Chapter 46

7.4K 125 1
                                    

Trisha

Hindi niya maintindihan ang sarili niya. Parang hindi niya na kilala.

Naiinis siya dahil kahit hindi niya gustuhin ay kusang nagme-mental note ang utak niya sa bawat kilos at pananalita ni Jasmin.

Lihim na lihim niyang pinagmamasdan ito. At bawat araw na lumipas ay hindi niya nagugustuhan ang nabubuhay na damdamin sa dibdib niya.

Naiinggit siya dito dahil malaya itong nakakalapit kay Kevin at malaya nitong naipapahayag ang damdamin.

Mahinhin ito at wife material. Ilang beses niyang narinig iyon kay Cleo. Habang siya pakiwari niya ay wala siya sa kalingkingan ng magaganda nitong pag-uugali.

She was selfish. Sa sarili lang niya umiikot ang mundo niya. Masama ang puso niya dahil nababalot iyon ng poot at galit at dagdag na ngayon ang inggit. Habang si Jasmin puros kabutihan ang ipinapamalas sa lahat ng tao sa paligid nito.

Unconsciously ay napairap siya habang itinutukso ng mga kasamahan nila sina Jasmin at Kevin. Ayaw niyang panoorin kung papaano lumawak ang ngiti ni Kevin dahil kay Jasmin dahil nasasaktan siya ngunit parang may magnet ang mga mata niya na nakatutok dito. Sumusubaybay kahit hindi niya nais.

Nasasaktan siya sa development ng relasyon ng dalawa.

Tahimik na pinagdudusahan niya ang desisyong nagawa.

How ironic. Mapagbiro talaga ang tadhana.

Pumatak ang butil ng luha sa mga mata niya nang hindi sinadya.

Pathetic. Ganito siya kapathetic. Itinaboy niya palayo si Kevin ngunit hindi niya maunawaan kung bakit ganito kasakit ang nadarama niya.

"Ayos ka lang?"tanong ni Jess na nagulat ng makitang lumuluha siya.

"Napuwing lang ako."pagsisinungaling niya. Tinalikuran niya ito bago pa ito makapagkomento.

Pandalas siya sa pagpahid ng mga luha niyang kasimpait ng pakiramdam niya ngayon.

Parang sinaksak ang dibdib niya nang marinig ang buhay na buhay na pagtawa ni Kevin dahil kay Jasmin.

Easy lang Trisha. Pagkumbinsi niya sa sarili. Hindi niya kayang tingnan ang mukha ni Kevin habang masaya itong nakatingin kay Jasmin na gumagawa ng iba't-ibang ekspresyon ng mukha batay sa nabunot na papel habang magkaholding hands ang mga ito at nakaupo sa isang hita ni Kevin ang dalaga.

Mabibigat ang mga hakbang na iniwan niya sina Kevin, Jasmin, Vanna, Cole at Jess sa terrace.

Hindi niya na kaya. Sinasaksak ng punyal kada minuto ang puso niya sa eksenang nasasaksihan at naririnig.

That Summer Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon