Trisha
"Are you really sure , you still want to go Trisha?"
Makailang beses na tanong ng Auntie niya habang nagbe-breakfast sila ilang oras bago ang flight nila.
"Of course I am."sagot niya na nginitian ito kahit pilit na pilit.
"You're face say otherwise."anito na nag-aalala.
Nginitian niya lang ulit ito kahit siya ay siguradong ngiwi iyon.
Natapos ang breakfast at naligo na siya. Paglabas niya ay nasa maliit na salas ang Auntie niya at may hawak na kung ano.
"Gaano mo kamahal si Kevin?"tanong nito sa matatas na Filipino. Mahusay itong magtagalog dahil naging missionary ito sa Davao ng ilang taon. Naiwan doon ang isa nitong pinsan kaya may kamag-anak sila doon. Iyon ang tinutukoy dati ng mom niya.
Nagulat siya sa tanong nito at nananantiya nitong tingin.
"M-mahal na mahal po."amin niya.
"Will that enough to make you stay here?"tanong ulit nito na nagpatibok sa ulo niya. Hindi ba ito nagagalit sa kanya dahil umiibig siya sa maling lalaki?
"No."firm niyang sagot.
"Ayokong magsisi ka forever dear. So make your choice correct."anito bago iabot sa kanya ang isang papel.
Pinasadahan niya iyon ng tingin at nangunot ang noo niya ng mabasa ang nakalagay doon. Certificate of Live Birth niya from NSO. Nakarehistro siya doon bilang TRISHA MARIE HONAREZ FLETCHER gaya ng nasa Municipal Birth Certificate na hawak ng mom niya pero ang umagaw ng pansin niya ay ang nakalagay na pangalan ng mother niya sa NSO.
Mother: Vera De Leon Honarez
Father: Trevor Evans Fletcher
Speechless siya sa nabasa lalo na nang iabot sa kanya ang larawan ng dad niya na nakadamit pangkasal at ng babaeng nakangiti at nakasuot din ng gown na pangkasal.
Pinagmasdan niyang mabuti ang mukha ng babae. Katulad ng kulay ng mga mata niya ito, tsokolate. Pati ang maliit na biloy sa pisngi niya ay dito niya nakuha.
No doubt may resemblance sila.
"Siya ang mom ko?"nanunuyo ang lalamunang tanong niya.
"Yes."mabilis nitong sagot.
"But how? Johanna Corpuz Perez ang name na nakalagay na mom ko sa Birth Certificate ko."naguguluhan niyang tanong.
"Dinuktor lang iyon ng dad mo."paliwanag nito.
"Are you sure?"paniniyak niya. Iba ang siglang pumupuno sa puso niya although nalulungkot siya na ang babaeng itinuring niyang Ina sa loob ng mahabang panahon ay hindi niya pala totoong mommy.
"Yes dear. I lend him a hand ng palitan niya ang pangalan ng mom mo doon because he was crazy in love with Johanna."
Hindi siya makapaniwala sa narinig. Nagpalsipika ng legal document ang dad niya.
Madaming sinabi ang Auntie niya bago siya nakumbinsing na totoo ang nakalagay sa BIRTH CERTIFICATE niya na galing sa NSO.
"Now go."taboy nito sa kanya paalis ng condo.
Napangiti siya dahil iyon naman ang balak niya.
Pumara siya ng taxi at nagpahatid sa bahay nila. Napuno ng pagtataka ang mukha ni Aling Violy nang mapagbuksan siya ng gate.
"Si Kevin po?"hinihingal niyang tanong.
"K-kahapon pa di umuuwi."sagot nito.
"Saan po nagpunta?"
"Hindi ko sigurado. Hindi naman nagpaalam"sagot nito.
Natigilan siya sa narinig.
"May dalang malaking bag. Hindi umuwi kahapon kaya hindi ako sigurado kung uuwi iyon-"
Napaiyak siya sa narinig. Umalis na ba si Kevin at itinuloy ang paninirahan nito sa Laguna kahit wala siya.
Napaupo siya sa Bermuda grass habang hindi mapigilan ang sariling humagulhol.
Too late na ba siya?