Chapter 43

7.7K 127 1
                                    

Trisha

Siya ang masama at si Kevin ang naapi niya, iyon ang pinalalabas ng mga kasamahan nilang 2. Dulu-dulo ang upo nila dahil pinagitnaan sila ng mga pinsan para di daw sila ulit magsakitan. Syempre, katabi ni Kevin si Jasmin.

Walang naimik sa kanilang anim. Pasulyap-sulyap lang ang katabi niyang si Cole. Parang may nais sabihin ito ngunit sa bandang huli ay nagpapasya na lang manahimik.

Imbyerna naman siya sa mga ito. Walang karapatan ang mga ito na palabasing siya ang masama between her and Kevin.

"Pwede kang maisayaw?"anang lalaki na lumapit sa kanya.

Napasulyap muna siya kay Kevin at nakita niyang nakamasid ito sa kanya.

"Masakit ang paa ko. Sorry."tanggi niya sa lalaki kaya kakamut-kamot ng ulo na umalis ito. Iningusan niya si Kevin. Hindi niya tinanggihan ang lalaki para dito. Ayaw niya talagang sumayaw.

Humarap sa kanya si Cole kaya na-block nito ang mukha ni Kevin.

"Try mong makipagsayaw Trisha para naman hindi ka mabagot."

"No thanks."maikling sabi niya sabay ingos dito.

Lumampas sa harapan niya si Kevin. Pagbalik nito ay maydala na itong isang basong tubig at ibinibigay sa kanya.

Tinanggap niya iyon dahil nauuhaw siya. Ibinalik niya dito ang baso pagkatapos. Walang salitang ibinalik nito ang baso sa pinagkunan.

"Bati na kayo?"tanong ni Jess nang mawala sa paningin nila si Kevin.

Tinaasan niya lang ito ng kilay. Nang bumalik si Kevin ay humila ito ng monobloc na bangko at tumabi sa kanya.

Nagpapanic si Cole dahil doon. "Baka magpatayan kayo. Ang lapit ninyo e."kontra nito sa pagtabi sa kanya ni Kevin.

Sa halip na magpaliwanag si Kevin ay umakbay ito sa kanya. Napatuwid siya ng upo dahil doon.

"Bahala nga kayong padanakin mga dugo nyo dito."ani Cole nang makitang walang balak lumayo sa kanya si Kevin.

"Mukhang bati na naman sila kaya sayaw na tayo ulit."ani Jess. Sumang-ayon si Cole kaya bumalik sa sayawan ang mga ito.

Naiwang bakante ang 2 upuan sa pagitan nila Vanna at Jasmin sa kanila. Nakasulyap sa gawi nila ang mga ito pero ng mahuli niya ay tumingin sa ibang direksyon.

"I'm glad di ka nakipagsayaw Trish."bulong sa kanya ni Kevin.

"Hindi ko iyon ginawa para paluguran ka."ganting bulong niya dito. Swerte naman nito.

Ngumisi lang ito bago hinila siya palapit dito. Isiniksik siya nito sa tagiliran nito.

"Hindi rin naman ako papayag na maisayaw ka ng iba."anito.

Nagwawala na ang puso niya dahil sa pagkakalapit nila at pagsamyo sa mabango nitong amoy.

Nakakalasing talaga ang amoy ng cologne nito. Pigil-pigil niya ang sariling isubsob ang mukha sa leeg nito para simsimin lalo ang amoy nito.

May mga pagkakataon na gusto niya na lang magpatangay kay Kevin kagaya ngayon.

"Love me Trish."bulong ni Kevin. Hindi iyon pakiusap kundi utos.

"I can't .."mahinang sabi niya.

Humigpit ang halos payakap na akbay nito sa kanya. "Then I'll teach you Trish to love me."determinadong sabi nito.

Nanuyo ang lalamunan niya. Parang nalulunod siya kay Kevin at sinasabi nito.

Walang matinong parte ng isip niya ang balak sundin si Kevin. Napakaraming rason kung bakit hindi iyon pwedeng mangyari. Kaya sa halip na matuwa siya sa sinabi nitong mahal siya nito ay ikinaligalig iyon ng isip at puso niya. Dahil walang magkapatid ang pwedeng lumampas sa boundary ng relasyon na nais ni Kevin na pasukin nila.

Naguguluhan lang siguro ito at naipagkamali na pag-ibig ang nararamdaman nito para sa kanya.

Immature pa ito at mapusok.

"Ipaglalaban ko Trish ang damdamin ko para sa iyo."anas nito. "Kahit abutin ako ng matagal para mapaniwala kang totoo ang nararamdaman kong ito."

Nilunok niya ang invisible na bara sa lalamunan niya at mariing pumikit upang pilit paniwalain ang sarili na hindi lumalabas sa bibig ni Kevin ang binitiwan nitong mga kataga.

"Kevin sayaw tayo. Paborito ko ang kanta."nakita niyang hila ni Jasmin si Kevin sa malayang kamay nito ng magmulat siya ng mga mata. Nakalapit ito sa kanila ng di niya namamalayan. Namumula ang mukha nito.

"Siya nga naman Kevin."ani Vanna na tsine-cheer ang dalawa.

Para siyang nilamig ng alisin ni Kevin ang braso nito sa katawan niya.

Bago ito tumayo ay binigyan muna siya nito ng nagpapaunawang tingin.

Pinanood niyang humalo sa karamihan sina Jasmin at Kevin hanggang sa mawala ang mga ito sa paningin niya.

Pakiusap Kevin, ibaling mo na lang sa iba ang puso mo. Tahimik niyang usal. Dahil hindi ko pwedeng suklian ang pag-ibig mo.

That Summer Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon