Trisha
Pagkatapos ng mahigit 3 oras na biyahe sa lupa gamit ang van ay lumipat sila ng barko. Mahigit isang oras naman silang bumiyahe sakay ng barko. Pagkababa ng barko ay 2 na oras pa ang ginugol nila para makarating sa baryo na pamamalagian nila. Ang unang 1 oras at kalahati ay sumakay sila ng jeep pagkatapos ay tricycle naman ang huling 30 minuto. Nakakapagod ang palipat-lipat na sakay.
Patang-pata ang katawan niya dahil sa mahabang oras ng biyahe at dahil na rin sa malubak na kalsadang binagtas nila patungo sa bahay ng aguela.
Akala niya nga nabutas na ang bumbunan niya dahil sa pagkakauntog sa bubong ng tricycle ng malubak ito.
Sinalubong sila ng Lola Tilde nila at nang 2 kasambahay nito na pawang mga malalayong kamag-anak nila.
"Ang ganda-ganda mo Trisha!"masayang bati sa kanya ni Manang Rema. Tinangka nitong yumakap ngunit umiwas siya. Wala siyang panahon sa intimacy.
Nagmano siya sa Lola nila bago nagpatiuna nang pumasok sa loob ng malaking bahay na gawa sa semento at kahoy.
Naririnig niya sa likuran niya ang usapan at tawanan ng mga matatanda dahil sa mga kwento ni Kevin.
At nagagalit siya dahil doon.
Walang karapatan si Kevin na maging masaya.
Kumuyom ang kamao niya. Nasusuklam siya sa lahat ng mga taong natutuwa at magiliw dito.
Tumungo siya sa silid na inookupa niya sa tuwing nagbabakasyon o mas tamang sabihin kapag ipinapatapon sila dito. 4 na sunud-sunod na taon na iyon.
At kung ang layunin ng mommy nila ay magkakasundo sila ni Kevin kapag nagkasama sa lugar na ito ay nagkakamali ito.
Walang puwang sa puso niya si Kevin. She despises him.