Chapter 54

7.2K 128 3
                                    

Trisha

Halos hindi siya makahinga habang nakikinig sa sinasabi ng mom nila na panunumbat kay Kevin. Nasa isang silid sila na sarado ang pinto. Magkakaharap silang apat (mom nila, si Lola Tilde, at sila ni Kevin).

Kasalanan niya kung bakit nagagalit ang mom nila kay Kevin kaya doble ang sakit na nararamdaman niya sa tuwing pinagsasalitaan ng mom nila si Kevin ng di maganda. Kasalanan niya kung bakit sila nagkakagulo. Kung sana'y naging firm siya sa desisyong huwag pansinin ang pangungulit ni Kevin sana ay wala sila sa sitwasyong ito.

Kung ginamit niya lang sana ang isip. Kung pinili niya ang tama sana hindi nasasaktan ngayon ang mga tao sa paligid nila.

"May relasyon kayo, tama ba?"singit na tanong ni Lola Tilde na sa kanya bumaling.

Nanunuot ang tingin nito sa kanya kaya nagbaba siya ng tingin sa mga kuko niya sa paa.

"Humarap ka sa akin Trisha."matigas na wika nito.

Natigil sa pagsasalita ang mom nila. Bumaling din ang atensyon nito sa kanya. Kahit hindi siya tumingin kay Kevin ramdam niyang nakamasid na rin ito sa kanya.

"Meron po Lola."sagot ni Kevin.

Nakita niya ang pagtigas ng anyo ng Lola nila. Sasabat sana ang mom nila ngunit sinenyasan ito ng Lola niya na manahimik.

"Maging civilize tayo, kung sino ang tinatanong siya ang sasagot. Wala ding sisigaw at mang-aaway para magkaunawaan tayo, kaya nakikiusap ako sa inyo Johanna at Kevin maging sa iyo Trisha."anang Lola niya sa matigas na tinig.

Marahil rinding rindi na ito sa bangayan ng mom nila at ni Kevin.

"Ngayon Trisha, may relasyon ba kayo?"

Namuo ang invisible na bara sa lalamunan niya. She clears her throat. "Meron po."sagot niya sa nanginginig na tinig.

Nakita niya ang pagtigas ng anyo nito at pag-alon ng dibdib bago muling nagtanong sa mahinahong tinig. "Kailan pa?"

"Four days ago po."mahina at maikli niyang sagot.

"Four days pa lang pero pinakialaman mo na Kevin si Trisha!"sigaw ng mom nila sa galit na tinig.

Namula ang mukha niya sa narinig habang walang response naman si Kevin.

"Please Johanna."saway ng lola nila sa mom nila.

Umaalon ang dibdib ng mom nila sa galit. Pulang-pula din sa galit ang mga nanlilisik nitong mata kay Kevin. Sa tantiya niya ay gustung-gusto nitong sampalin ulit si Kevin.

Mom please calm down. Hiling niya sa isip. Ayaw niya nang makita ang paglapat ng kamay nito sa mukha ni Kevin. Madami ng sampal ang tinamo ni Kevin mula dito. At kung balak nitong saktan ulit si Kevin sana idamay din siya nito para hindi siya lalo kainin ng konsensya. Dalawa sila ni Kevin na nagkamali kaya dapat saktan din siya nito but she always spare her kaya mas lalo siyang nagi-guilty. Parating si Kevin ang sinisisi nito sa nangyari gayong may parte din naman siya.

Napilitang kalmahin ng mom nila ang sarili nito kaya nagpatuloy ulit ang Lola nila sa pagsasalita.

"Alam mo ba Trisha na mali ang uri ng relasyon ninyo?"

"O-opo. I'm sorry."sagot niya. Hindi na siya komportable sa tinutungo ng usapan pero dapat harapin niya ang konsekwensya ng maling nagawa.

"Sa mata ng tao lalung-lalo na sa Mata ng Diyos mali ang relasyon ninyo kaya kailangan na ninyong itigil iyan."

Umawang ang bibig niya. Naiiyak siya sa sinabi nito kaya kahit gustuhin niya mang pigilin ang sarili ay bumalong ang luha niya.

Sa isang iglap ay nasa tabi niya si Kevin at hinahaplos nito ang likod niya.

"Kevin, Trisha lalabas kami ng mom ninyo para bigyan kayo ng tsansa na makapag-usap at tapusin ang anumang namamagitan sa inyo. Pagbalik namin dapat sumumpa kayo na ititigil na ninyo ang relasyon ninyo-"

"No need La."ani Kevin kaya napatingin siya dito.

Sa pananalita nito, isinusuko na ba siya nito ng walang laban? Ganoon lang kadali?

"We're sorry for causing so much pain and trouble. We're breaking up."dagdag nito kaya madiin siyang napakagat sa kanyang labi.

Mahal na mahal niya ito. Pero tinatapos na nito ang relasyon nila without consulting her. Masakit. Sobrang sakit. Daig niya pa ang naiwan sa ere tapos bumulusok ng bagsak sa matigas na lupa.

Ginanap ni Kevin ang palad niya at mariing pinisil. Puno ng pahiwatig na intindihin niya ito kaya mas lalo siyang nasaktan.

Nagsimula sila ng mabilis at mali kaya natapos din sila ng mabilis. How ironic dahil siya, sigurado siyang malalim ang sugat na iiwan sa kanya ng pag-ibig niya kay Kevin at matagal bago iyon maghilom.




That Summer Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon