Trisha
Emotional unstable siya dahilan para hindi siya dalawin ng antok kahit hatinggabi na.
Ilang beses siyang nag-inhale exhale para kalmahin ang nagpupuyos na kalooban at naguguluhang isipan.
Apektado na talaga siya ng Jasvin at nang pagiging popular ng love team ng mga ito sa mga taong nasa paligid nila na kilig na kilig.
Feeling irritated siya sa tambalang ito.
Kahit mabigat ang loob ay magagaan ang hakbang na bumaba siya ng bawat baitang ng siyamang hagdanan bitbit ang flashlight. Nagtungo siya sa kusina para uminom ng tubig.
Nagsasalin na siya ng tubig sa baso nang makarinig nang papalapit na mga yabag kaya naalerto siya.
"Can't sleep?"anang tinig ni Kevin.
Hindi niya ito pinansin. Nilagok niya ng walang patid ang isang basong tubig.
"Kung alak iyang tinungga mo baka lasing ka na."puna nito sa kanya ng lumapit. Kumuha din ito ng baso sa tauban at nagsalin ng tubig mula sa pitsel.
"Kung alak ito magpapakalunod talaga ako."sabi niya. Feeling niya talaga kailangan niya ng alak para maibasan ang nararamdaman niya.
"Sira."ani Kevin na dinutnot ng hintuturo ang noo niya na parang kabaliwan lang ang sinabi niya.
"Why? Ganoon naman lagi ang napapanood ko sa TV."
"Yes but in reality kahit sangkaterba ang inumin mo hindi pa din nawawala ang problema. Maaaring nakakadagdag ng lakas ng loob but in the end you didn't solve anything."
Napatango siya sa sinabi nito. May point ito pero gusto niya pa ding uminom para makalimot..
"Bakit gusto mong uminom Trish?"tanong nito.
Natigilan siya. Kailangan niya bang sagutin ito? Ayaw ng utak niya ngunit gusto ng bibig niya.
"Para makalimot."walang paliguy-ligoy na sagot niya.
"Makalimot ng ano Trish?"he inquire. Nasa tinig nito ang kuryusidad.
Hindi ng ano kundi sino. Ngali-ngali niyang isagot ngunit nakapagtimpi siya.
Nagrerebelde ang damdamin niya, sa lahat-lahat.
"A-ayokong masaktan and yet nasasaktan pa din ako."amin niya. Tumungo siya para itago ang malungkot na mukha niya sa kaharap. Ganoon ang damdamin niya.
Itinaas ni Kevin ang baba niya para magkaharap sila. "Tell me, anong nakakasakit sa iyo."mahinang utos nito.
"Hah! Bakit ko sasabihin sa iyo?"asik niya.
"Perhaps to ease your mind. Mahirap ang walang mapagsabihan. And I know you kahit anong nadarama mo hindi ka nag-oopen sa iba. Sinasarili mo lang. At ako ang nag-aalala para sa iyo."
Tumiim ang bagang niya dahil sa sinabi nito. Tama ito wala siyang pinagsasabihan ng kahit ano. Wala siyang pinagkakatiwalaang tao maliban sa sarili niya. Matagal nang nawala ang tiwala niya sa mom niya. Wala din siyang maituturing na kaibigan sa school. Wala dahil ayaw niya nang mag-invest ng tiwala sa ibang tao dahil mahirap ang pagtaksilan.
"Wala kang karapatang pagsabihan ako ng ganyan. You don't know me." Singhal niya dito.
"Maybe you're right."sang-ayon nito na ikinapuputok ng butse niya.
Iningusan niya ito na ikinatawa lang nito.
"You're so cute Trish lalo na kapag nagagalit ka. Maybe loving you is not bad after all."anito na ikinainit ng magkabila niyang pisngi. Sinsero ito sa pagkakasabi.
Huminga siya nang malalim. Masyadong nagugulo ang senses niya sa sinasabi ni Kevin.
"Maybe we should try to be together." suhesyon nito.
"Try to be together? E di ba may Jasmin ka na?"asik niya dito na ikinatawa nito.
"Kapag nagseselos ka ang cute mo lalo."
"Hindi ako nagseselos!"mabilis niyang kontra sa sinabi nito.
"E di hindi."sang-ayon nito kaagad. "Pero Trish baka bukas makalawa I'll fall for her."anito bago siya tinalikuran.
Natulala siya sa sinabi nito habang nagpe-play sa utak niya ng paulit-ulit ang huling sinabi nito, fall for her...
Ilang dipa na ang layo sa kanya ni Kevin ng magpasya siyang habulin ito. Hinablot niya ang suot nitong T-shirt kaya napatigil ito sa paglalakad.
Tinangka ni Kevin na humarap sa kanya ngunit niyakap niya ito ng mahigpit mula sa likuran.
Ayokong kinakausap mo si Jasmin, ayokong tumitingin ka sa kanya, ayokong iniisip mo siya."