Chapter 58

6.9K 115 0
                                    

Trisha

Simula ng mawala ang dad niya ay nagkalamat na ang samahan nilang mag-ina. Maging si Kevin ay iniwasan niya. Sarili na lang niya ang naging karamay niya.

Wala ng sigla ang buhay niya.

Iniiyak niyang mag-isa ang bigat ng dibdib niya.

Hanggang sa pinalibutan niya ng pader ang puso niya.

Ganoon ang naging buhay niya sa loob ng anim na taon.

Ngunit naging mas malala pa ngayon. At walang ibang dapat sisihin kundi ang sarili niya. Siya pala ang gamu-gamo dahil siya ang lumapit sa nakakaakit na apoy para matupok.

Hindi na siya iibig pang muli. Hinding-hindi na.

Tatanda siyang mag-isa gaya ng plano niya noon. Magtatapos din siya ng pag-aaral para makalayo na sa bahay na ito. Magtatrabaho siya at hindi na magpapakita pa kahit kanino sa pamilya ng mom niya at maging dito.

Mag-isa siyang mamumuhay. Mas okay iyon dahil malayo sa pananakit ng ibang tao lalo na sa pananakit ni Kevin sa damdamin niya.

Hindi niya maiwasang mapaluha kapag naaalala niya ang nasaksihan kanina sa arcade.

May kapalit na siya agad kay Kevin o baka matagal na iyong kasintahan nito.

Alin man ang sagot sa dalawa, pareho lang ang epekto. Nasasaktan siya at iniiyakan ito.

Nakakabaliw pala ang pag-ibig.

Hindi niya maiwasang mapait na ngumiti. Pareho pa sila ng dad niya na sinaktan ng mag-ina.

Kapalaran ba nilang saktan ng mga ito?
At mamamatay dahil sa mga ito? Dahil siya, konting-konti na lang ay bibigay na siya. Natutukso na siyang uminom ng sangkaterbang sleeping pills kanina para huwag ng magising pero dahil duwag siya ay hindi niya itinuloy. Natatakot siyang hindi niya na makita si Kevin. Ganoon na kalala ang tama niya dito.

Nag-inhale exhale siya bago hinagilap ang cellphone niya sa ilalim ng unan at pinatugyog ang paboritong kanta ng dad niya na "Too much heaven" ng Bee Gees. Sinasabayan niya iyon habang tumutulo ang luha niya.

Nagsesenti siya dahil sobrang broken hearted siya.

                                   ******
A/N:

I do not own the video.

That Summer Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon