Chapter 61

7.6K 129 3
                                    

Trisha

"Magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi na."

Sabi niya na ikinangiti ni Kevin pero kaagad niya iyong dinugtungan ng: "Pero hindi ako sasama sa iyo Kevin. Tapos na ang kabanata natin. Kalimutan na natin ang kalokohang ito."seryosong sabi niya. Pinili niyang tukuyin na kalokohan ang namagitan sa kanila ni Kevin gaya ng ginamit ng mom niya noon.

"Pag-isipan mo muna Trish."nakikiusap na sabi ni Kevin. Nais lumambot ng puso niya nang makitang nagkalambong ang mga mata nito.

Mabilis siyang umiling. Desidido na siyang manatiling putol ang relasyon nila ni Kevin. Ayaw na niya ng gulo. Pareho lang silang masasaktan ni Kevin dahil walang tatanggap sa uri ng relasyon nila. Imoral, nakakadiri, baluktot, masama at mali.

Magkapatid sila, napakabigat na iyong dahilan para tumigil sila noong una pa lang.

"Please Trish, please.."he's pleading.

Aninag sa mata nito ang matinding takot na hindi na magbago ang pasya niya kaya parang may mabigat na kamay na pumiga sa dibdib niya. Parang ang hirap nitong biguin.

Bumuga siya ng hangin dala ng frustrations at paglalaban ng isip at puso niya.

Mahal naman talaga niya si Kevin. Sayang nga lang at nasa hindi sila normal na sitwasyon. Kung saan malaya nilang mahalin
ang bawat isa bilang lalaki at babae.

Mapait siyang ngumiti dito bago ito humugot ng frustrated na buntunghinga.

After nilang kumain ay inihatid siya ni Kevin sa school niya. Gaya kanina ay agaw pansin sila. Mga tinging namamangha, humahanga kay Kevin habang naiinis naman ang nakuha niya.

Isang magaan na halik sa pisngi ang ginawad ni Kevin sa kanya bago siya makapasok sa loob ng classroom.

Umani iyon ng nagrereklamong bulungan sa mga babae at tsk sa mga lalaki.

****
Pagkauwing-uwi niya sa bahay ay kaagad siyang nagsend ng email sa nag-iisang kapatid ng dad niya. Bunso ito sa magkapatid.

Nasa London ito at doon nakabase. Sofia Evans Fletcher. Dalaga pa ito dahil hindi na nag-asawa kaya kapareho niya ito ng apelyido.

Trisha Marie Honarez Fletcher ang buo niyang pangalan. Sa Pilipinas siya ipinanganak. Hindi naikasal ang mom and dad niya noong nagsasama pa ang mga ito dahil ayaw ng parents ng dad niya sa mom niya. Nanatiling Johanna Corpuz Perez ito. Noon pa siya nagtataka kung bakit Honarez ang middle name niya pero sabi ng dad niya, typographical error daw kaya tumigil na siya sa pagtatanong.

British ang mga Lola at Lolo niya, ang dad at auntie niya. Siya naman ay Half British half Filipina dahil pure Filipina ang mom niya.

Sinabi niya sa tiyahin na gusto niya nang kuhanin na siya nito gaya ng balak nito noong namatay ang dad niya.

Mas mabuting lumayo siya kaysa masira ang kinabukasan nila ni Kevin. Napag-isip isip niyang decided talaga itong magsama sila at tiyak na mahihirapan ito dahil hindi na ito makakapag-aral gayong pangarap nitong maging magaling na abogado. Magiging malaki lang siyang pabigat. Ngayon lang nagsi-sink in sa kanya ang mga mangyayari kapag lumayo silang dalawa.

Kamumuhian din sila ng mom nila at ng lahat nilang kamag-anak. Maging ang Diyos hindi na sila patatawarin.

Hinayaan niyang umagos ang masaganang luha sa mga mata niya.

Mahal na mahal kita Kevin Perez Yap kaya gagawin ko ito...

That Summer Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon