala."awat niya.

Kinapitan niya ang mom nila sa braso ngunit iwinagwag lang siya nito palayo. Muli nitong binayo ang dibdib ni Kevin. Humihingal na ito ng tumigil.

"Wala ba kayong kasawa-sawa?"sikmat nito kay Kevin.

"Mali kayo ng akala mom."sabi niya.

"Ako pa ang mali?"anito saka siya binalingan.
Napaatras siya dahil sa gulat. Maling move ang ginawa niya dahil sa isang iglap ay gumulong siya pababa ng hagdanan. Nasa kalagitnaan na siya ng mahabol siya ni Kevin.

Nagdidilim na ang paningin niya ng marinig ang tinig ni Kevin. "Trish, stay with me okay?"anito sa nanginginig na tinig.

Ang mom naman niya ay naghihisterya sa kasisigaw.

Itinaas niya ang kamay at nagtaka pa siya ng makitang may dugo iyon. Mapait siyang ngumiti. Wala siyang maramdamang sakit ngunit parang di na siya tatagal dahil manhid ang pakiramdam niya at umaalun-alon siya.

Bago siya mawala gusto niyang sabihin kay Kevin na mahal na mahal niya ito.

"I love you Kevin. I love you so much...."

"Alam ko Trish, alam ko!"anito sa nagpapanic na tinig. Ngumiti siya sa kaalamanang nasabi niya kay Kevin ang nararamdaman niya bago siya gupuin ng antok.

That Summer Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon