Chapter 36

7.5K 130 1
                                    

Trisha

Hindi sapat ang sabihing literal na lumuwa ang mga mata niya sa realisasyon ng sinabi ni Kevin at sa ginagawa nito sa katawan niya.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang makasalubong ng mga mata niya ang mga mata nito na puno ng pagnanasa.

Hindi naikubli nang kakaunting sinag ng buwan na tumagos sa silid niya ang apoy ng pagnanasa sa mga mata nito.

"Please, hindi ito ang ibig kong sabihin."mahinang paintindi niya kay Kevin. Hindi niya mapigilan ang paglandas ng masaganang luha sa kanyang mga mata. She felt violated.

Narinig niyang nagmura ng mahina si Kevin bago inalis ang mga kamay sa maseselang parte ng katawan niya. Hinagip din nito ang kumot sa ulunan niya upang itakip sa exposed niyang upper body.

"Shhh. Stop crying."masuyong alo nito sa kanya. Hinamig siya nito paangat upang isinubsob sa dibdib nito na walang suot na damit pang-itaas. Hinaplos din nito ang buhok niya.

"K-kevin.."impit na iyak niya. Natatakot siyang may gawin ito sa kanya o kaya'y magising nila ang mga kasama nila sa bahay.
Tiyak na malaking gulo iyon.

"Shhh. Wala na akong gagawin sa iyo Trish na hindi mo gusto. Pangako."bigay assurance nito. Humigpit ang yakap nito sa kanya.

Kumawala siya dito upang kalmahin ang sarili at tuyuin ang luha sa mga mata niya.

"Ikukuha lang kita ng tubig."mahinang paalam ni Kevin. Nang tumayo ito ay nakita niyang nakasuot ito ng pajama. Natakot siya kanina dahil akala niya ay wala itong anumang saplot.

"Kevin."mas mahinang tinig ang ginamit niya para tawagin ito. "Okay na ako. And please, nagsusumamo ako sa iyo huwag ka ng bumalik dito sa room ko kapag lumabas ka."

Natigilan ito. Kitang-kita ang pagtutol sa mga mata.

"Trish-"

"Hinding-hindi na kita mapapatawad kapag bumalik ka pa at inulit ang ginawa mo."sabi niya sabay balon ulit ng luha sa mga mata niya.

"Naiintindihan ko."masama ang loob na sabi ni Kevin. Sinulyapan muna siya nito ng matagal bago lumabas ng silid niya sa mabibigat na yabag.

That Summer Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon